Other POV

117 5 0
                                    

"Sir mukhang marami tayong customer ngayon no?"ang sabi nang isa sa mga empleyado ko sa restaurant.

Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. At talaga namang medyo dumami ngayon ang kumain dito.

"Sir...tumawag sakin si betty ngayon."

Si betty isa sa mga empleyado ko dito. Siya ang isa sa receptionist ko at kanang kamay ko din dito.

"Bakit daw siya tumawag. Nasa day off siya ngayon diba?"

"Opo ang pinapasabi po niya. Is nag pa reserve daw po noong isang araw ang sikat na soccer player na si Tiwan dito daw po kase gaganapin yung interview niya with the press."

Tiwan?..... tama bang narinig ko. He made a reservation. In my restaurant?

How i can't beleive this. He is back na pala. For almost 3 years ago and now here he is makikita ko na siya.

Parang bumalik sa akin ang mga araw na akala ko ay mananatili nalang isang past. But now here he is. Tiwan. Kamusta kana? Galit ka parin ba sa akin? Yan ang mga salitang gusto kong itanong sa kanya kung sakaling bigyan ako nang pagkakataon na makaharap siya at maka-usap. How i wish na mangyari yun. Gusto ko talaga siya makita at makausap man lang kahit saglit.

Gusto ko sabihin sa kanya ang mga bagay na sana noon ko pa sinabi sa kanya. Ang mga salitang matagal ko nang tinatago sa kanya.

Natatakot kase ako.

Hindi ko kase alam kung saan hahantong ang relasyon namin kung sakaling sasabihin ko sa kanya lahat nang mga salitang pinag'isipan ko't pinag-aralan pa.

At nang dumating na ang oras noon na ikaw ay aalis na. Doon ko lang narealise na hanggang dito nalang ba talaga tayo. Hanggang magkaibigan nalang ba talaga tayo.

Well. I am stupid person to say. But nag aasume talaga ako na magustohan mo ako. Kahit na alam ko na hindi ka kagaya sa  nararamdaman ko sayo.

Isa lang akong hamak na nerd noon na gustong mapalapit sayo. Nag hahangad na maging kaibigan ka. Lahat ginawa ko para lang sayo. Nag try ako magbago para sayo.

At how pathetic i am na gawin ko lahat nang mga bagay na imposible kong magawa. Nag laro ako nang sports kahit na alam kong wala akong hilig sa sport. Ang hilig ko lang naman noon is mag luto at mag play nang mga musical instrument.

Doon ko din na ilabas ang bagong ako. Na akala ko ay hanggang dun nalang ba tagala ako.

Sinubokan ko din ang makipag kaibigan sa mga taong malapit sayo. Nagpakapal mukha ako para lang sayo.

Nakakatawa man pero yun ang totoo.

Inaalam ko pa ang mga schedule mo sa department niyo. Kahit na magkaiba tayo nang course ay nakiki halobilo pa ako sa mga kaklase mo.

Nagtatanong pa ako kung ano ang nga gusto at hindo mo gusto.

Dun din ay muntik na akong mabisto nang mga kaibagan mo. Ang akala kase nila is para sa school interview ang ginagawa ko. Nag dahilan ako para lang hindi nila ako mabuking sa pinag gagagawa ko.

At ang pinaka malupit ko pang ginawa is ang pinilit ko pa ang parents ko na lupitan sa school dormitory para lang mapalapit sayo.

Noong una hindi pumayag parents ko. At nagtaka pa sila na bakit daw ako mag dodorm eh maganda naman ang condo na binili nila sakin. Medyo malayo lang sa school pero mas kumportable daw ako.

Gumawa pa talaga ako nang rason para lang pumayag sila. Sinabi ko pa sa kanila na kailangan ko maagang gumising para sa mga hectic schedule ko sa next sem. At mga project na kailangan ko din malapit sa mga ka groupmate ko. At sinabi ko din mas maganda sa school dorm dahil dun magkakaroon ako nang mga kaibigan.

Dahil sa mga lame reason ko. Medyo napapayag ko din naman sila. May kunting pagkabahala pero naiintindihan naman nila sa huli.

Mabuti narin daw para naman mabago ang buhay ko. Im a lonely perosn kase kaya naman maganda rin daw kung magkaroon ako nang mga bagong kaibigan.

At dahil nga dun.

Inalam ko ang room no. niya nang malaman ko at wala pa daw siyang roommate is subrang saya sa pakiramdam. This is it. Magiging malapit na ako sa kanya.

You think im a possissive stalker? Pero wala akong pakialam kong ano man ang sabihin nila.

Basta ang mahalaga is magiging malapit na ako sa kanya. At pag nangyari yun. Hindi ko na siya pakakawalan.

At nangyari na nga ang gusto ko. Naging malapit ako sa kanya. Naging ka roomnate ko siya at naging kaibigan pa.

Sabay kame kumain nang breakfast. At lunch time tinitext pa niya ako kung sasabay ba daw ako sa kanya.

Pag dinner naman. Ako ang nag luluto sa amin dalawa. Hindi kase siya marunong magluto. Kaya nag insist nalang ako na sa dinner ako ang mag luluto para sa amin.

Ang saya nang bawat araw ko pagkasama siya. Kahit na unti-unti ko nang  nararamdaman ito ay tinatago ko sa kanya sa takot na baka magbago siya sakin.

Ayuko mangyari yun.

And thats what happen. Ang isang rebelasyon na nagpasakit sa damdamin ko.

Ang rebelasyon na senekrito niya sa akin. At dun ko lang nalaman sa mga kaibigan niya.

Matagal na pala siyang may tinatagpong babae sa school din namin. At nililigawan daw niya ito matagal na.

Bakit hindi niya sakin sinabi ang bagay na yun. Bakit sa iba ko pa nalaman. Ano ba ako sa kanya. Wala lang ba ako sa kanya. Isa lang ba akong room mate para sa kanya. Kasa-kasama lang ba ako sa tuwing kakain siya. Yan ba ang tingin niya sa akin. Napakasakit noon.

At ang pinaka-mas masakit pa ay ang araw na maririnig ko...mula sa kanya mismo.

Tinawagan niya ako. Sabi niya magluluto daw ako nang dinner namin. Gusto niya masarap daw. Dahil si ako naman ay natuwa sa narinig. Pinagluto ko siya nang paborito niya. Madami ang niluto ko dahil importante daw ang sasabihin niya sa akin.

Nang maihanda ko na ang dinner namin. Naghintay ako sa kanya. Nang marinig ko ang pag bukas nang pinto namin. Pumasok siya at masayang tumingin sa akin na nagpatibok nang puso ko nang husto.

Pero saglit lang ang ngiting yun. Dahil sa likod niya ay may kasama siyang magandang babae na masasabi kong ito na ba ang babaeng nililigawan niya. Magka-holding hands pa sila nang pumasok.

Ang kaninang ngiti ko ay napalitan nang mapait na sandali.

Hindi ako maka-kilos sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko bumagal ang oras sa paligid ko. Ang mga salita niyang hindi ko marinig habang bumubuka ito sa harap ko na parang may sinasabi siya. Nag mistulang tood ako sa harap niya.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang nga palad niyang dumapo sa pisngi ko na kinagulat ko.

Bumalik ako sa aking pagkaka-tulala.

Kanina pa pala niya ako kinakausap para daw akong bingi na hindi nakikinig sa kanya.

Nasa harapan kame nang pagkain na hinanda ko sa kanya. Magkatabi sila nang girl at ako naman ang nakarap sa kanya.

Tahimik akong kumakain. Pero ang bawat nguya ko ay hindi ko nalalasahan. Wala akong gana sa mga oras nayun. Ang tangi ko nalang naririnig ay ang mga nakakatuwang kwentuhan nila.

Nag mistulang out of place ako sa kanila. Gusto ko sanang umalis at mag panggap na may gagawin ako pero. Pinigilan ako ni Tiwan. Hinawakan niya ako sa aking mga kamay. Saglit akong napa tingin dun sa mga kamay namin.

Tumayo siya para harapin ako.

Diko alam ang sumunod na nangyari. Basta ang narinig ko lang sa kanya is. pinatayo niya ang girl at pinakilala sakin. " Tan this is Bell my girlfriend" and boom!!!..

Parang isang bombang sumabog ang salitang sinabi niya sakin.

Diko alam pero naramdaman ko nalang ang pagbitiw niya sa kamay ko. At iniwan akong nakatayo nalang.

And the next thing i remember is. Nasa bar ako at nagpakalasing..

....

Tbc.....

AS IF IT'S YOUR LAST Where stories live. Discover now