"I'm sorry pero kailangan kong gawin toh. Hindi ko kayang panoorin na lang kayong unti unting namamatay. Hindi ko kakayanin. Firen minsan ko lang sasabihin to kaya makinig ka...mahal na mahal na mahal kita...humanap ka nang babaeng kaya kang alagaan at mahalin hanggang sa huli nyang hininga. Ice salamat dahil nagtiwala ka sa akin...salamat na rin sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Ganoon din sa inyo Aria,Earl,Light,Walter,Sky,Cloud maraming salamat dahil kahit sa sandaling panahon na magkasama tayo tinuring nyo akong kaibigan,wag kayong magalala dahil hindi ako galit sa inyo. Queen Samantha,King Albert nakakalungkot dahil hindi ko na kayo nakasama at makakasama pa. Mama,Papa mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayong lahat kaya ko ginagawa ito. PAALAM!"umiiyak na sabi ko sa mga isip nila. Sigurado naman akong narinig nilang lahat iyon. Tinignan ko ulit ang dark king at unti unti ng nabubuo ang dark ball nito kaya naman sinimulan ko nang bigkasin ang mga salita bago pa man nito matuloyang kanyang binabalik
I Princess Amethyst Samara Nicole
giving myself for the peace
of the Magic Kingdom
everything that is damage because
of this war will be fix.
Darkness will be gone and will
never be back
instead the lives of
the good magician will be return.
Fulfill this
in exchange of my life!
"Sam/Samara"narinig ko ang mga sigaw nila pero huli na dahil
pagkabanggit ko sa mga salitang yan nagliwanag na ang paligid. Habang ako naman ay unti unti nang naglalahoMatagal ko nang tinanggap na ito na talaga ang kapalaran ko. Pero kahit papaano ay masaya pa rin ako. Dahil hindi nasayang ang buhay ko.
Hanggang sa muli.
Huling sabi ko sa mga isip nila na bago tuluyang maglaho
***Aria's Pov***
Nakatingala lamang kaming lahat habang tumutulo ang mga luha namin.
Wala na sya.
Wala na iyong taong tinuring kaming kaibigan.
Paalam Samara.
Salamat sa lahat.
Unti unti nang naglaho ang mga dark magician habang unti unti din namang bumabalik ang buhay ng mga magician na namatay dahil sa digmaan na ito.
Naglaho na rin ang dark king pati ang dark ball nito silang lahat ay naging abo at sumama sa hangin. Nagkaroon na rin ng liwanag at ang lahat ng nasira sa academy ay bumalik sa dati na parang walang nangyari.
Pero kapalit ng lahat ng ito ay ang pagkawala nya.
Tinignan ko ang nakaluhod ngayon sa lupa na si Firen umiiyak ito. Sa buong buhay na kasama ko sya ay ngayon lamang ito nagkaganito. Binaling ko naman ang tingin ko sa mga magulang ni Samara, si Queen Samntha ay humahagulgol habang inaalo ito ni King Albert naiintindihan ko sila dahil hindi manlang nila nakasama ang tunay nilang anak. Tumingala ulit ako at tumingin kung saan naglaho si Samara
Mahal na mahal ka rin namin. Hinding hindi ka namin makakalimutan. Maraming salamat MAHAL NA PRINSESA
......
PLS.
VOTE
AND
COMMENT
THANK YOU!!
Isang Chapter na lang po tapos Epilogue na
YOU ARE READING
The Long Lost Legendary Beautiful Princess
FantasyMatalino...check Tahimik...check Cold...check Mabait...check MAGANDA...check na check
Chapter 37: Sacrifice
Start from the beginning