Something New

194 10 0
                                    


Note:

Sa bawat mababasa ninyo. Ito ay nakapaloob sa kathang isip lamang. Ito ay nag lalayun na magbigay sa inyo nang iba't-ibang emosyon habang nagbabasa. Ang bawat nakasulat na iyong mababasa ay hindi sinasadyang sa ano mang pangyayari. Kung may maling pagkakasulat sana ay kayo nalang umunawa.

Enjoy reading!!

Lowe p.o.v

Lalalalala....
Kasalukuyan akong nasa library ngayon at nag-aayos nang mga hiniram na aklat nang mga studyante.

Part time ko nga pala ito dito sa school namin. Alam niyo na para sa pandagdag nang gastusin ko dito sa school. Alam niyo naman na ayaw kong umasa sa magulang ko.

"Hi lowe.."si Mich pala.

"Hi din."yan lang ang sagot ko. Lumiko ako sa may kabilang stante para sa mga aklat nang harangin ni Mich ang dadaan ko sana.

"Mich pwede ba..nandito tayo sa library."ang saway ko sa kanya.

"Ano ka ba naman Lowe sabi mo sa akin makikipag-kita ka saglit pero bakit hindi ka dumating?"ang paawa epek niya.

"Sorry talaga ha. Alam mo naman na subrang busy ko."ang sabi ko

"Ganyan ka naman eh..kinalimutan mo na ang oras natin na magkasama."sa sinabi niya biglang akong napaisip.

"Ha? Anong sinasabi mo?"ang pagtataka ko.

"Wag ka ngang ganyan na wala kang alam. At pwede ba im your girl so please wag ka nang makipag-usap sa mga babae." Napakamot nalang ako nang ulo.  Aist..ito na naman kame. Alam ba niya ang sinasabi niya.? Hindi kame mag syota FYI. It was a fake boy/girlfriend ang ginawa namin para lang na makilala ako sa mga kaibigan niya.

I know maganda naman talaga si Mich kaya nga lang wala talaga akong nararamdamang sparks sa kanya.

I don't know ba kung bakit hindi talaga ako na aatract sa babae.

Hindi naman sa baliko ako ha. FYI may syota ako dati nang nasa high school pa ako. Ako nga yung unang nag papansin sa girl para maging syota ko siya. At yun nga hindi naman ako nahirapan at agad din naging kame ni girl. Pero iwan ko ba ngayon parang nawala na nang huli kong makita ang syota ko na may kadate na ibang lalaki sa mall. At doon ako nawalan nang gana na maki pag date ulit sa mga babae. Baka lang kasi lokuhin ako ulit. Ayuko pa naman na nasasaktan ako. Sakit kaya nang ganun mga bess.

"Huli kayo!"nagulat kame bigla ni Mich nang may sumulpot na bakulaw sa harap namin. At si Jugs lang pala.

"Ano kaba Jugs bat ka nanggugulat!"ang saway ni Mich at agad na hinampas sa balikat nito.

Tumawa lang si Jugs sa ginawa niya at ako naman tumawa narin.

"Naku ha.. kayo ha.. anong ginagawa niyo dito? Siguro nag sosomething kayo dito no?"ang pilyong tanong ni Jugs sa amin na binatukan ko naman sa hawak kong aklat.

"aray naman Lowe sakit ha."ang pagmamaktol niya.

"Gusto mo maulit pa! Ha...kung ano-ano na naman yang iniisip mo. Ito nakita mo! Nilalagay ko lang sa  tamang lalagyan itong mga aklat. Anong something diyan ang sinasabi mo. Maka-alis na nga!"

"Oi babe sorry na!"ang pahabol na sabi ni Mich. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa trabaho ko.

"Problema nun?"ang tanong ni Jugs.

"Ikaw kase kung hindi ka sumulpot kanina hindi sana yan maiinis. Maka-alis na nga lang din."inis na sabi ni Mich.

....

Mag lulunch na nang matapos yung duty ko sa library. Naglakad ako sa may gilid nang field dito kasi ako sa labas kumakain kapag lunch break na. Kase pag doon ka sa loob nang foodcourt subrang dami kumakin kaya nag decide ako na dito nalang sa labas.

Shit! Si mich. Bigla nalang ako napayuko nang makita ko na naman si Mich na para bang may hinahanap sa paligid niya.

Oh no! Sana hindi niya ako makita. Tsak kase pag nakita niya ako hindi na naman ako makaka-kain mang maayos. Nariyan kase pag kasama mo siyang kumain panay ang salita niya tapos susuboan ka niya at ang daming tanong kung bakit ganun bakit ganyan. Subrang nakaka inis takaga siya.

Nakita ko si Mich na tumingin sa may direksyon ko. Patak! Mukhang dito ata pupunta.

Paano na to?

Maglalakad na sana si Mich sa direksyon ko nang biglang may tumawag sa kanya.

Aist....thank you lord at gumawa ka nang paraan para hindi ako mahanap nang babaeng ito. Para akong tanga na tumingala sa kalangitan.

Tumingin ulit ako sa direksyon ni Mich check ko lang baka kase pupunta ulit dito.

Oh...mukhang kanina pa sila nag-uusap nong....teka sino ba yung kausap niya?

Isang lalaki na naka fitted pants at naka white long sleeve na mukhang pastor sa itsura niya.

Sa itsura palang mukhang bago lang siya dito. Nakita ko kase yung inabot niyang papel kay Mich at sinabing tutulongan niya ito.

Buti naman kung ganun. Bumalik na ako sa pagkaka-upo nang ma check ko na umalis na nga sila Mich at yung lalaki.

"Yes kainan na!" Bubuksan ko na sana yung baon kung lunch box nang biglang may kumuha nito.

"Oi sakto hindi pa nga pala ako nakapag-lunch.!"

Habang kinakain ni Jugs ang baon ko. Hindi ko nalang siya sinuway.

Napahiga nalang ako sa damuhan at tumingala sa kalangitan.

"Oi bro..sure ka ba talaga na ayaw mong kumain?"ang sabi ni Jugs.

Tiningnan ko nalang siya na para bang isang kuto na kay sarap tirisin.

"Kumain ka nalang diyan kesa sa tanongin mo ko nang ganyan. Kita mo nga parang kulang pa sayo yang pagkain na baon ko tapos yayain mo pa ako."

"Hehehe...sorry talaga ha. Di na kase ako nakabili nang pagkain sa loob dahil sa daming tao na kumain sikip-sikip kaya."ang sabi niya habang may kanin pa sa loob nang bibig niya.

Napailing nalang ako nang makita ko itsura niya. Hahaha.. baliw talaga.

AS IF IT'S YOUR LAST Where stories live. Discover now