1st trip with him

128 7 0
                                    


Hi guys bago pala ang kahat nais kung sabihin sa inyo na may binago akong pangalan sa mga character at may nga bagong character din akong dinagdag para naman gumanda ang aking storya.

Yun lang salamat!

Note:

Sa bawat mababasa ninyo. Ito ay nakapaloob sa kathang isip lamang. Ito ay nag lalayun na magbigay sa inyo nang iba't-ibang emosyon habang nagbabasa. Ang bawat nakasulat na iyong mababasa ay hindi sinasadyang sa ano mang pangyayari. Kung may maling pagkakasulat sana ay kayo nalang umunawa.

Enjoy reading!!

.....

Lowe pov...

Tiktok..

Tiktok...

Sigh....

Hanggang kailan ba ako dito mag-aantay sa kanila habang naka harap sa lumang orasan namin sa bahay.

Ang tagal naman nang sundo ko. Ang sabi alas 7 nang umaga kailan naka ready na daw para pagdating nang sundo ay aalis nalang. Pero ito 7:30 na wala parin ang hinayupak na sundong yan.

Di'ko na maipinta ang itsura ko sa kakatingin sa labas nang bahay. Nakaka inis na yang si Mich ha. Sabi mag aga daw eh ba't wala parin sila.

Tumingin ulit ako sa orasan.

"Kuya nandito kaparin. Akala ko naka alis kana?"tanong sakin nang kapatid ko.

"Wala pa kase yung susundo sakin. Ikaw bakit nandito ka pa? Diba dapat nandun ka kay nanay at tumutulong ka dun?"

"Oo mamaya pa."

"Siguraduhin mo lang ha baka kung saan-saan ka naman pupunta."

"Hay naku si kuya. Pinayagan na ngang mag enjoy sa lakad nila nang kaibigan niya hito parin na nenermon parang nasa bahay parin ang utak."

"Hoy ano sabi mo!"

"Wala sabi ko. Mag enjoy ka sana sa lakad niyo nang nga friends mo!"sabay takbo sa kwarto niya. Dinig ko pa ang nalaka loka niyang tawa..

Napa tayo nalang ako at inayos ang bag ko nang may bumosina sa labas.

"Hay sa wakas dumating din."ang sabi ko nalang lumabas na rin ako nang lumabas sa van si Mich.

"Babe sorry kung nag-antay ka nang minutes...kase may inantay pa kame e."

AS IF IT'S YOUR LAST Where stories live. Discover now