Habang magkasama kami ngayon, narealize ko na wala na nga talaga akong nararamdaman sa kanya. Yung wala ng barrier sa pagitan namin, hindi na ako awkward kapag nakikita ko siya at nakakasama. Everything seems to be okay now. Siguro nga, hindi ganun kadaling magmove on pero kailangan mo lang harapin yun, hindi mo kailangang gumawa ng rebound para dito. Just accept the reality then go on with your life.
Feeling ko naging maganda yung idea na magkasama kami sa iisang bubong, at least doon alam kong hindi ko tinakasan ang sakit, I faced it and able to conquer it. Nung sinabi ko nung may sakit siya na mahal ko pa siya? Doon ko rin halos narealize na hindi ko na pala siya mahal, sinabi ko lang yun dahil yun ang iniisip ko pero hindi na pala yun ang nararamdaman ko. Yun pa yung mga panahon na hindi ko pa tuluyang tinatanggap yung reality at patuloy pa ring umaasa.
Kakatapos lang naming kumain at ngayon ay tahimik kaming naglalakad. Bibili kasi ako ng pandesal at siya naman ay pupuntahan na si Kate. Gusto ko sanang tanungin kung anong sakit nung girlfriend niya pero napagpasyahan kong wag na lang.
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi sa aking mahal niya ako at hinalikan niya pa ako noon kung may girlfriend ‘tong loko na ‘to. Hindi ko alam kung may sayad na ba siya o ano. Pero in the end ipinagpasya ko na lang na tumahimik. Hindi siguro ito ang tamang panahon para itanong ko sa kanya yun.
“O sige dito ka na, una na ako” napatigil kami sa paglalakad at doon ko napagtanto na nasa tapat na ako ng bakery. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin at marahang kumaway. Tumango naman ako at kinawayan din siya.
“O sige, bye… ingat ka” nakangiti kong sabi sa kanya at tinalikuran na niya ako’t nagsimulang maglakad palayo. Sinundan ko siya sandali ng tingin at bumuntong hininga na lang ako at tsaka pumunta doon sa may bakery.
***
“Hindi ako makapaniwala! Gosh! Oh my ghad!” gusto ko ng takpan ang tenga ko dahil sa mga iritadong sigaw ni Nika. Sabi na nga ba at magfrefreak out ang isang ‘to. Napatingin ako kay Kuya Blue na tahimik habang nakangising kumakain.
“Sabi ko sa’yo di ba, huwag kang lalapit?! Wala kang karapatang dumikit sa akin! Oh my ghad!” sabi niya ulit at parang batang nagtatantrums. Napakamot na lang ako ng ulo tsaka kumuha ng pagkain at nilagay sa plato tsaka tumayo at pumunta sa may sala at naupo sa sofa at binuksan yung tv.
“Ako walang karapatan? Bakit si Daniel hinahayaan mo lang na yakapin ka? At sa harap ko pa talaga?” rinig kong sabi naman ni Kuya Blue. Napataas na lang ako ng kilay. Mukhang nagseselos yung kapatid ko. Mwahahahaha!
“Iba naman kasi siya, kaibigan ko siya Blue!” sabi naman ni Nika. Napailing na lang ako at kinuha yung phone ko tsaka earphones para mag-soundtrip na lang at hindi mapakinggan yung LQ nung dalawa.
Nagulat ako nung makita kong may 10 messages. Binuksan ko ito at puro 8888 lang yung iba dun tapos 2370 at gm nung iba kong blockmates. Pero nagulat ako nung makakita ako ng text nina Shanghai, Zed at siempre ni Dudong. Una kong binuksan yung kina Shanghai at Zed na pareho lang ng laman.
From: Shanghai
Girl! Punta kami sa inyo ha?! Kami ni Zed, makikichismis kami! Achuchuchu~ Gala na rin tayo!
Napailing na lang ako at nagreply.
To: Shanghai
Andito kapatid ko tsaka girlfriend niya! :3
Pagkasend ko yung kay Zed naman yung tinignan ko.
From: Zed Ganda
KAMU SEDANG MEMBACA
Forgetting Him
Fiksi RemajaHim Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?
Chapter 22
Mulai dari awal
