Napatingin naman ako bigla sa natutulog na si Mike, ang gwapo gwapo mo talaga Mike mylabs. :)

Natigilan naman ako sa pag-iisip ng biglang nagising ang prince charming ko.

Okay. Kunyari tulog ako, kunyari ‘di ko alam na gising sya. Pinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring tulog. Naramdaman ko namang may lumapit sa kinahihigaan ko, nilagyan ako ng kumot saka hinimas ang buhok ko.

AW, ANG SWEET!!

Saglit lang yun pero heaven!! Waaaahhh!!!

Naramdaman ko ulit na dahan dahan syang lumakad papalayo, narinig kong lumangitngit ang pinto. Dinilat ko ang kanang mata ko, at nakita ko namang pumasok sya bathroom.

Sige na nga! Tatayo na ko! Eh, kasi naman ‘tong si mylabs e, pinapakilg ako..

Dahan dahan akong nagtaas ng ulo, sakto naman na syang labas nya mula sa bathroom, nang makita ko syang nakatingin sakin ay bumangon na din ako.

"Good morning." Bati ko sakanya ng nakangiti, tumango lang sya.

Nang makapaghilamos na kame pareho ay bumaba na kame at nagalmusal, nagulat na lang ako ng iniabot saken ni tita yung cellphone ko at ganun din yung kay Mike, sobrang saya ko ng umaga na ‘yun lalo na ng sinabi ni mommy Esme na may regalo daw sila samen.

Excited ako pero syempre ‘di ko pinahalata. Hihi. Ano kaya ‘yun?

Kotse? Meron na ako nun e.

Necklace? Madame ako nun sa bahay.

Condo unit? Meron na din.

O baka naman bagong building? WOW!!

"Tara na" Yaya ni tita at tito, tumango naman ako at sumakay sa sasakyan nila, si tito Key ang nagdrive kame naman ni mylabs nasa backseat. Walang kibo si Mike habang ako nakatingin lang sa labas ng sasakyan, pumasok kame sa isang subdivision hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Nasa malayo pa lang kame naagaw na nito ang atensyon ko dahil..

"D-design ko ‘to ah?" Sabi ko habang nakatulala sa malaking bahay.

"Yes iha, sayo nga ang design na ‘yan, at sainyo na din ang bahay" Sabi ni tita sabay akbay sakin, ako naman ay nanatiling nakatulala. Ewan, ‘di ko alam. Paanong?

"Sobra sobra naman na po ata ito tita" Sabi kong nakatulala pa din sa bahay.

"Iha sabi ko sayo mommy na lang diba? At hindi ‘yan sobra, kulang pa yan" Sagot nya, ngumiti na lang ako.

"O sya aalis na kame Mikekim! Alagaan mo ‘tong asawa mo ha?" Sabi ni tita kay Mike, tumango lang si Mike at humalik sa pisngi ng mommy nya, tinapik naman nya si tito.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon