"no!,nakakapanibago lang na nandito ka" mabilis kong sagot dito. "di ba, kahit inaaya kita ayaw mong pumunta dito"

"ahh, wala naman, namiss lang kita" sagot nito tapos nginitian ulet ako. Ano bang meron sa ngiti nya at nahuhulog ako ng paulit ulit.

"naks! pero sige, after this labas tayo, konti na lang naman to e" nag Nod naman sya.

Pagkatapos kong isummarize yun mga documents ay binalik ko na yun sa drawer ko. Nagliligpit ako ng gamit ng tumunog ang intercom ko.

Pinapatawag daw ako ni Lolo.

"gusto mong sumama babe?" tanong ko kay den.

"ah, no, sige na,baka may importanteng sasabihin ang lolo mo" alam kong fake smile lang ang binigay nya sa pagkakataon na yun.

"are you sure?" tumango lang sya sakin. "ok,stay here and i'll be right back"

pagdating ko sa office ni Lolo ay kausap pa nito si Jovee.

"sorry for the interruption" sabi ko sa kanila. "pinapatawag mo daw ako."

"mr. baustista" sabi ni Lolo kay Jovee. nagpaalam naman si Jovee. Pagdaan nito sa tabi ko ay nagsalita ito.

"i'm sorry" sabi nito. Nilingon ko ito pero dire-diretso lang ito palabas.

"what is it Lo?" 

"i want to remind you na ipapakilala na kita bukas ng gabi so, i hope na handa kana"

"i'm ready, don't worry" nakangiting sabi ko dito. "that's all?"

"not really," sagot nito. Bigla itong nagseryoso. Bigla akong kinabahan. "you and Ms. Lazaro.."

hindi ako umimik dito kahit na binanggit nya si Den. Ano na naman kaya ang gusto nito.

"what about us?" seryosong tanong ko dito. Nakatayo lang ako sa harap ng table nito pero nakayukom ang kamao ko.

"nothing.." pagbabago ng mood nito. "i need you to accompany me this afternoon in some important meetings"

"i can't"

"why?" nakakunot noong sabi nito.

"just give me this 2 days Lo," pakiusap ko dito.

"give me a valid reason"

"in 2 days, ako na ang hahawak ng emperyo na to" seryosong sabi ko dito. "mawawalan na ko ng oras sa ibang bagay and i want to spend it for this remaining days i have."

"okay, you can  leave."

Lumabas na ko ng office nito. Pagdating ko sa office ko ay hindi ko naabutan si Den dun.

If Only They Know (AlyDen)Where stories live. Discover now