Chapter 2

31 5 0
                                    

"Oh, nice house you got!" Puri niya habang unti-unting nagiging visible ang kabuuan ng bahay ko matapos kong i-activate ito.

Nandirito na siya sa tapat ng bahay ko ngayon, kasi nagb-build na ang bahay niya sa kabila. Papunta palang kami ay ginawan na niya ng disenyo sa kaniyang hologram ang magiging itsura ng bahay. Kaya naman wala na siyang iniintindi ngayon at ang hologram na ang tumatrabaho rito.

I didn't give him any glance with what he said. I am still mad at him, really mad!

Sabihan ba naman akong mukhang Alien!

When he noticed that I am still annoyed, he went nearer, facing me.

"Ito naman," Aniya habang mahinang binunggo ang braso ko. "Para binibiro lang." Dagdag pa niya habang nagp-pout.

Seriously, mukha siyang tuta.

"Ikaw ang mukhang alien," Pang-aasar ko naman sa kaniya. Nang mag-appear na ang kabuuang bahay, in-activate ko naman ang pintuan at kusa iyong umangat. "Come in." Aya ko sa kaniya. He followed me and then jumped on my couch.


Pero siyempre, ilang segundo muna siyang nasa ere dahil sa walang gravity rito. Kaya nakaisip ako ng kalokohan. He deserve this!

I pushed the couch's deactivation button, and in a second, it disappeared. Kaya bumagsak sa sahig si Rio.

"Hahaha! That's what you get!" I said. "What do you want? Juice or Water?" Then I asked him.

Tiningnan naman niya ako ng masama, habang nakatakip sa kaniyang ilong na namumula. Padapa ang pagbagsak niya e.

"I prefer ice nalang, nang dahil sa'yo masisira ang gwapo kong mukha! Isusumbong kita kay Mr. Jerwin!" Reklamo niya. Pinagtawanan ko nalang ang mukha niyang halos maiiyak na. Siguro driver lang ito ni Tito at hindi Force eh!

Pumunta na ako sa kusina para ikuha siya ng juice.

"I want water!" Okay, tubig raw. Kinuha ko na ang baso at naglagay doon ng capsule. I waited for 2 minutes para maging tubig ito. Nang maiayos ko na ang baso, lumabas na ako ng kusina para sana ibigay itong hawak ko kay Rio.


Pero napansin kong para siyang naka-planking sa sahig, habang nakatapat ang tenga sa ibaba.

When he sensed that I came out from the kitchen, he signaled me "don't make any noise." Napatango naman ako. Baka naririnig niya ang mga strange voices kaya siya nakaganoong puwesto! Ganiyan rin kasi ang pwesto ng ulo ko noong marinig ko iyon kanina. And mas weird kasi parang humahalo sa radio-static iyong kanilang mga boses.

"I need to go to your basement." Aniya at tumayo. Napailing naman ako at sinabing,

"I don't have any key. Hindi pa kasi nabubuksan ng kahit na sino sa amin ang basement. Maging si Lola and Lolo." Paliwanag ko. Narinig ko naman siyang napa-tsk saka kinuha mula sa akin ang tubig. "Huwag na muna kaya nating gambalain? Baka mabigla tayo, ilang milyon na pala sila riyan."


"So, ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Confirmed. They're ULC." He said, calmly. "But I guess you're right. Let's just prepare for it."


"And what preparation is needed for that?" I questionably asked. Ano, magt-training ako?

Saka niya nilagok ang basong may tubig na iniabot ko sa kaniya. Nang maubos, iniabot niya pabalik ang baso sa akin at pinunasan ang gilid ng labi. Saka niya sinagot ang tanong ko.

The Last Living Girl Where stories live. Discover now