Nagkakamali ka! Di totoo

113 6 0
                                    

Note:

Sa bawat mababasa ninyo. Ito ay nakapaloob sa kathang isip lamang. Ito ay nag lalayun na magbigay sa inyo nang iba't-ibang emosyon habang nagbabasa. Ang bawat nakasulat na iyong mababasa ay hindi sinasadyang sa ano mang pangyayari. Kung may maling pagkakasulat sana ay kayo nalang umunawa.

Enjoy reading!!

Hikab at kamot sa mata ang ginawa ko habang papasok ako sa skul namin. Medyo napuyat lang ako kagabe dahil sa dami nang pinag gagawa ko sa bahay. Di man lang ako tinulongan nang mama at kapatid ko.
Kaya heto pagod ang bida niyo.

Naglalakad ako ngayon dahil katatapos lang nang klase ko at naghihintay na lang nang next class.

Saan nga ba ako pupunta sa mga oras na'to. Sa foodcourt nalang siguro gutom narin naman ako.

....

4:30 na nang matapos ang afternoon class ko.

May tumapik sa balikat ko. Si Dew ang basketball captain nang university.

"Lowe may try-out para sa gustong sasali sa basketball. Gusto ko sana mag try-out ka sa team namin."

Sandali akong napakamot sa batok ko. Iniisip ko pa kase mag ta try-out ako. Ano kase....

Sa totoo lang mayroon kase akong ini ingatan kaya doble ingat ako sa desisyon ko.

Inaabangan pa ni Dew ang sagot ko dahil naghihintay itong nakatayo sa harap ko.

"Ah Dew pag-iisipan ko mona. Alam mo naman busy din ako sa mga gawin sa amin."ang rason ko nalang sa kanya.

Mukhang nadismaya ata siya sa sagot ko at bagsak na nag-paalam nalang sa akin.

"Sige.....pero kung mag bago ang isip mo. Lumapit ka lang sa akin ako bahala sayo." Tinapik nalang niya ako sa balikat at lumabas na ito.

Napa buntong hininga nalang ako. Ako rin naman gusto ko naman talaga mag laro nang basketball kaso nga lang baka diko makaya at mag co cause lang nang di maganda sa team.

....

Binagtas ko ang daang palabas nanh campus nang may biglang humublot sa braso ko kaya napapikit ako nang tudo.

Nang imulat ko ang aking mata. Si Tristan lang pala ang nasa harap ko na naka pamulsa.

Ano ba trip nito at basta nalang ako hilain nito.

"Ano kailangan mo sa akin?"umayos ako nang tuwid sa harap niya. Di ko kase gusto ang ginawa niya.

"Gusto kong malaman ang sagot mo sa tanong ko."may duda sa boses niya. Nagtaka naman ako kung ano naman ang tanong niya sa akin.

"Tungkol sa anong tanong!"ang may kalakasan kong sabi sa kanya.

Biglang napakunot ang nuo niya. Ano namang attitude yan. Galit ba siya sa akin.

"May relasyon ba kayo nang kuya ko?"

Saglit akong na stock.

Ano daw....

Relasyon ba ika niya?

Taka akong napatingin sa kanya.

"Ha....? Teka anong klaseng tanong yan. Tristan ok ka lang ba?"ang tanong ko din sa kanya. Pasigurado kong sabi sa kanya.

Baka kung ano ang nakain nito at yan ang natanong niya sa akin. At nakaka inis lang ha. Tanongin ba naman ako nang ganyang tanong...ano tingin niya sa akin may gusto ako kay sir lendon.

Kumapit siya sa braso ko na pagka higpit-higpit. Nasasaktan ako sa ginagawa niyang iyon kaya nagalit ako sa kanya. Nasigawan ko siya na sira ulo ba siya.

Hindi niya binitawan ang braso ko at lalo pa itong hinigpitan niya.

"Teka lang tristan masakit na ha.."ang reklamo ko sa kanya.

"Di mo kase sinasagot ang tanong ko. May relasyon ba kayo nang kapatid ko."saad niya. This time subrang nanlikisik na siya sa akin.

"Tristan wala kaming relasyon ni sir Tan kung yan ang kinakagalit mo. Kaya pwede ba bitawan mo na ako.!"ang reklamo ko. Tinulak ko siya nang pagkalakas. Napalayo siya sa akin at doon ko siya inambagan nang malakas na suntok sa pisngi.

Dahil sa ginawa ko. Napa salpak siya sa lupa. Nagulat ako sa nagawa ko sa kanya. Nang lumingon siya sa akin nakita ko ang gilid nang labi niyang nasugatan ko kaya naman sa gulat ko at takot baka suntokin niya ako ay tumakbo narin ako palayo sa kanya.

.....

Tulala at wala sa sarili yan daw ang itsura ko nang pagalitan ako ni nanay kanina sa palengke. Hindi ko raw inaayos ang trabaho ko. Lutang daw kase ang isip ko kaya imbis daw na hugasan at linisan ko yung isda na bili nang ale binigay ko daw agad dun kaya yun nabatokan ako ni nanay.

Kasalanan ko rin naman kase. Bakit ba kase nadala ko pa yung nangyari kahapon sa amin ni Tristan sa trabaho ko. Yan tuloy napagalitan ako ni nanay.

Sigh....

Pano ba'to. Diko talaga alam kung paano ko ito sasabihin sa kuya niya. Pano kaya kung sabihin ko kay sir lendon ang nangyari. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kung sabihin ko na ang kapatid niya nag hihinala sa amin dalawa.

Sigh....ulit.

Ah bahala na. Basta. Dapat siguro ang kailangan kong gawin ay kausapin ko ulit si tristan. Kailangan dapat niyang malaman ang tungkol sa paghihinala niyang di totoo yun. Tama yun nga dapat ang gawin ko.

Pero..... paano ko naman gagawin yun. Eh nasuntok ko siya. Sigurado akong nasaktan ko siya. Nasugatan ko pa yung mukha niya. Aish...

Bahala na. Basta kakausapin ko siya. Kung magalit man siya wala na akong pakialam dun. Ang importante ay dapat niyang malaman na hindi totoong may relasyon kame.

Sigh.....bakit ganun. Para namang akong defensive nito. Bakit ba ako nag iisip nang ganito. Eh si tristan lang naman yan. Baka kung ano isipin niya kung bakit ako nag papaliwanag sa kanya nang todo.

Kasalanan ko ba'to?

Pero teka lang. Nagtataka  lang ako kay tristan. Bakit pala niya yun natanong ang ganung bagay?  Bakit kaya niya kame pinaghihinalaan nang kuya niya?

Teka... againts ba siya sa same sex relationship? Yun ba ang dahilan kaya niya natanong yun sakin. Ayaw niya bang magka relasyon ang kuya niya sa kapwa lalaki?

Aish.. sakit na nang ulo ko sa kaiisip. Basta bahal na. Kung ayaw niya sa ganun. Bahala siya. Dahil di naman talaga yun totoo!!!!! Argggg..!!

AS IF IT'S YOUR LAST Место, где живут истории. Откройте их для себя