The Outer Shell

72 8 6
                                        

Ang liwanag....nakakasilaw tapos ang daming tao. Nakatayo lang ako sa gilid; Ang daming tao..may batang nagsasalita sa gilid...umiiyak, at sumisigaw.

"WALA PO SYANG KASALANAN!!"

Dinilat ko yung mata ko, yung panaginip nanaman na yun. Ayaw ko nalang isipin, Tinignan ko yung orasan and its 11:30 AM

Angas, late na ko. Hindi nalang ako mag mamadali late na rin naman eh; sa susunod na subject nalang ako babawi.

Mahaba haba yung commute pero wala naman akong naging problema, kumain muna ako ng shawarma rice and then dumeretso na ko sa klase.

Tahimik yung klase and may kanya kanyang grupo, ako well lahat naman sila nakakasalimuha ko, pero hindi ako masasabi na meron talaga akong sariling grupo.

Lumapit sakin yung isa kong kaklase, Si Ray.

"Uy gago par ang dami kaninang diniscuss, mahihirapan kang humabol nyan"

Sabi ni Ray.

"Okay lang yan, HAHAHA isang meeting lang naman yan eh"

Sabi ko.

Dumeretso na ko sa upuan ko at nag nag cellphone, tamang tingin lang ng memes, nasaktuhan absent pa na yung isa naming prof kaya mas mahaba yung oras.

Wala akong magawa na kaya lumabas lang na ako saglit sa room para sumilip sa student council office.

Hindi naman matatawag na ganung significant yung role ko dun pero I have the position of Staff under the Secretary. Yeah isa akong volunteer at utos utusan. Pero thats fine I want some productivity rin naman talaga.

"Hey Don! Buti nandito ka we need staffers sa office pwede ikaw muna
sa office?"

Sabi ni ate Jasmine

Ate Jasmine is the President of the student council, shes very smart, popular, great public speaker, a true leader. I admire her alot sa totoo lang.

"Sige Ate Jasmine ako muna magbabantay sa office, bili lang ako ng meryenda"

"Thank you! Ill leave the office open bumalik ka nalang kagad"

I headed straight to the canteen and wala akong mapili sa mga bibilhin ko, hindi sa dahil lahat masarap, pero kasi lahat mahal!

Putangina sang lupalop ba galing yung mga pagkain na to at sobrang mahal? Sang solar system ha? Punyeta.

Bumili nalang ako ng donut na 30 pesos, isang donut na may milk powder 30 pesos, ano ba yung milk powder nito at mahal? SHABU?!

Bumalik na ko sa office at nakita ko yung isa sa mga staffer sa council room. Si Raven, college of education.

"Oh sakto nandito ka, akala ko buong araw magisa ako dito eh,hanggang anong oras ka dito?"

Tanong ko.

"Aalis rin ako kagad may need akong icover sa gym 6th floor eh"

It All Started When I Was 9Donde viven las historias. Descúbrelo ahora