Kinabukasan..
Palabas na ako ng Cafe nang matanaw ko si Jao na naglalakad sa labas. Agad ko siyang hinabol at binagalan ko nang malapit na ako sa kanya.
"Hi Jao! Hindi ka na nagpaparamdam ah?" Kunwari'y masayang bati ko. Kunwari ay hindi ako nasasaktan.
"Wala kasi akong load," sabi niya. Bakit? Eh magkano lang naman ang pagpapaload ah? May kinse, dyis at bente! Pwede rin namang magpapasaload ng dos lang kung talagang gusto niya akong i-text huhuhuhu. Nakakahurt! "Then nasira 'yung wifi namin."
Umupo kami sa isang Parke na walang masyadong tao. Nakapagtataka lang ang ganda ng view dito pero mangilan-ngilan lang ang nadalaw dito sa lugar na 'to.
Nagkwentuhan kami. Parang bumabalik na naman 'yung closeness namin. Hanggang sa napunta 'yung usapan sa..
"I feel so unwanted." Oo pakiramdam ko kasi parang walang may gusto sa akin. Kulang na lang umiyak nako dito eh.
"No. It's no for me," nakangiting sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Nang dahil sa sinabi niya nakaramdam ako ng kalabog sa loob-loob ko. 'Yung puso ko. Ngunit hindi maalis sa isip ko 'yung mga pagkakamali ko.
"Kung pwede ko lang ibalik 'yung dati, no'ng okay pa tayo, no'ng gusto mo pa ako, babalikan ko." Hindi ako makatitig sa kanya kasi hindi ko alam. Tumingin na lang ako sa ibaba. Ano kaya ang sasabihin niya?
"Hindi na pwede kasi---" Pinutol ko ang sasabihin niya. Alam ko naman na kasi eh, "Kasi ano? Hindi na pwede? Wala na 'yung dati? Haha fine. I know." Pilit ang ngiting iginawad ko.
"Kasi gusto pa rin kita hanggang ngayon."
Ano daw? Ang saya naman! Oh my! Naiihi tuloy ako. Yumuko ako ng todo dahilan para mapunta sa mukha ko 'yung mga hibla ng buhok ko. Ayokong makita niyang nagbublush ako. Sa istoryang ito, BAWAL ANG ASSUMING. Gusto lang niya ako. Hindi niya ako mahal.
"Sinasabi mo lang 'yan dahil sa mga nasabi ko. May tanong ako sayo, kapag yes ang sagot mo may sasabihin ako."
"Ano 'yun?"
"Do you only like me?" Hindi ko alam ang isasagot niya. Nakakakaba.
"No. I also.." What?! Do you also love me? Hahahah ASA ako. "Yes, oo." Aray!
"Secret lang natin ito ha? Ganito kasi 'yun, I'm afraid to love. I'm afraid of pain. Broken heart. But because of someone, I took all the risks. I fell inlove with someone who only likes me. Sadnu?" Hahahaha! Sira ulo ako. Ang manhid na lang niya kapag hindi pa niya na-gets.
Nagmahal ako kahit takot akong masaktan.
"So fell unto me? Don't worry I'll catch you."
"Too late, the floor got me first. Hahaha ang sakit nga eh."
"I got you."
"Hindi mo gets. Ikaw, gusto mo lang ako from the start until now. And I love you. It's not equal. Paano mo ako masasalo kung imba?"
"Ahh! Balanse 'yan."
"Oh di sige babalansehin ko. Lelevel ako sa "LIKE" mo. 'Wag na 'yung love."
Tumingin siya sa akin. Dahan-dahang naglapat ang mga noo namin! 'Wag kayo, kiss agad?
"Hindi. Dahil mahal din naman kita." Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Lord, pwede paki-rewind? Baka nagkamali lang ako ng dinig o hindi naman kaya nag-iimagine lang ako.
"Mahal kita," pag-uulit niya pa. Oh my ghaaaad! Eto na ata 'yung pinakahihintay ko.
Basta MAHAL NIYA AKO 'yan ang alam ko.
BINABASA MO ANG
Not Knowing Whether You Should Wait Or Give Up (SHORT FORLORN LOVE STORY)
Short StoryIt was all started with a simple "Hi." then suddenly ended with a heartbreaking "Goodbye." I'm standing on a line between giving up and seeing how much more I can take.
