Trip na this!!

107 5 0
                                    

Note:

Sa bawat mababasa ninyo. Ito ay nakapaloob sa kathang isip lamang. Ito ay nag lalayun na magbigay sa inyo nang iba't-ibang emosyon habang nagbabasa. Ang bawat nakasulat na iyong mababasa ay hindi sinasadyang sa ano mang pangyayari. Kung may maling pagkakasulat sana ay kayo nalang umunawa.

Enjoy reading!!

.....

Lowe pov...

Tiktok..

Tiktok...

Sigh....

Hanggang kailan ba ako dito mag-aantay sa kanila habang naka harap sa lumang orasan namin sa bahay.

Ang tagal naman nang sundo ko. Ang sabi alas 7 nang umaga kailan naka ready na daw para pagdating nang sundo ay aalis nalang. Pero ito 7:30 na wala parin ang hinayupak na sundong yan.

Di'ko na maipinta ang itsura ko sa kakatingin sa labas nang bahay. Nakaka inis na yang si Mich ha. Sabi mag aga daw eh ba't wala parin sila.

Tumingin ulit ako sa orasan.

"Kuya nandito kaparin. Akala ko naka alis kana?"tanong sakin nang kapatid ko.

"Wala pa kase yung susundo sakin. Ikaw bakit nandito ka pa? Diba dapat nandun ka kay nanay at tumutulong ka dun?"

"Oo mamaya pa."

"Siguraduhin mo lang ha baka kung saan-saan ka naman pupunta."

"Hay naku si kuya. Pinayagan na ngang mag enjoy sa lakad nila nang kaibigan niya hito parin na nenermon parang nasa bahay parin ang utak."

"Hoy ano sabi mo!"

"Wala sabi ko. Mag enjoy ka sana sa lakad niyo nang nga friends mo!"sabay takbo sa kwarto niya. Dinig ko pa ang nalaka loka niyang tawa..

Napa tayo nalang ako at inayos ang bag ko nang may bumosina sa labas.

"Hay sa wakas dumating din."ang sabi ko nalang lumabas na rin ako nang lumabas sa mini van si Mich.

"Babe sorry kung nag-antay ka nang ilang  minutes...kase may inantay pa kame e."nag ok sign nalang ako sa kanya kahit na sa isip ko ay nayayamot na talaga ako.

"Teka babe sense ikaw ang huling sinundo namin....same set kayo ni tristan. Ok ba yun?"

We...what?

Teka tama ba narinig ko. Si tristan kasama siya!?..

Saglit akong na shock sa narinig ko. Isang malaking katanungan ang naka rehistro sa aking mukha nang marinig ko ang pangalan nang baliw na yun!

"Kaya nga kame na late nang dating kase inantay pa namin si Tristan sa kanila bago ikaw ang pinuntahan namin."Sigh... di pa nga nag uumpisa ang araw ko..badtrip agad.

"Ano pa nga ba..wala naman siguro akong choice diba?" Napa tango nang pagkasaya-saya naman itong si mich nang sumang-ayon nalang ako na ka setmate ko si baliw!.

Pumasok na nga kaming dalawa ni mich sa loob nang sasakyan. Itong si mich naka upo na siya sa may harap kasama si Queen. Kumaway pa ito sa akin at nginitian ko naman ito.

Hinanap ko ang aking upoan. Syempre hinanap ko din si tristan kase nga siya ang makaka setmate ko. Nang makita ko na ang baliw saglit akong tumingin sa kanya. Nasa may dulo pa talaga ito naka upo. Naka shade siya at nakikinig nang music habang nakasandal. Ako naman. Hinanda ko nalang ang sarili sa araw na ito. Alam ko kase na baka anytime hindi kame magiging ok nang isang'to.

Lumakad na ako palapit sa kanya. Pansin ko baka nakatulog to or ano man kase di man lang siya gumagalaw. Baka na tsoge.Lol

Dahan-dahan akong lumapit sa upoan ko. Sa may malapit na bintana kase siya kaya naka upo ako nang di niya namamalayaan.

Inayos ko nalang ang bag ko inalay ko sa may itaas bago sumandal narin para maka pag relax.

Habang nasa biyahe parin kame. Diko pagilan ang tumingin sa katabi ko si tristan. Nakasandal parin ito suot ang shades niya habang nakikinig parin ng music sa earphone na nakalagay sa tenga niya.

Habang nasa ganun akong pag titig sa kanya. Diko maintindahan pero bigla nalang may iba akong naramdaman habang nakatingin sa mukha niyang parang anghel kong titigan mo.

Akala mo walang ginagawang kabaliwan kung pagmasdan mo ang nahihimbing niyang mukha. Kahit na nakasuot siya nang shades nakikita ko parin ang mata niyang medyo singkit na binagayan nang mahahabang pilik mata. Ang ilong niyang napakatangos pababa sa medyo mapinkish niyang labi. Di pa ako nakuntinto. Bumaba pa ang tingin ko sa dibdib niya. Nakasuot kase siya nang pulo white. Na nag pa gwapo sa look niya. Medyo may kanipisan kase.

Bumalik ako nang tingin sa mukha niya nang may mga mata ding sumalobong sa akin.

"Nakatingin ka!?"tanong niya. Dahil sa gulat napa layo ako sa kanya.

"Nakatingin daw. Sigurado ka?"sabi ko naman sa kanya. Nag mamaang-maangan nalang ako na hindi ko siya tinitingnan e baka kung ano pa ang isipin niya. Baka isipin niya habang tulog siya tinitingnan ko nga siya which true naman. Pero no. Hindi ko aaminin yun.

"Tse..."yan lang ang narinig ko sa kanya at tumalikod ito sa akin nakaharap siya sa may bandang bintana na nakatuon ang mukha niya. Paki ko ba sa kanya. Kala niya talaga.

Nag busi-busihan nalang ako. Kinuha ko ang aking bag na may laman na pagkain. Kumain nalang ako. Nang mapansin na hindi pa pala kame huminto sa may bus stop para mag snack. Napatingin ako sa katabi ko. Inisip ko baka kase nagugutom na siya dahil diko pa siya nakita na kumain lang.

Kinalabit ko siya para sana alokin nang pagkain ko. "Tristan gusto mo?"pakita ko sa pagkain sa harap niya. Wala naman siyang kibo. Kinalabit ko ulit siya.

"Ano ba?"may irita sa boses niya. "Hindi ka ba nagugutom. Ito sandwich gawa ko yan. Kainin mo na."alok ko sa kanya. Nilapit ko pa ito sa kanya para abutin niya. Tiningnan lang niya ako saglit na diko naman alam kung ano naiinis ba siya o nayayamot na.

"Sige na. Wag ka nang mahiya. Madami pa naman oh."pakita ko sa kanya nang mga sandwich na gawa ko." Sige na. Alam ko gutom kana. Malayo pa 2 oras pa biyahe natin. Kaya oh kainin mo na."pag aalok ko sa kanya. Tumitig siya sandali sa pagkain maya-maya kinuha niya rin ito.

"Thank you."ang dinig ko sa kanga sabay talikod ulit sakin. Napa ngiti nalang ako sa nakita ko. Nang mag umpisa na siyang kumain. Kumain narin ako at sabay kame kumakain nang sandwich. Yung iba din kita ko na may dala rin silang snack kaya lahat kame masayang kumakain habang nag kukwentohan.

At habang nakikinig ako at tumatawa sa mga kaibigan ko. Bigla nalang may humablot sa thumblair ko na naglalaman nang icetea na gawa ko din.

Paglingon ko. Shit!. Nanlaki mata ko.

Si tristan nilagok niya lahat nang natitirang icetea ko. At di lang yun. Kakainom ko palang nun then iinum din siya dun sa ininum ko.

Yawa!!

Parang nag slow motion ang lahat kung paano niya nilagok ang to. May tumulo pang icetea sa may bibig niya pababa sa adams apple niya na sumasabay sa agos nang galaw sa bibig niya.

Nang maubos niya. Inabot niya ito sakin. Hindi parin ako makapaniwala. Napatingin nalang ako sa bumganga nang thumblair ko kung saan kame uminom. Parang indirect kiss yun.!!

Sigh....


AS IF IT'S YOUR LAST Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin