Chapter 13 Box of Chocolates

Start from the beginning
                                    

"Eh di mag-isip sila ng mag-isip!"

"Halos yun din ang issue sayo di ba?"

"Wag mong sabihing iniisip mo ring bakla ako?"

"Hindi, hindi kita naamoy."

"Ganun ba mga bakla? Nakakaamoy ng kalahi nila?"

"Oo, pero iba ang naamoy ko sayo eh."

"Ano?" uminom ako ng beer.

"May gusto ka kay Portia!"

Nasamid ako at pumasok ang beer sa ilong ko.

"You should take a chance to get to know her. She's a really nice girl."

"Eh galit nga sakin eh!"

"Eh lagi mo kasing ginagalit!"

"Coming from you, na isang gay, anong i-aadvice mo sakin?"

"Una sa lahat dapat you should tell her what you really feel about her. I know nasaktan ko siya and she really deserve someone better than me and who's better than me, ikaw yun Con! Mabait kang tao and you deserve a girl who will love you unconditionally. The same thing goes to Portia. You definitely deserve each other."

"Buti alam mo! Alam ko namang siya talaga ang taong para sakin, umepal ka pa kasi eh! Kung inamin mo kasi agad na bakla ka at di mo na tinuloy ang relasyon niyo di sana wala na akong problema ngayon! Ayaw niya akong kausapin!"

"Gusto mo tulungan kita?"

"Wag na! Galit din yun sayo."

"You have to tell her! Lalo pa ngayon na single siya at alam lahat ng tao sa school. Baka maunahan ka nilang lahat! Kung mabasted ka man, always try and try until you succeed."

Dumaan ang mga araw na kami ang laging magkasama ni Dominic sa pagpasok at pag-uwi. Lumabas na ang issue ng aming 'so-called' relationship. Nabawasan na rin ako ng fans dahil akala ng iba pumatol na ako sa kanya.

Gusto kong maglabas ng official statement na we are just two people who happens to be friends. Ang imahinasyon kasi ng tao, makita lang ang isang lalake at isang bakla na laging magkasama, mag-on na agad ang alam nila. Walang batas sa Pilipinas na nagbabawal makipagkaibigan sa mga bading. I don't choose my friends. You can't really please everybody.

"Ano? Kayo na ni Dominic?" Tanong ni Jaymee nang sabay kaming maglunch sa cafeteria. "Alam mo bang kalat na kalat ang Con-Dom!"

"Anong Con-Dom?"

"The Conrad and Dominic secret affair."

"We're dorm mates."

"What? You're even living together?"

"Pwede ba Jaymee! Ganyan din ba kakitid ang utak mo? Katulad ka rin nila na mabilis ang panghuhusga sa tao kahit hindi naman nila alam ang tunay na kwento? Pinalayas si Dominic sa kanila at wala siyang ibang mapuntahan kundi ako. Lahat ng kaibigan niya tinalikuran na siya dahil sa pagiging bakla niya and I don't even get the fuss kung bakit siya nakakatanggap ng diskriminasyon dahil sa pagpapakatotoo niya? You have to accept the truth and accept him. And narrow-minded people like you and the rest of them are simply stupid to misunderstand that!"

Natameme si Jaymee sa aking standing ovation speech.

"Libre mo nga ako ng ice cream! Rocky road ah!" pahabol ko.

Habang bumibili si Jaymee ng ice cream, lumapit si Dominic sa akin.

"Con!"

"Dom!"

"Alam mo ba kung anong nangyare?"

"Ano?"

"Nakausap ko si Portia at pinagood shot kita. Sabi ko pinalayas ako ni daddy at ikaw ang nagpatuloy sakin."

"Anong sabi niya?"

"Teka, steady ka lang, palapit siya dito."

"Wag mong tawagin."

"Okey lang yan!"

"Wag..." pinigilan ko si Dominic.

"Portia!"

Liningon ko si Portia.

"Hi!" Bati ko sa kanya pero nag-iba siya ng direksyon nang makita ako.

"Sabi ko sayo eh may hinanakit pa rin sakin yan!"

"Ano bang ginawa mo?"

"Basta! Mahabang kwento."

Ibinigay niya sakin ang isang box ng chocolates.

"Ito, ibigay mo yan tapos confess mo na sa kanya ang tunay na nararamdaman mo."

From a far, naririning ko ang mga babaeng nagbubulungan.

"Oh my god! Papa Con and Papa Dom are really together! It's bromance!"

Dumating naman si Jaymee kasama ang ice cream ko.

"Sis! Gusto mo?" inalok ko si Dominic.

"Sige pare!"

"Sis?"

"Eh ayaw niya ng pare!"

Nakita ni Jaymee ang chocolate.

"Uy, kanino galling tong chocolates mo? Penge naman!"

Linakas ko ang boses ko at pinaringgan ang mga babae sa kabilang table.

"Ayoko nga! Bigay toh ni Dominic! Akin lang toh!" sabay tingin at ngiting pang-aasar sa mga babaeng nagbubulungan.

"For you."

Inabot ko kay Portia ang box ng chocolates habang binubuksan niya ang kanyang locker nang matyempuhan ko siya sa hallway.

"Ano yan?"

"Hindi mo ba makita? Yan ang tinatawag na chocolates."

Iniismid-ismidan niya ako at napunta ang kanyang mga mata sa chocolates na obvious sa pagmumukha niyang hindi niya ito maresists.

"Di ba sabi ko sayo wag mo na akong kausapin? Ang kulit mo rin eh noh?!"

Binuksan niya ang locker na kung hindi ako nag-ala ninja, matatamaan na naman ako ng metal na bagay na magbibigay bukol sa ulo ko.

Lumipat ako sa kabilang side.

"Baka pwede tayong maging friends, kahit kinda friends lang kung ayaw mo ng super friends."

"I don't want you to be my friend! Marami na akong kaibigan, tama na yun!"

"Actually, alam mo ba kung hindi ko agad nakuha ang kamay mo nung muntik ka ng mahulog sa bintana, wala ka na sana ngayon dito. I saved your life!"

"Ow! Thank you very much for saving my life! Utang ko pala sayo ang buhay ko Conrad, You're my hero!....Yun ba ang gusto mong marinig! Ano pang isusumbat mo?"

"I like you Portia." Natigilan siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Pwede ba akong manligaw?"

"Anong klaseng gudtym toh? Are you trying to tell me a joke well ha-ha very funny!"

"Hindi toh gudtym, hindi rin toh joke! The reason kung bakit kita laging inaasar dahil naiinis ako sa inyo ni Dominic. Nagseselos ako and now that I finally had the chance to confess to you what I really feel about you. I want you to know that I really like you."

Malakas niyang isinara ang pinto ng locker.

"Look! Ngayon pa lang, ito na ang sasabihin ko sayo, wag ka ng umasa dahil binabasted na kita. Kaya ngayon pa lang tigilan mo na ako!"

Inagaw niya ang chocolates mula sakin.

"Para sakin toh di ba?"

Inagaw ko rin sa kanya.

"Ayaw mong magpaligaw di ba?"

Nag-agawan kami sa chocolates hanggang siya ang nanalo at nagmadaling tinakbo ang chocolates.

Anak ng kuyukot! Sinuntok ko ang locker! MASAKIT!

Masakit na emotionally, masakit din physically.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now