Kabanata 17

75.8K 2.2K 80
                                    

Kabanata 17

Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Daniel. He's leaning against his black Aston Martin while hands shoved inside his slacks' pocket. Nasa simento ang atensyon niya ngunit agad rin nag-angat ng tingin nang tuluyan nang pumasok sa parking ground ng school ang sasakyan namin. I know that he's already familiar with our family car. Sa tingin na ipinupukol niya palang sa gawi namin ay kumpirmado na.

"Naku, nariyan na pala ang inspirasyon mo, Ma'am Cheska." tudyo ni Manong Dencio habang patuloy sa pagmamaneho papasok.

Natawa ako. "Ikaw talaga, Manong."

"Ayos lang iyan, Ma'am. Hindi naman masama ang umibig sa ganitong edad. Gawin niyong inspirasyon ang isa't-isa habang nag-aaral kayo."

"Sana po ay ganiyan rin ang pananaw nila Mommy tungkol sa pakikipagrelasyon." sabi ko, hilaw ang ngiti.

Tumingin siya sa akin sa rearview mirror, may simpatya sa kanyang mga mata. "Huwag kang magalala. Nararamdaman ko na magbabago pa ang mga magulang mo pagdating sa inyong magkapatid. Maaaring ikaw ang dahilan, o si Adrianna. Maniwala ka."

That's the last words I've heard from Manong Dencio before I went out of the car. Hindi ko maiwasan umasa sa sinabi niyang iyon, na magbabago pa ang mga magulang namin. Kung hindi man sa akin, kahit pagdating na lang sa kapatid ko. Sana hayaan nila itong gawin ang gusto habang nagdadalaga, basta nasa tama.

Umayos ng tayo si Daniel pagkakita sa akin. A fresh and soft smile blossomed in his lips. Naglakad siya palapit sa akin, astang sasalubungin ako.

Hindi ko akalain na seryoso siya sa sinabi niya kahapon na hihintayin niya ako rito. Akala ko ay nagbibiro lang siya. Sa mahigit isang buwan na nakikilala ko siya, alam kong dumadating siya ng sakto na sa oras ng klase. Last minute kumbaga. Hindi kagaya ko na isang oras pa bago ang klase ay narito na.

"Good morning. Kanina ka pa?" tanong ko nang nasa harap na namin ang isa't-isa.

His lips stretched into a boyish smile. Noon pa man, sa tuwing makikita ko siya sa umaga, hindi ko na siya mapigilan pang purihin sa isip ko. His clean cut black hair looks blow-dried. Ang ilang hibla ay nakabagsak sa noo niya, umaabot hanggang sa ibabaw ng kanyang makapal na kilay. Maging ang mapula niyang labi ay mamasa-masa pa at tila ba kakatapos lang dilaan.

"Fifteen minutes ago." he said and was about to take the books from my hands when I refused. Nag angat siya ng kilay.

"Huwag na. Kaya ko naman-"

"I am not asking if you can hold it or not, Cheska. I want to hold if for you..." he cut me off and took the books from me.

Bumuntong hininga ako. "Baka isipin nila na totoong ako ang dahilan ng paghihiwalay niyo ni Emerald, Daniel."

He stared at me. His deep brown eyes sliding into focus. "When will you stop thinking about what others might think about us, Cheska? This is between you and me. Labas sila sa kung anong mayroon tayo ngayon."

Something in those words suddenly makes me feel giddy. Hindi na napigilan pa, natawa ako na ikinataas ng kilay niya.

"Ano ba ang mayroon sa atin?" tanong ko.

His mouth twitched, and I was pretty sure he was fighting a smile. Inangat niya ang kamay at inalis ang ilang buhok sa aking pisngi bago ito marahang iniipit sa gilid ng tainga ko.

"Ask your self, Francheska. Ano na nga ba ang mayroon sa atin?" he asked teasingly while eyeing with so much passion. "Ikaw lang ang makakasagot niyan."

Kung ako ang tatanungin, alam ko sa sarili ko na may malalim na akong nararamdaman para sa kanya. This isn't crush anymore. I even thought that I would never reached that stage. Pakiramdam ko ay nilaktawan ko na ang emosyon na 'yon. What I am feeling for him now is something deeper than crush or infatuation.

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon