Chapter Twenty-Nine

Magsimula sa umpisa
                                    

Inirapan ko siya. "Ano bang pinagsasasabi mo d'yan? Wala ka talagang taste kahit kailan," sabi ko.

"Anong walang taste? Sige Jacky, silipin mo dun. Tignan mo kung nagsisinungaling ako."

Kunot noong tumingin si Jacky sa pwestong itinuro ni Genna. Nakanguso pa siya at parang nag-aalangan siya pero sumunod naman at pumunta roon.

Nakatingin kami lahat sa kanya nang bumalik siya.

"Tama si Genna..." aniya.

"Huh?!"

Agad na kumilos sina Aya at Joy para tignan si Jace. Pagkabalik nila ay agad akong binatukan ni Aya.

"Patingin mo na kaya 'yang mata mo?" aniya.

"Aray ko naman!" Hinawakan ko pa 'yung batok ko. "Muntik nang magulo 'yung buhok ko ha!"

Gaganti pa sana ako nang tawagin na silang lahat at pinaayos ng pila para sa pagpasok sa simbahan. Huminga naman ako ng malalim at inihanda ang sarili ko. Okay, this is it.

Pagkatapos makapasok ng lahat sa loob ay pinababa na ako ng kotse. Hindi tumitingin sa paligid na pumwesto ako sa pinto ng simbahan. Gusto kong matapos na lang ang lahat ng 'to.

Nakasimangot ako habang naglalakad patungo sa atlar. Express your feelings ika nga. Hindi ako masaya sa kasalang ito kaya hindi ko pipilitin ang sarili kong ngumiti. Ayokong lokohin ang sarili ko.

Napatingin ako kay Jace na ngayon eh nakangiti pang hinihintay ako sa harap. Mukhang sobrang saya niya sa hitsura niya. Huh! Magaling rin palang umarte ang isang 'to eh 'no? Akalain niyong nagagawa niyang ngumiti kahit labag sa kalooban niya ang nangyayari?

Malapit na ako sa kanya nang mapansin ko ang sinasabi nina Genna kanina. Ang laki ng iniba ng hitsura niya ngayon kesa noong mga panahong inaayos namin ang kasal. Bumagay sa kanya 'yung suot niyang tuxedo at hindi rin siya naka-salamin. In fairness, nagmukha siyang tao.

Mabilis lang ang seremonyas ng kasal. Ni hindi ko namalayan na tapos na pala 'yun.

"You may now kiss the bride." Narinig kong sabi ng pari.

Kunot noong tinignan ko si Jace. Nakangiting hinarap niya ako at iniangat niya naman ang suot kong belo. Wait... gagawin niya? Nanlalaki ang mga mata ko nang unti-unting lumalapit ang mukha ni Jace sa akin. Gusto ko siyang itulak pero tila na-freeze ang katawan ko at hindi ako makakilos.

Namalayan ko na lang na magkalapat na ang mga labi namin. Parang may kung anong kuryente ang biglang dumaloy sa katawan ko. Naipikit ko pa ang mga mata ko at dinarama ang halik na 'yun. Magpo-protesta pa sana ako nang ilayo niya ang sarili niya sa akin. Parang ayoko pa sanang matapos ang halik.

~*~

Naiinip ako sa reception. Gusto ko na lang umalis doon. Kung anu-ano pa kasing pinapagawa nila sa amin ni Jace.

Mukha namang napansin ni Jace na naiinis na ako kaya nagyaya na siyang umuwi. Nagpaalam kami sa mga bisita at umayon naman sila at hinayaan na kaming umalis. Si Jace ang nagmaneho ng sasakyan at hindi ko na alam kung saan kami papunta.

"Teka, saan ang punta natin?" tanong ko habang nakatingin sa labas. Hindi talaga pamilyar sa akin ang lugar.

"Sa bahay natin," aniya.

"May sarili tayong bahay?" mukhang tangang tanong ko. Malamang may sarili kaming bahay kasi kasal na kami.

"Yep! At tamang-tama, nandito na tayo."

Napatingin ako sa bahay na tinutukoy ni Jace. Bumaba pa ako ng sasakyan para lang matignan 'yun ng buo. Ang ganda ng bahay. Ito 'yung tipo na pangarap ng kahit na sinong babae na tirhan.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon