{ Part 2 Chapter #4: Toffee}

9K 92 3
                                    


(JANINE GONZALES XIAN'S POINT OF VIEW)

HINDI agad nakasagot si Toffee sa tanong ko sa kaniya, sa halip ay napapikit pa siya. Napaamoy tuloy ako sa kili-kili ko, baka mamaya naamoy niya pala ito. Nakakahiya naman kung ganern. "Hoy, nahihilo ka ba dahil sa kili kili ko?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ah, nakatali ka kaya 'di sisingaw 'yang kili kili mo. Lumayo ka nga ng kaunti, nakakalimutan ko yung suggestion ko e." sagot niya sa akin. Napaupo naman ako ng maayos dahil doon. Oo nga pala, nakatali ako 'di talaga makakasingaw kili kili ko.

"Pero yung sinasabi mo, paano ako makakatakas?" pangungulit ko sa kaniya.

"Si Vincent may pagka-vulnerable siya dahil sa mental problem niya. If you will act the way he wanted, na para bang ikaw talaga si Celine for a while. Baka pagbigyan ka niya, lumuwag siya para sa'yo lalo na kung si Voltaire ang ifo-focus mo." Suwestiyon niya sa akin. "Naalala mo ba yung mga gamot na pinapainom niya sa'yo?" Tumango ako sa kaniya bilang sagot. May tatlong gamot siyang pinapainom sa akin. Isa yung gamot ko sa puso, vitamins at saka isang 'di ko alam.

"Oo," sagot ko sa kaniya.

"It's a drug; it can help someone forget memories. He wants to make you believe na ikaw talaga si Celine. Mula sa kwarto, sa mga damit na suot mo, sa mga litrato na nasa kwartong 'to and even Voltaire. Iniikot ka niya sa mga bagay na may kinalaman kay Celine and that drug will help you to adapt on his illusions. Pinapatay ka niya ng tuluyan at binubuhay niya si Celine sa katauhan mo." Paliwanag niya sa akin. Hindi ako makapaniwala, alam kong gusto niya akong gawing si Celine by being his captive but erasing my memories to be someone that I'm not.

Nahihibang na talaga siya.

Kinalagan ako ni Toffee saglit para makakain ng Lunch ng matino at maayos. Hindi na ako umimik at sinimulan ko ng kumain. Pinanood naman ako ni Toffee na ubusin ang dala niyang pagkain. Nakakainis talaga si Vincent, 'di ko mapigilan ang kumain dahil sa inis ko. Pag nakuha ako ng timing na tumakas, kakaltusan ko muna siya.

"Dahan-dahan lang, napaghahalataang pakipot ka lang sa simula. Sa simula tumanggi ka sa pagkain." sita niya sa akin.

"Pag tatanggi ako lagi sa pagkain, mangangayayat ako at magugutom edi mas lalo akong mawawalan ng chance makita si Lucian. Total, hinostage na ako ni Vincent palamunin na rin niya ako bilang kawanggawa sa akin!" sagot ko sa asar niya sa akin.

"Nagpalusot ka pa sa katakawan mo," sita niya sa akin. Kinuha niya ang plato at saka binalik ito sa tray. "Ibabalik ko lang 'to sa kusina at sak aikukuha na rin kita ng maiinom," paalam niya sa akin. Napangiti na lang ako at saka tumango sa kaniya, kung tutuusin napaka-bait ni Toffee. Na- Bad influence lang siya ni Vincent kaya ganoon.

"Sandali lang Toffee," tawag ko sa kaniya.

"Bakit, may kailangan ka pa ba?" tanong niya ng muli niya akong linungin.

Ngumiti na lang ako sa kaniya bago ako nagsalita. "Salamat kasi medyo nalilibang ako kapag kausap kita, nakakalimot ako ng kaunti kahit papaano. Salamat kasi maari kitang pagkatiwalaan," sabi ko sa kaniya.

"Janine, kung mabait ako matagal na kitang pinakawalan" sabi niya sa akin. Mahina akong napangiti dahil doon.

"You did, noong niligtas mo ako at pinaalis sa abortion clinic na pinagdinalhan ni Vincent sa akin. I'm thankful that you saved me during that time," pahayag ko sa kaniya.

"Hindi ka dapat magpasalamat sa akin," mahina niyang tugon. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at madali iyong napalitan 'ng kaba.

Nakakita ako ng biglaang lungkot, nagsimula na siyang manginig pero agad niyang pinigilan iyon. "Hindi ka dapat magpasalamat sa akin," muli niyang pag-ulit.

Double Trouble Where stories live. Discover now