Chapter 34.2 Out of town part 2! ;)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Eh bakit ang ikli ikli? Magpalit ka nga dun!" nagulat  ako ng mapasigaw na siya ng malakas.

"Oy Dj! Ako nag make over kay Kath kaya wag mo na siyang papalitin! Hindi ka ba nagagandahan? Ang ganda nga eh!" sabi naman ni Jillianne.

"Tss. As if. Eh kahit ang iksi na ng damit niya, may cleavage pang nalalaman eh hindi padin ako na aakit eh! Bwahaha!" tapos tinawanan niya pa ko ng tinawanan.

Medyo nakaka offend, hindi naman sa gusto kong ma akit sya sakin, kundi dahil akala ko kahit manlang konting pa puri, makaka tanggap ako na galing sakanya. Parang yung sa mga teleserye, na pag nag make over yung bida, magagandahan yung bidang lalaki. Pero ganito parin si Dj, napaka walang puso. -___-

Bigla namang bumukas yung pinto sa room ng di kalayuan, tapos lumabas si Ayen sa sobrang sexy na outfit niya. Pagka kita niya samin, tumakbo agad siya sa gilid ni Dj tapos kumapit sa kamay nito. Nakita ko yung expression ni Dj na nagulat na parang natulala. Siguro nagandahan siya kay Ayen ng sobra kaya ganun. Eh kahit ako ngang babae, nagandahan ng sobra eh. Siya pa kaya. -___- Hindi na ko magugulat kung magkabalikan sila. Tutal, bagay naman sila eh diba. 

Baka naman kasi sa kwento na to, si Ayen at Dj yung bida. Tapos ako yung kontrabida na pinipilit na maging bida. >///<

*sighs*

"So, tara na guys?" yaya samin ni Ayen kaya nag simula na kaming maglakad.

Pag dating sa beach party, naka pulupot lang si Ayen buong magdamag kay Dj. Hindi din tinatanggal ni Dj yung kamay ni Ayen. So siguro, okay na sakanya. Eh ano nga bang pake ko sa kanilang dalawa? Wala naman ako karapatan mag selos eh diba. 

"Guys! spin the bottle tayo!" suggest ni Ayen ng maka upo kami sa table na naka set para samin, tapos nagyaya pa siya ng ibang mga kasali na puro lalaki. So bale tatlo lang kami nila Jillianne yung babae dito.

Umupo sa tabi ko yung dalawang lalaki na ininvite niya, eww. Nakaka ilang. Parang ang landi ko tuloy tignan. =___=

inikot niya yung bote at sumakto kay Lance.

"Truth or Dare?"

 

"Truth!" sagot naman sakanya ni Lance.

"Do you have anyone that you like?" napatingin naman sakin si Lance na parang nanginginig. napaka torpe talaga neto pag dating kay Jillianne. =___=

"A-ah. Y-yes." 

tapos inikot uli ni Ayen yung bote at sakin naman yun tumapat. 

"Truth or Dare?" 

 

"A-ko? Dare!" takot ko lang mapa-amin ng di oras. 

"Inumin mo yang vodka! Straight!" nagulat naman silang lahat sa sinabing yun ni Ayen.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon