"Yung basketball? Accountancy vs. Psychology ngayon diba?"

"Oo yung course mo, di ka ba sasama?"

"Wala akong pake sa sports eh, tyaka babantayan ko tong room"

"Magisa ka lang dito oh, anong gagawin mo?"

"Mag gigitara nalang ako"

"Sige alis na ko"

Umalis na si Raven, naiwan na ulit ako magisa sa council room, well hindi naman talaga ako magisa kasi nandito yung gitara.

Tumugtog nalang ako, yung sa the beatles, "While my Guitar Gently Weeps"

Natuwa lang din ako sa mga lumang kanta eh, may maganda rin namang mga bagong kanta pero siguro mas dama ko yung emosyon ng bawat lyrics sa mga luma.

Nakabalik na si Ate Jasmine and nagpasalamat sya, pwede na daw ako lumarga, may last subject pa ko pero ayaw ko nang pasukan, nawawalan na ko ng gana eh, hindi rin naman kasi nagtuturo yung prof dun eh.

Lumabas na ko sa University, at nagyosi nalang. Nakakapagtaka minsan, bakit nga ba ang sama mg tingin ng iba saming nagyoyosi.

Dahil ba karamihan sa mga masasama sa mga palabas nagyoyosi? Dahil ba sa mga lugar na maraming mga lokoko naninigarilyo din?
Influence ba ng media? Environment?
Any daming factors sa totoo lang eh.

Maraming warning sa kaha at paalala na nakakasama to sa kalusugan at nakakamatay, pero...sa totoo lang parang wala naman kaming pake. Siguro kasi di pa as in nakaapak yung paa namin sa hukay.

Hindi ko masasabi na gusto kong as in mamatay, pero hindi ko rin naman masasabi na talagang nabubuhay ako. Magulo eh, parang nandito ako pero hindi.

"Huy! Nag cutting ka nanamang bwakangina mo ka!"

Sabay na kotong sakin ni Ray.

"Potek wala namang ginagawa eh, mas enjoy ko pa yung mga org kesa dun"

"Pero pumasok ka naman, tignan mo ko nagaaral"

"Ulol, nung midterm nga dalawa kwatro mo tas ikaw nagaaral?! HAHAHAHAHA"

"Aba putanginamo, sige ganyan ka ah, di kita tutulungan sa statistics gago ka"

"De jk lang gago, kingina mo pikuning hambog amputa hahahaha"

"Tara kain tayo sa suites"

"Sige tara"

Dumeretso na kami sa suites, kainan yun dito sa University namin, and everyday pag mga 6:00 PM na merong mga nagpeperform na banda and artists sa stage.

Marami ring mga alumni at local artists yung sumikat dahil sa kakaperform sa stage dito sa suites, pero kailangan consistent ka dito.

"Oh ito na order mo Don, uy may bagong banda ah"

"Oo, tyaka di taga university..mga dayo"

It All Started When I Was 9Where stories live. Discover now