2~Remember when

57 1 0
                                        

APRIL 23, 2014

Nakaupo ako sa isang Cafe. Nagpapalipas lang nang oras nang biglang, "Hi. Grumaduate ka ba sa Emmeus Academy?" mula 'yan sa isang tinig sa likuran ko.

"Sino kaya ito?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Hindi naman ako ganoon kaisnabera para isnobin siya kaya sinagot ko ang tanong niya, "Yes po." 

"Hay naku, sabi na nga ba eh." nakangiting usal niya dahilan para mas lalo akong maweirduhan sa ikinikilos niya.

"Haha bakit kasi?" kunwari'y natatawa ako. Sino ka ba kasi? 

"Remember when we're in grade three?" Grade three? Dahan-dahang nanariwa lahat ng mga alaala ko sa nakaraan. Pati 'yung damdamin ko para sa kanya dati, nanariwa.

Kilala ko na siya, siya 'yung crush ko noong nasa elementary pa lang ako. 'Yung kwan. Si kwan-- Wala akong kamalay-malay na nakangiti na pala ako. Kinikilig ako. Oo! 'Wag maingay! Siya si Jao.

"Yeah we used to sing Way Back Into Love haha." At ikinowt ko pa sa hangin ang kinanta namin noon.

"Ah. Kamusta ka na pala? How's life?" sabi niya at lumipat sa table ko. So inisnob niya 'yung sinabi ko? 'Yung theme song namin ganoon? Nakakahurt!

"Okay lang! Everything's normal naman I still breathe, uhm ikaw?" pagsisinungaling ko, sa totoo lang kasi hindi ako okay, hindi normal ang lahat. Hindi. Ewan ko sana maging okay na lahat-lahat.

"Loko. Okay lang walang girlfriend hehe." Sus! Hindi ko naman tinatanong eh! Haha joke, ibig sabihin pwede pa? Gash ang lande~

"Eh? Anyare?" nauulol ako feeling ko kasi ano eh. Haha basta! Kinikilig ako.

"Wala eh. Ikaw?" pagbabalik niya sa akin sa tanong.

"Wala~ din." Pagdidiin ko. Pareho pala kami. Sawing puso. 

"Pareho lang din pala  tayo. Wala namang nanliligaw?" ito na nga ba eh, naaalala ko na naman 'yung taeng 'yun.

"Meron na wala haha 'yung manliligaw ko kasi hindi na nagpaparamdam, hehe wala na." natawa ako kunwari. Ang sakit kasi.

"Aw, bakit ngay? Taray mo ata kasi. Joke." Sa sinabi niya napangiti ako.

"Hindi naman nasa Manila kasi siya nahihirapan daw eh, wala naman siyang ka-effort-effort," sabi ko at saglit na katahimikan ang naghari sa pagitan namin nang muli siyang magsalita, "Buhay  talaga."

"That's life! Walang napapala ang mga sumusuko." nakangiting ani ko. 

NOTE: WALA KANG MAPAPALA KUNG SA UNA PA LANG SUKO KA NA!

Nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay. Nagtanong ng kung ano-ano. Hanggang sa tinanong niya ako kung kailan ang bertdey ko. 

"November 6, 1998," sabi ko. Agad naman siyang nagsalita, "December 8, 1998," pero tignan mo nga naman! Halos magkalapit lang! Destiny nga naman oh! Kinikilig tuloy ako.

"Mas bata ako ng one month, Ate." pang-aasar niya.

"Don't call me Ate," nakangusong ani ko. Ang pangit kaya! Mukha tuloy akong matanda.

"Babe," sabi niya dahilan para nanlaki ang mga mata ko, "joke." dugtong niya. Aish! Bakit mo dinagdagan ng joke?! Okay na sana eh!

"Babe? Hahaha you're kidding, bro." kunwari hindi ako umasa haha.

"Joke lang 'yun, ito naman." Inulit pa eh! Nakakahurt.

Matapos naming mag-usap. Nagpaalam na ako sa kanya dahil nga kailangan ko ng umuwi baka tadtarin ako ng mga magulang ko ano! Habang nasa sasakyan ako, kinuha ang selpon ko sa bulsa ko. Hmm, wala parin siyang text! Sino si siya? Naku, 'yun 'yung taong sinayang ako. Hahaha!

Not Knowing Whether You Should Wait Or Give Up (SHORT FORLORN LOVE STORY)Where stories live. Discover now