At ngayon kasama ko na ulit sila. Unti unti nang bumalik lahat ng nawala sa akin.

Victoria

Nagising akong medyo magaan na ang pakiramdam, pero may oxygen mask pa rin. Ilang beses pa akong kumurap para makapag-adjust sa liwanag.

"Hey, baby. You're awake."

Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ang pamilyar niyang boses. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin kaya napangiti na rin ako at pilit na inabot ang mukha niya.

"S-Skyrile...." Halos pabulong kong sambit.

"Yes, baby." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin para gawaran ako ng malambing na halik sa noo. "Y-You scared m-me...." Nabasag ang boses niya. Seeing him torn like this, hurt me more. Ngayon na nga lang ulit kami nagkasama, pumagitna pa itong hindi gumaling-galing kong sakit.

"Is she awake?" Boses ni daddy.

"Yes, tito." Bahagyang lumayo sa akin si skyrile para bigyang daan si dad na kaagad lumapit sa akin.

"How are you, anak?" Nakangiting tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Masuyo niya akong tinitigan.

"I-I'm good...." sagot ko. Huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang hangin na binibigay ng oxygen mask sa akin. "Want t-to go h-home..." Pakiusap ko sa kaniya.

"W-We will, anak." Malungkot na ngumiti si daddy.

Sumulyap ako kay skyrile. "I-I'm okay," Mahinang sabi ko nang makitang nangingilid na ang mga luha niya. Hindi siya sanay sa ganitong bagay. Si daddy, kasama ko siya noong mga panahong mas mahina ako kesa ngayon pero si skyrile. Ngayon niya lang ako makikitang ganito, at naiintindihan ko talaga kung natatakot siya.

Natatakot siya na baka mawala ako at magkahiwalay na talaga kami ng tuluyan. Naiintindihan ko kung mararamdaman niya 'yon dahil 'yon din ang nararamdaman ko. Sobra din akong natatakot dahil kung sakali mang mawala ako, mas marami na akong maiiwan, mas maraming masasaktan.

Heavenly father...please, give me more time. Hayaan mo po sana akong makasama ng mas matagal ang pamilya ko at si skyrile. Hayaan mo po sana akong maayos ang lahat. Sana po ay sapat na ang pagmamahal nila para mabuhay ko. Amen.

"Yes, baby. You will be okay." Tumatango siya, pinapaniwala ang sarili na magiging okay ako. I hope so, too.

Ngumiti na lamang ako. Kailangan kong tatagan ang loob ko....para sa pamilya ko.

Sa pangatlong araw ko sa ospital, mahinang mahina pa rin ako although gumagaan rin naman ang pakiramdam ko pero panandalian lamang iyon.

May mga dumating at bumisita sa akin pero dahil sa kalagayan ko ay hindi ko sila nakakausap lalo na ang pamilya ko. Buong araw ay tulog ako dahil sa gamot na binibigay sa akin, tapos ay madalas akong nagigising sa gabi na iniinda ang paninikip ng dibdib ko. Minsan pa'y hindi na ako natutulungan ng oxygen para makahinga. I'm so scared. Mas matindi ang takot ko ngayon kesa noon dahil alam kong kapag nawala ako, mas maraming masasaktan.

Kahapon ay naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Dra. Sanchez. Hindi ko makita kung sino ang kausap niya dahil nasa bandang paahan ko sila nag-uusap. I just hear a worried voices.

"Why is she still weak, doktora? Akala ko ba magiging maayos din ang lagay niya. Ano ba talagang problema?!" Frustrated na tanong ni daddy. Mariin akong napapikit at pinigilan ang pangingilid ng mga luha.

"Tulad ng sinabi ng mommy ko sa inyo noon. Hindi tayo nakakasiguro kung magiging maayos ang unang operasyon niya. Yes, bea and her was compatible and she's a perfect donor for her. But, hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para masabi nating magiging successful ang operasyon. Tulad nga ng sinabi sa inyo noon, there is a chance of survivor pero maliit lang."

Lalo akong nanghina. Unti unting nawawasak ang puso ko habang pinapakinggan ang mga hikbing tiyak na sa pamilya ko.

"What are you really trying to say?! Direstsahin mo na kami! Isn't successful right? Anong kailangan naming gawin?! Tell us!" Pigil na singhal ni mommy.

I'm sorry, mommy.

"A-Anak...." Bahagya kong kinalma ang sarili ko nang may humawak sa kamay ko at dinala ito sa mga labi niya. "Ang m-mommy jane mo 'to.....l-lumaban ka, ha? H-Huwag mo kaming iiwan, m-maraming nag-aantay sa paggaling m-mo...." Hikbi niya.

Hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha ko. Mas lalo akong nagkakaroon ng lakas para lumaban dahil nandito rin siya. Sa wakas, naramdaman ko na ayaw akong mawala ng tunay kong ina.

"We need to do the second operation." Seryosong tinig ng doktora. Nanigas ako, mas lalo namang lumakas ang mga iyakan. Mas humigpit din ang hawak ni mommy jane sa kamay ko. At sa kabila nang lahat ng nangyayari ngayon, ang sarap sa pakiramdam na tinatawag ko ulit siyang mommy.

"That's more dangerous...." Wala sa sariling sambit ni daddy.

"D-Dangerous tito?....H-How? W-Why?" Namutla ako. Si skyrile! Nandito pa rin siya?! Sana hindi niya nalang naririnig ang mga ito, mas lalo lamang siyang masasaktan.

"Yes, it is dangerous and there's only a 40% of survival. We also need to find another donor, the more stronger and healthy heart. We need to do this ASAP."

Kapag ginawa namin ang pangalawang operasyon, para na rin itong suicide. Kapag hindi kinaya ng katawan ko, I will be surely dead.

Lord,
   Please help me. Kailangan pa po ako ng pamilya ko at ni skyrile. Ayoko pa pong iwan sila. Si skyrile....he will be lost without me. Baka masira na naman ang buhay niya kapag iniwan ko siya ngayon. Please lord. Huwag niyo po muna akong kunin ngayon. Let me live long for them. Amen.




Note: lahat ng nababasa niyo rito ay pawang kasinungalingan lamang. I honestly didn't do my research kaya ang imahinasyon ko nalang ang gumawa. Thank you for reading!

Watch out for errors!

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now