"Ano sa tingin mo yung mga tutugtugin nila"

"Bata bata pa eh, siguro mga ilang bago and ilang iconic na classics para pumatok"

"Mga huling el bimbo tyaka Huling Sayaw ganun?"

"HAHAHAHA kung performer ka talaga ng banda hindi ka na tutugtog ng gasgas na sa jamming"

"Okay naman mga kanta na yun ah"

"Oo nga maganda, pero di na masyadong patok"

"Sabagay"

Nag set up na sila and nag sound check, tahimik panandalian at nagbagsak yung drummer, sobrang nabigla ako sa lineup ng kanta nila.

Mga lumang kanta talaga pinalag nila.
VST & COMPANY songs, alam nyo yung nga disco like songs? Awitin mo isasayaw ko, rock baby rock etc. Walang kupas, old but iconic enough na may idea yung nga tao sa mga kanta.

They recieved a round of applause pati ako natawa at pumalakpak di ko napansin na hindi pa pala ako nakakakain.

"Uy kumain ka na, naglalaway ka sa vocalist no? Yieee manyak"

"Tanga, hindi ako tulad mo"

Ang Daming mga tao yung mas naguusap na, kakaiba talaga kadalsan yung nagagawa ng musika sa tao eh. Hindi mo nakikita, as in pero pag narinig mo may mararamdam ka o maalala.

Kanina lang walang buhay masyado sa suites pero pagkatapos nila tumugtog, biglang nagiba yung ihip ng hangin.

"San ka na ngayon?"

Tanong ni Ray

"Uuwi na ko, magrereview pa ko; may quiz pa bukas diba?"

"Magaaral ka?"

"Hindi, sinabi ko lang na magrereview ako kahit hindi para may excuse ako pag bumagsak ako bukas."

"Taena mo ka HAHAHAHAA"

"Bakit?"

"Kasi SAME"

"Isa ka ring dakilang siraulo eh hahahahah"

Nagkanya kanya na kami ng daan ni Ray, kasi magkabilang dako kami, pero kung iisipin dapat nga ba magreview na ko? Hindi pa naman madali yung practical dun, puro magkakamukha pa naman yung mga nasa slides na yun.

Ano ba yung cell na yun? Pano mo malalaman yung pagkakaiba? Magkakulay sila, ano yung cuboidal?
Di naman hugis cube yun eh, bakit lahat sila mukhang plema? Putangina babagsak parin ako kahit aralin ko yun.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan may mga tumawag sakin. Medyo malabo na yung mata ko pero kilala ko yung boses na yun.

"Hoyyy Don!, kamusta ka na?!"

"Jacky? Ikaw ba yan?"

"Oo kasama ko yung iba"

Si Jacky, sya yung Drummer sa dating banda na kasama ako, babae sya pero mas lalaki pa ata kesa saming lahat eh.

It All Started When I Was 9Where stories live. Discover now