Chapter Twenty-Nine

556K 7K 674
                                    

More than three years ago...


"You're kidding right? Papa... hindi mo naman talaga ako ipapakasal sa payatot na 'yan di ba?" Bahagya pa akong tumingin kay Jace. I saw him wince pero hindi ko 'yun pinansin. Hindi ako makapapayag sa kalokohang 'to ng mga magulang namin.

Kababata ko si Jace. Hindi nga ako makapaniwala na bumalik pa sila rito pagkatapos ng sampung taon. At para ano? Para guluhin ang buhay ko?

Malaki na rin ang pinagbago ng hitsura niya. Not for the better. Yeah, that's right. Ni ayoko nga siyang tignan dahil ang sakit niya sa mata. Ang sarap niya na ngang tanungin kung nananalamin pa siya eh. May hitsura naman siya noong mga bata kami. Ewan ko ba kung bakit nagkaganyan siya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Napatingin ako kay Papa mula sa pag-aassess ko sa hitsura ni Jace.

"Pero Papa! Ang bata ko pa. And besides... ayoko sa kanya!" mariing sabi ko saka ko tinignan ng masama si Jace. Umiwas lang siya ng tingin saka yumuko.

Huminga ng malalim si Papa saka nagsalita.

"Listen, Lana. Laman ng last will ng Tito Tom mo na kailangan niyong magpakasal na dalawa para makuha ni Jace ang mana niya—"

"The hell I care! Hindi ko naman mana 'yun eh!" I snapped. "Saka pakialam ko ba sa pangit na 'yan!"

"Watch your mouth, Lana!" pasigaw na sabi ni Papa.

Hindi ko naman talaga intensyon na sabihin ang bagay na 'yun. I mean, yung pangit si Jace. Though totoo naman... pero basta. Ayoko lang talaga kasing magpakasal sa kanya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka kay Jace! And my decision is final!" ani Papa saka umalis.

Pagkaalis na pagkaalis ni Papa ay nanakbo ako papunta sa garden. Ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. Buong buhay ko pinangarap maikasal sa taong mamahalin ko at ganun din siya sa akin.

"Jill..."

"Ay palaka!" sabi ko bigla sa gulat. Muntik ko pang masapok ang dumating.

Ngumiti siya bigla na ikina-inis ko. Pakiramdam ko kasi nang-aasar pa siya.

"Anong tinatawa-tawa mo r'yan?" inis nasabi ko.

Tumahimik siya bigla at yumuko. "Sorry..." aniya

Sandaling namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Aalis na lang sana ako nang magsalita siya.

"Pasensya ka na kung mapipilitan kang magpakasal sa akin ha?" Huminga siya ng malalim saka tumingin sa mga mata ko. "Pangako gagawin ko ang lahat para maging masaya ka." Itinaas niya pa 'yung kanang kamay niya na akala mo nire-recite 'yung Panatang Makabayan.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng usig ng konsensya. Kunsabagay, napilitan lang din naman siya. Wala naman siyang kasalanan sa nangyayari.

"Whatever," sabi ko saka umalis nang tuluyan.

~*~

"Hey, cheer up! Kasal mo 'to hindi funeral!" ani Aya.

Narito pa kami sa labas ng simbahan dahil hindi pa naman magsismula ang kasal. Sinasamahan muna ako ng apat na bruha.

"Cheer up? Paano ko gagawin 'yun eh hindi naman ako masaya," sabi ko.

Pakiramdam ko kasi hindi naman kasal 'tong pinuntahan ko. Feeling ko eh sa slaughter house ako dinala at anumang oras eh kakatayin na ako.

"Eh ano ba kasing sinisintir mo d'yan? Gwapo naman 'yung groom mo ah? Sus, maka-kwento naman ng pangit 'to wagas! Eh nakita ko kanina si Jace. Gosh akala ko nga nalaglag na 'yung panty ko eh!" ani Genna.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon