1~Past

72 1 0
                                        

Farrah's POV

"Ginagawa ko naman lahat eh. Tinutulungan ko naman ang sarili ko para makalimutan ka pero kahit anong gawin ko babalik at babalik rin lang naman ako sayo." naluluhang Usal ko sa harapan niya. Kahit pinagtatabuyan na niya ako. Wala pa rin eh. Dahan-dahang lumuwag ang yakap niya at unti-unting naglaho ang lahat. Burado lahat. Ako lang ang natira. Nag-iisa't umiiyak.

Nasa kasagsagan ako ng aking panaginip nang biglang narinig ko ang isang tunog mula sa electric fan na pinatay. Agad akong nagising dahil alam kong may isang pangahas na pumatay doon dahilan para magising ako.

Ayoko pa namang nagigising na patay 'yung fan. Ayoko rin sa mga lamok!

Agad kong idinilat ang mga mata ko at bago pa man ako makapagsila, "Ate! Bumaba ka na! Madami tayong gagawin eh! Tur-og!" asik ni bunso.

*Tur-og means Antukin*

Bumaba naman ako agad tsaka inayos ang sarili ko, nagmumog at lahat-lahat.

"Nak, inayos mo na ba 'yung pinaghigaan mo bago ka bumaba?" tanong ng lola ko.

"Nay, magugulo din lang." sabi ko habang hinuhugasan ko 'yung pinagkainan ko dahil nga late ako nagising malamang mag-isa ko na kumain. Alangan namang hintayin pa nila ako eh di baka mangayayat sila kakahintay. Ayoko nun ano! 'Di kaya ng konsensya ko!

"Eh ba't ka kumakain kung alam mong itatae mo rin lang naman sa huli? Eh bakit ka pa magmamahal kung alam mong masasakatan ka rin lang naman sa huli?" 

Napanguso na lang ako. Oo nga naman! Si Lola talaga ang daming alam sa peg-ebeg. Nakakarelate tuloy ako. Nagmahal at nasakatan k fine.

Napanguso na lang ako. Oo nga naman! Eh pag inayos ko kasi 'yung kama pagkagising ko, namamagnet ako! Babalik ulit ako sa tulog. Pinagpatuloy ko lang ang mga ginagawa ko hanggang sa napagod ako't nahiga ulit sa kama ko pagkatapos kong magpatuyo ng buhok galing ligo.

Napatitig lang ako sa kung saan. Eto na naman ako. Lagi na lang. Lagi ko na lang binabalikan ang nakaraang gusto na niyang kalimutan. Ang nakaraan kung saan ako naiwan. Mag-isa at hindi maka-alis-alis.

Nagbabadya na namang tumulo ang mga luhang pilit kong itinatago. Isa-isang nagsisulputan sa isipan ko ang mga alaala. Ang mga alaalang pilit kong binubura pero hindi ko kaya.

A/n: So papasok tayo sa nakaraan ni Farrah! Bwahahahahaha! Handa na ba kayo? Tae. Tara~!

Not Knowing Whether You Should Wait Or Give Up (SHORT FORLORN LOVE STORY)Where stories live. Discover now