Nasa kagitnaan kami ng pagkaen ng bumukas ang pinto ng office ko. Parehas kaming napatingin dun.

"hmm, i guess, hindi na kita kailangan ayain" sabi ng nagbukas.

"yeah, salamat sa pagalala jovee" 

Magsasalita pa sana ito ng may sumingit dito. Napasimangot naman ako ng tumabi ito sa tabi ni Den.

"hi miss beautiful, buti naman at nadalaw ka dito" ngiting ngiti na sabi ni Robb.

Nangingiti lang si Den dito.

"anong meron kay Alyssa at dinalhan mo pa sya lunch dito?" curious na tanong nito. Nagkatinginan naman kami ni Den.

"buddy, kala ko ba gutom kana, let's go" hinila ni Jovee ang damit ni Robb patayo at papunta ng pinto.

"sandali lang, parang masarap ang luto ng magiging asawa ko" nagpupumiglas pa ito sa pagkakahawak ng kapatid.

"wag ka nga Robb, istorbo ka e" sabi nito sa kapatid tapos binatukan. "sige, sorry for the interruption"

Tumangon lang ako dito. Lumabas na sila. Pagkalabas nila ay hindi ko mapigilang matawa.

"loko talaga yun si Robb" sabi ko dito. "hindi makaramdam"

"yaan mo na" sabi sakin ni Den tapos pinaglagay pa ko ng ulam "kumaen ka ng gulay"

"kumakaen naman ako a"

"huh,puro kalabasan yan nasa plato mo, try mo tong iba"

"ayoko, gara ng lasa nyan e"

"isa valdez!" pinanglakihan pa ko ng mata.

"oo na,oo na, kundi lang kita mahal e" mahina ang pagkakasabi ko dun sa dulo pero tyak narinig nya yun kasi nangingiti sya.

Pagkatapos namin kumaen ay hinarap ko na ulet ang mga documents na nasa table ko.

"sorry girlfriend a,kailangan kong tapusin to. Bukas na kasi kailangan e" sabi ko dito.

"no problem" sagot nya sakit with matching ngiti pa.

"kung ganito ba naman tuwing lunch, kakayanin kong magtrabaho kahit walang kaen"

"sira ka talaga!!"

Natawa naman ako sa reaksyon nya. Namumula na naman kasi ang mahal ko.

Nandito lang sya habang ginagawa ko ang trabaho ko kaya medyo distracted ako.

"wala ka bang gagawin girlfriend?" tanong ko dito habang nagsusulat.

"hmm, pinapaalis mo na ba ko?" napatingin tuloy ako sa kanya. Tinaasan nya pa ko ng kilay.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon