"Hebrew, sino 'yan?"

Sumungaw ang ulo ng isang babae na pamilyar sa akin. Umusbong ang saya sa dibdib ko nang makita kung sino iyon. She just lifted the heavy feeling in my heart after everything that happened. Mabilis akong lumapit kay Hebrew kasabay ng mabilis na paglapit ni Machia sa kanyang kapatid. Bahagya kong itinulak ang nakatulalang si Hebrew.

"H-Hi. How are you—" Nabigla ako nang sunggaban ako ng yakap ng babae.

Umiyak sya sa balikat ko na sya namang nagpangiti sa akin. This beautiful lady aren't supposed to cry. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinagod ang kanyang likod. Nakita ko si Machia na magkasalubong ang kilay habang nakatingin kay Hebrew na nakatingin sa kanyang kapatid.

Nang bumitaw na sa akin ang babae ay pinapasok ko sila at pinaupo sa upuan malapit sa maliit na mesa. Hindi naman umupo si Machia at nanatili lamang ito sa likod ng kapatid. Namamaga man ang kanyang mata sa kakaiyak, mas lalo namang kumikinang ang kanyang mukha. She has a pointed nose, brown round eyes, a perfect set of dimples and rosy cheeks.

"I owe you my life, Ate. Wala ako dito ngayon kung hindi dahil sa'yo." Bago pa sya muling umiyak ay hinawakan ko ang kanyang kamay.

"It's okay now. Ligtas ka na dito." Tumango-tango lang sya bago mahigpit na hinawakan pabalik ang kamay ko.

"Ako nga pala si Derine, Ate. At kilala na po kita dahil ikinwento ka na ni Kuya sa akin noong una nyo pa lang pagkikita." Derine giggled before her eyes went to her brother.

Hindi ko alam pero unti-unting uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Derine. Hindi naman direktang makatingin sa akin si Machia.

"Are you done? May gagawin pa ako." Ani Machia gamit ang malalim na boses, hindi pinansin ang sinabi ng kapatid.

Ngumuso lang si Derine bago ngumiti sa akin.

"Ate, dadalawin ulit kita dito. Thank you for saving me." She uttered before pulling me again for a hug.

Napangisi na lamang ako. I'm so happy to be able to see this kind of pure happiness in her eyes. It's rare nowadays.

Nang bumitaw ay bahagya syang yumuko at naiilang na tumingin kay Hebrew na ngayon ay nakayuko lang. Kumunot naman ang noo ko.

"By the way, what's your name?" Derine asked confidently.

"Derine. This is not what we came for." Machia warned.

Sumimangot lang sya. Hindi agad nakaimik si Hebrew. Nanatili lamang ang kanyang mga mata sa nakangiting si Derine.

"Sandali lang 'to Kuya!"

Kinawayan ko si Hebrew para bumalik sya sa katinuan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Love at first sight na yata ito.

"Hebrew." Napairap ako sa maliit na sagot ni Hebrew pero napalawak lang nito ang ngiti sa labi ni Derine.

"Nice to meet you, Hebrew. I'm Derine." And she offered her hands which he accepted without emotion on his face.

After that, I asked Hebrew if he likes Derine and he honestly answered me with a yes before he shared to me how pretty Derine is for him. He is sad though while he tells me that. Hindi nya man sabihin ay mukhang alam ko na kung bakit. I've been there before I loved Phoenix. I know how it feels to contemplate if you would tolerate what you are feeling.

Hapon na nang lumabas kami. There are others who are clearing outside the tall fence. We helped on strengthening the fence. I don't know where their electricity is coming from but I am glad that they still have it. Maalikabok ang paligid sa ilalim ng hindi na gaanong kataas na araw. At dahil tulong-tulong ang lahat, muli ay napatayo ang ibang poste na natumba nang sumalakay ang mga tauhan ni Ferrer noong nakaraan.

Adelaide: Today For TomorrowWhere stories live. Discover now