"Ah may gig kayo? Siyempre meron, dala nyo mga gamit nyo eh hahaha"

"Ah oo hahahah the band is booming na...since you left"

"Oh...thats good, Im proud of you guys, sige I have to go now; goodluck though"

"Kelan ka babalik Don?"

"Saan?"

"Sa pagtugtog, you're veey passionate sa music, just didnt think you would stop for this long"

"I dont know, and if ever bumalik man ako hindi ko na kayo kasama, you guys are doing so much better nung nawala ako"

"Don..."

"Putangina Jacky pwedeng tama na? Okay na eh, nawala na yung pagtugtog ko dati...okay na ko, and okay na rin kayo, wag nyo na sayangin yung oras nyo on an ex band mate that fucked up"

"Don...hindi mo kasalan yun, you can st-"

"Pwede bang pabayaan mo na ko? Please lang? Goodluck and congrats sainyo"

Sumakay nalang ako sa jeep at hindi ko na sila tinignan, ayaw ko lang lalong maging emotional, siguro mali rin yung reaksyon, feeling ko tuloy napaka petty ko.

Nangangarap silang sumikat at tumugtog habang buhay. Oo ganyan din ako dati pero...ang tanga lang kasi.

Sa bansang to hindi naman natuturing talagang trabaho yung maging musikero, either sisikat ka o hindi, kung sumikat ka man malalaos ka rin in the long run and you will have to think of other ways to gain income.

Ganun yung sistema, oo pati ako nabibwisit dun pero..pano mo lalaban yung isang problema na walang solusyon? Tatakbuhan mo nalang ba? Hindi mo nalang papansinin? Pano?

Bumaba na ko sa Jeep, at naglalakad na ko pa deretso sa bahay, at may nanay na pinapagalitan yung anak nya, mukhang highschool.

Pinilit ko nalang hindi pansinin, pero dapat hindi pinapagalitan ng magulang yung anak nya sa kalsada, it should be a praise in public but criticize in private kind of thing.

"Anong fine arts?! Pano mo kami iaangat sa hirap nyan?! Wala oa bang utang na loob?!"

Namintig yung tenga ko dun, alam ko na dapat hindi na ko mangielam kasi buhay nila yan eh, pero dapat lang ba ako maging bystander? Dapat lang ba manahimik sa isang gilid at sabihin sa sarili mo na "buti nalang hindi ako yan" type of person?

Hindi ba ang petty nun? Dapat ko bang pabayaan to? Uuwi nalang ba ako habang hinahayaan to? O magsasalita na ko? Bago ko malaman bumuka na yung bibig ko.

"Ang pagiging magulang ay responsibilidad na pinili nyo, children arent supposed to be grateful"

Sabi ko.

"Wag ka mangielam dito! Anak ko to"

"Oo nga anak mo, pero parang hindi ka nagpapaka magulang eh"

"Wala ka bang respeto sa mga nakakatanda sayo ha? Bastos lang bata ka ah"

"Anong pake ko kung mas matanda ka sakin?, mali ka eh, yung respeto hindi yan nakukuha porket mas matanda ka"

"Ano ba pinaglalaban mo dito ha? Binuhay namin sya sa mundo na to at pinalaki tapos pipiliin nya yung hindi magaangat sa pamilya namin:

"Alam mo, hindi naman nya hiniling na mabuhay sa mundo na to eh, nakuha mo? Kayo yung naglagay sakanya dito, wag nyo sya sisihin na iba yung gusto nya sa gusto nyo, hindi trabaho ng bata yung maging grateful sa magulang, pero trabaho nyo yung siguraduhing mabubuhay nya yung sarili nya pagtanda nya, kasalanan ba nya na hindi kayo mapera? Kayo yung nag proprovide at nagpapalaki pero ipapabuhat nyo sa anak nyo yung sarili nyong pagkukulang? Hinahanap nya sarili nya kasi nabuhay sya sa mundo ng hindi nya naman hinihiling, lahat kailangang maghanap ng dahilan nila para mabuhay"

"Ano bang alam mo sa pagiging magulang ha?"

"Siguro wala, pero alam ko yung pakiramdam ng pagiging anak , ikaw rin naman siguro, Naganak ka ba kasi gusto mo maging magulang o naganak ka lang para may wallet ka pag tumanda ka?"

"Kailangan lang maangat yung buhay naming lahat, sya lang pagasa namin"

"Bakit nya responsibilidad kayong lahat? May sariling buhay to ah? May sariling pangarap. Walang masamang anak, pero may masamang magulang, hindi ako magugulat kung after graduation ng anak nyo magsasarili sya, halatang nakakarindi kayong kasama eh"

Masyado bang masakit yung mga salitang nabitawan ko? Masyado na ba kong nakisawsaw? Insensitive ba ko? Mali ba sinabi ko? Pano kung ito maging reason pa ng mas malalang alitan sa pagitan nila?

Nanahimik silang dalawa at pumasok na yun nanay, tinigan ako ng anak nga at nginitian, ng para bang nabigyan ulit ng buhay yung mata nya, ng pagasa; at dun ko napagtanto , na tama lang yung ginawa ko.

Nakauwi na ko sa bahay, walang tao. Lagi naman, wala akong ganang kumain kaya hindi na ko kumain. Hindi rin ako maka review kasi hindi ako maka focus.

Maraming nag chachat sakin na kaibigan pero hindi ko mabuksan yung messages ko para tignan, simpleng wala ako sa mood.

Ganito nalang gabi gabi, hindi nakakin ng maayos, maraming pumapasok sa isip ko, ang bigat ng dibdib ko, at hindi ako makatulog.

Nakikinig nalang ako ng music hanggang sa makatulog ako pero late na rin naman ako makatulog kaya late na rin magising, naghilamos nalang ako at lumabas para may yosi.

Pagkabalik ko sa bahay mabigat parin pakiramdam ko, nag proprocrastinate ako habang nagpapanic kasi babagsak ako sa practical bukas.

Hanggang sa biglang nag brownout at namatay pati yung wifi kaya nawala rin yung pinapakinggan ko

"TANGINAA!! YUNG KPOP KOOO!"

Nakakabwisit okay na eh, chorus na eh, pinilit ko nalang matulog. Pumikit ako saglit.

Nakalipas ang ilang orass bigla akong nagising, hindi ko magalaw yung katawan ko, hindi rin ako makahinga. At naririnig ko nanaman

"WALA PO SYANG KASALANAN!"

"IKAW YUNG DAHILAN"

"IKAW YUNG DAHILAN"

Sabi ng mga boses, ang ingay, ang dilim, ang lamig, hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw hangang sa napasigaw akl ng

"AYAW KO NAAA!!"

Habang nakaangat yung kamay ko sa kisame, bago ko nalaman humagulgol na ko ay bumuhos na yung luha mula sa mga mata ko.

At tuwing gabi naalala ko nanaman.

Oo nga

It started when I was 9

It All Started When I Was 9Where stories live. Discover now