CHAPTER 1

100 23 0
                                    

It's sunday and also the last day of school vacation.

I'm just reviewing for the next semester but got interupted by a call.

[Ya! Lumabas ka dyan, kausapin mo ko.]

"Para kang ewan alam mo yun," binaba ko agad ang tawag at nag ayos. Dahil alam ko na ang balak ng kung sino man na tumawag na yun.

Agad akong bumaba ng matapos na 'kong mag ayos, nakita ko din agad si maddy na nag iintay sakin sa sala. For sure si mommy ang nagpapasok sakanya.

"Naku ka talaga nine," Binatukan n'ya 'ko at sinamaan ko naman sya ng tingin "bakasyon oh dapat nag sasaya hindi yung ganyan na nagkukulong ka sa kwarto kaharap nung mga libro mo"

"Mas gusto 'kong magbasa kesa makasama ka."

"Ouch ha, direktang direkta sa heart ang words mo" nakahawak pa sya sa dibdib nya na tila nasasaktan talaga. "Tara na nga at baka iniintay na tayo nung dalawa ambagal mo ih", ako pa sinisi nya eh sya 'tong daldal ng daldal.

Nakarating din kami agad kung san kami pumunta. Ewan ko kung nasaan na kami pero panigurado na sa quezon city pa din kami.

" Ayun sila, may pagkain agad omg. Tara dali," hinatak nya ko papunta dun sa table ng dalawa pa naming kaibigan. Sila Bella at Jasmin. Nasa isang restaurant kami ngayon.

"Hi mga mare! hoy Roanne inubos mo na yung pagkain pa'no kami", paninita nya sa sunod sunod na pagkuha nung isa.

"Hoy ka din 'wag mo nga ko tawagin na ganun at kasalanan ko ba na ang tagal nyo", ayaw na ayaw nya kasing tinatawag sya sa first name nya, mas gusto nya daw ang jasmin. Tunog prinsesa daw kasi.

"Eh traffic tas tagal pa bumaba nito ni nine, buti at 'di ako nainip dahil nandun si kuya ethan kung hindi pinuntahan ko na s'ya sa kwarto n'ya" pagpapaliwanag n'ya habang kumukuha na din ng pagkain. Dahil nagugutom na 'ko ay nakikuha na din ako.

"Ay andun si kuya crush? Omg tambay tayo minsan dun ha nine", pakikisabat ni bella sa usapan na kanina lang ay nasa phone ang attention.

"Wag na, manggugulo lang kayo dun at aalis na din naman yun si kuya bukas, pupuntang cebu"

"Ay sayang, sige sa susunod na lang, sabihin mo mamimiss ko sya", pahabilin nya na nagkukunwaring maiiyak na.

May crush kasi silang tatlo dun kay kuya, ewan ko nga at anong nakita nila sa lalaking yun.

" Oo nga pala guys, kaya ko din kayo inaya ngayon is para samahan akong bumili ng notebook at ballpen. Naubos na mga gamit ko at start na ng klase bukas," Paguumpisa muli ni bella ng usapan ng matapos kaming kumain.

"Yeah, me too" pag sang ayon ko kay bella. Dahil wala na nga masyado ang mga gamit ko para sa school lalo na yung ballpen ko malay ko saan napupunta eh dalawa pa lang nagagamit ko.

"Tara dali, gusto ko din mag mall"

Sumang ayon na lang yung dalawa na sumama dahil mag ma mall nga daw.

"Mag iikot muna kami bell and nine ha" we just nod at them.

Pumasok kami ni bella sa national bookstore at naghiwalay na para maghanap ng mga gamit na kukunin namin.

Taken Silence(amour désastreux Series#1)Where stories live. Discover now