Chapter 12

17 3 0
                                    

"Ceri.."

Huh?

"Ceri.."

Azi?

"Okay ka na ba, Ceri?" Naging malinaw na ang boses nang maimulat ko ang mga mata ko.

Si Azi.

May benda siya sa ulo, nakasemento rin ang kanang braso niya. May pasa rin siya sa bandang gilid ng labi.

Napuruhan siya?

Kahit kumikirot pa ang ilang parte ng katawan ko ay pilit akong bumangon sa pagkakahiga at tiningnan ang kabuuan ng kwarto.

"We're in Keddler Hospital," Azriel said and placed the food on the table beside me. "Kumain ka na. Ilang araw ka nang tulog, e." He chuckled.

"Araw? Ibig sabihin,----"

"Tatlong araw ka pong tulog, ateng. Kain ka na." Nakapamewang niyang sabi saka niya binulatlat ang dala niyang supot kanina. "Ako nag-build niyan sa food section, pasalamat ka at medyo maayos na ako."  Nagmamayabang niyang ani. Sinimulan na niyang kainin ang dala-dala niya. Natawa naman rin ako at dadampot na sana ng kutsara, pero..

"Azi..."

"Hmm?? Alam ko nang guwapo ako, Ceri."

"Azi..."

"Bakit nga?" Nang tanungin niya ako ay itinigil na niya ang kaniyang pagkain. "Oh, bakit?" Kunot noo niya muling tanong.

"Hindi ko maigalaw braso at kamay ko.." Naiiyak kong tugon.

Paano ako makakakain?!

"Hahaha! Ay, sorry. Oo nga pala. Susubuan nalang kita." Nakangiti naman niyang sabi. Saka niya ako sinalinan sa isang mangkok ng pagkain.

Habang ginagawa niya iyon, inilihis ko ang tela na malapit sa brasong tinamaan ako ng bala, umabot ang kulay itim na poison hanggang kaliwa, malapit sa dibdib.

Ang pangit, kulay itim!!!

"Ano sa tingin mo ginagawa mo Ceriguap Yanison!? Huwag mo akong akitin!" Naghi-histerikal niyang ani at mabilis na napaatras sa akin. "Bahala ka diyan kumain!" Dagdag pa niya.

"Aba, sorry naman. Halika na bilis, nagugutom na ako." Nagmamakaawa kong tugon.

Nag-aalinlangan pa siyang lumapit sa gawi ko at tiyaka naupo. Kinuha na niya ang kutsara at sumandok na sa pagkain. "Bawal kiligin ha."

Yuck, Azi.

"Maka-yuck ka huh, dali. Say ahh.."

"Ahhhrm--anong pagkain ito? Bakit iba ang lasa?" Ani ko at nginuya ng mabuti ang kinakain. "Sarap ah,"

"Ay... Di mo alam kwekwek? Itinuro sa akin ni Dad kung paano magluto niyan. Very basic lang, dati pa iyang food na iyan e." Paliwanag naman niya. Bilog siya na kulay orange, tapos may parang itlog sa loob.

"Isa pa.." Pinakain naman ulit niya ako ng iba pang dala niya at nang matapos,

"Take these medicines. Sabi ng doktor ay makakatulong raw ito sa pagtanggal ng kulay itim sa balat mo. Wala na rin naman ang bala sa braso mo kaya, okay ka na. Natahi na rin iyong sugat sa bandang likod mo."

"Ah, ang bait mo naman. Thank you! Pero diba nga hindi ko maigalaw braso ko!? Painumin mo akong gamot!!"

"Kung painumin kita ng lason, ikaw pa may ganang mambulyaw ha."

Ginawa naman niya iyon. Tiyaka niya ako pinainom ng baso ng tubig at lumabas sandali.

Ilang minuto akong nakatingin sa pintuan,

The Last Living Girl Where stories live. Discover now