Kinabukasan ay nagkita kami ng isa kong kaibigan. Si Janella. Madami kaming napag-usapan pati sim card na gamit ko ay napag-sapan namin.
"Globe user ka na pala?"
"Ngayon lang 'to. Kailangan ko kasing contact-in 'yung taong mahal ko." Kunwari'y masaya ako.
"Saraaaaap!" pang-aasar niya.
"Anlasa?" mapakla kong tanong sa kanya.
"Matamis hahahaha!"
"Ang tabang na nga eh kasi wala na 'yung dati." Eto na naman ako. Nag-eecho sa aking tenga ang mga salitang binitawan niya kagabi. Ang sakit-sakit.
"Patamisin mo ulit."
"Wala na. Ang pangit naman kung mag-isa ko lang na lumalaban diba?"
"So ano na. Move-on na?"
"Oo. Gusto ko pero hindi ko kaya."
"Kayanin mo ah."
Hindi ko kaya. Ang hirap-hirap kalimutan ang isang taong nag-iwan sayo ng mga napakadaming alaala.
"Ang hirap magmove-on kasi sa tuwing nagagawa ko na bigla-bigla siyang magpaparamdam. Babalik lahat ng sakit. Babalik lahat ng sugat. Mga alaala. Naaalala ko no'ng tinext ko siya ang sabi ko'y mamahalin pa rin kita hanggang mapagod ako at kusang sumuko. I love you, babe. Hahaha ang tanga ko."
"So kaya mong nasasaktan 'yang sarili mo?"
Sinagot ko ang tanong ni Janella ng OO BASTA MAHAL KO SIYA. Balewala ang sakit kaya ko namang tiisin.
"Sumuko ka na kasi. Madami pa naman dyan. Sinasaktan mo lang ang sarili mo nang pulit-ulit kung aasa ka lang nang aasa, walang ng mangyayari kasi siya na mismo ang nagsabi na hindi na niya alam."
So kasalanan ko pa kung bakit ako nasasaktan? Kasalanan ko ba ha? Nagmahal lang naman ako ng sobra ah? Ang may kasalanan dito si kupito dahil ako lang ang pinana niya!
"Kaya mo 'yan. Tulungan mo kasi ang sarili mo na kalimutan siya."
Paano ko tutulungan ang sarili kong kalimutan siya kung ako mismo tutol na limutin ang tulad niya. Tsaka hindi naman ganoo kadaling lumimot.
"Tinutulungan ko naman ang sarili ko." Napahinto ako sa pagsasalita at inaalala lahat ng mga masasakit na katotohanang ayaw kong paniwalaan. "Nakalimutan na niya 'yung sa amin. Ako naman itong si tanga, nandito pa rin." Hindi ko mapigilan ang lumuha. Pakiramdam ko kasi kapag umiiyak ako naiilalabas ko lahat. Poot. Galit. Sakit. Hapdi. Pait. Sugat.
"Kinaya nga niya, ikaw pa kaya?"
'Yun na nga eh, siya parang wala lang sa kanya. Sa akin hirap na hirap ako.
"Tigas rin kasi ng puso ko eh."
"Ang tibay mo din kasi. Isip kasi ang gamitin paminsan-minsan."
Ultimo isip ko walang ibang idinidikta kundi siya. Jao. Jao. Jao.
Bigla ko na lamang naalala ang sinabi ni Jao sa akin dati. "Hindi gagana ang utak kung walang puso. Hindi rin gagana ang puso kung walang utak."
All the pain, it's all coming back.
YOU ARE READING
Not Knowing Whether You Should Wait Or Give Up (SHORT FORLORN LOVE STORY)
Short StoryIt was all started with a simple "Hi." then suddenly ended with a heartbreaking "Goodbye." I'm standing on a line between giving up and seeing how much more I can take.
