CHAPTER 2

69 21 1
                                    

Dahil nga gustong gusto ng aso ko kay hail ay pinabayaan ko muna s'ya doon. Nag usap usap lang din naman kami nila maddy tungkol nga sa bagong crush daw ni bella.

"Hoy kilala ko yan, yan yung tall and moreno guy right? Yung taga engineering?" Tila inaalala pa ni maddy ang gusto n'yang sabihin.

"Oo yun nga, 'wag mo na agawin. May Kuya Ethan ka na."

"Grabe s'ya oh, di ko aagawin yun wala ka din naman pag asa dun." Agad naman s'yang nabatukan nung isa.

"As if may pag asa ka din dyan kay kuya ethan eh inis nga sa'yo yan eh." Pang aasar naman ni bella sakan'ya halata naman na nairita dun si maddy kaya natuwa kami.

"Atleast close kami," she even made a bleh face.

Di na sumagot nun si bella at nalipat na din ang usapan namin tungkol sa ibang bagay.

Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa'kin.

"Here's haru, he's already sleeping." Napatingin ako sa aso ko na payapa ngang natutulog sa braso n'ya.

"Thank you," he just nod and then left. Iniwan ko muna yung mga kaibigan ko at nilagay si haru sa higaan n'ya sa may kwarto ko.

"Ang himbing ng tulog mo, masarap ba mahiga sa braso n'ya?" Kinakausap ko ang mahimbing na natutulog na aso na para bang makakasagot s'ya sakin.

I just pat his head then let him sleep there.

Pagka baba ko ay bumungad sa'kin ang mukha ni kuya na naiirita.

"Hey, palayasin mo na nga kaibigan mo. She's too noisy." Alam ko na agad kung sino tinutukoy n'ya. Etong si kuya suspicious lately.

"Eh, kami nauna dito kayo ang umalis." I even rolled my eyes then left him alone there.

"Rainea!"

Halatang galit na s'ya dahil sa ibang nickname ko na n'ya ko tinawag. Natawa na lang ako at iniwan s'ya doon. Bahala s'ya kami ang nauna eh.

"Oh, bakit sumisigaw ang kapatid mo ha?"

"Wala yun manang, wala lang ata sa mood."

"Hay nako, sungit sungit nung kapatid mo. Kaya walang girlfriend eh. Kahit ikaw susungit ninyo tignan, pero mabubuti pala ang puso." Napalapit na din kasi kami kay manang dahil matagal na din s'ya saamin.

"Naku manang, kukuha lang naman po ako ng snacks namin pero napupunta tayo sa ganyang topic ha. Una na po ako." Tinawanan n'ya lang ako at nagpasalamat naman ako para sa snacks na ginawa niya.

Bumalik na ako sa kaibigan ko na ngayon ay inaasar si maddy.

"Oh, anyare?"

"Nine yung kuya mo nakakairita ha, pero marupok ako 'di ko sya titigilan." Natawa kami pare pareho dahil naka simangot sya habang sinasabi yun.

"Hayaan mo muna si kuya, trip ka n'ya ata na guluhin."

"Ay mas bet ko yun. Kesa naman diba na 'di ako pinapansin." Baliw na baliw na talaga 'to kay kuya.

"Drea." Napatingin ako sa tumawag sa'kin at ang seryosong mukha ni kuya ang bumungad.

I just raised my eyebrows to him.

"Maglalaro kami sa court, pag hinanap ako nila mommy sabihin mo na lang."

"Wait sama ako." Agad ko syang pinigilan nung paalis na sana s'ya. Gusto ko makita maglaro si hail.

"You're with your friends and you girls are too noisy."

"Hey, uuwi na kaya sila. Ayaw ka na daw kasi makita ni maddy."

Taken Silence(amour désastreux Series#1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن