Chapter 36: Revelations

17.4K 475 37
                                    


                    ***Aria's Pov***

Unti-unti namang hinawakan ng babae ang mask nya. Maaalis na nya sana ito ng biglang--

Boogggsshhh

Napatingin kaming lahat sa labas at nakita namin ang mga dark magician na papasok sa hall.

Tinignan ko ang ang kinatatayuan ng misteryosong babae kanina pero wala na ito doon.

Tinignan ko rin ang mga kasamahan ko at bakas pa rin sa mga mukha nila ang pagkabigla.

"Hahahaha tapos na ang masasayang araw nyo!!!" sabi ng isang lalaki pero hindi pamilyar ang mukha nito pero may korona ito sa kanyang ulo.

"D-dark p-paanong buhay ka? Matagal ka nang patay!"gulat na tanong ni King Albert ang hari ng buong Magic Kingdom. Pero wait? Dark? Yun ang pangalan ng hari ng dark kingdom ha? Paanong buhay sya sa pagkaka-alam ko matagal na syang pinatay ni King Albert.

"Hahahaha dahil lang naman iyon sa tulong ng aking pinakamamahal na anak" ani nito at lumabas ang isang lalaki na sigurado akong si Prince Nathan. "Sa kabila ng pananahimik ng Dark Kingdom hindi nyo namamalayan na gumagawa na ng paraan ang aking anak para ako'y muling buhayin hahahaha!!!!"

"Ano bang kailangan nyo?"biglang sigaw ni Walter kaya nabaling ang pansin nito sa kanya

"Oh! Ang prinsipe ng Water Kingdom mukhang lumaki kang matapang pero humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ka na tatagal sa mundong ibabaw dahil sa iyong KAHANGALAN!!!" sabi nito at bumuo ng darkball sa kanyang palad akmang ihahagis na nya ito kay Walter

"Subukan mong saktan ang isa sa kanila at hindi ako magdadalawang isip na lagutan ka ulit ng hininga"isang boses ng babae ang nangibabaw mula sa aming likuran kaya naman napatigil ang lahat pati na rin ang dark king.

Napatingin kaming lahat sa kanya at nabigla ako na sya yung babaeng misteryoso kanina.

"Ikaw na naman,bitch?! Hahaha masyado kang mayabang!!"sabi naman ni Nicole

"Manahimik ka kung ayaw mong mamatay kasama nila"cold pa rin na sagot nito kay nicole kaya naman nabigla kaming lahat

"Hahahaha at sino ka naman babae ka? Isa ka rin ba sa mga nagtatapang tapangan dto pero wala rin namang maiibubuga?" biglang sabat ng dark king.

"Ako lang naman ang gusto mong ipapatay mula noon."sagot nito

"Marami na akong gustong ipapatay noon pa at ang mga kalahi mo yon!!!" singhal nito

"Ang dami mong satsat"sabi nito at inatake ang dark king gamit ang airball. Wait ibig sabihin air user sya?

Nagulat kaming lahat na hindi lang airball ang naipalabas nya kung pati na rin ang iba pang elemento.

Sino ka ba talaga?

Nagumpisa ng umatake ang iba pang dark magician sa amin. Napansin ko na hindi walang umaatake kay Nicole at ni hindi manlang sya tumutulong sa pakikipaglaban sa halip ay nakatayo lang ito ay may malademonyong ngisi.

"Ano ba Nicole hindi mo ba kami tutulungan dto?"sigaw ni Sky

"Why would I?"tanong nito

"Anong "why would I" ka dyan malamang dahil ikaw ang prinsesa!!" sabi nman ni Cloud

"Ahh...yeah right! Ako nga pala ang prinsesa...hahaha ang galing ko talagang umacting!" sabi nito kaya nagtaka kaming lahat

"Anong ibig mong sabihin?"tanong naman no Earl

"Oh well...dahil masyado kayong tanga ako na ang magsasabi sa inyo...okay ready na ba kayo? hahaha!!"tanong pa nito sa amin

"Just fucking tell us the truth!!!"nagulat kaming lahat nung sumigaw si Light

"Fine! Masyado kayong excited! Well dahil sa sobrang katangahan nyo hindi nyo napansin na HINDI AKO ANG TUNAY PRINSESA hahahaha"parang napanting ang tenga namin dahil sa sinabi nya" And there's more hahaha...hindi nyo alam matagal nyo na palang kasama ang nawawalang prinsesa...and worst pinaalis nyo pa sya hahahaha" dagdag pa nito.
Pinaalis isa lang naman ang alam kong---hindi---hindi ----hindi pwede toh.

"You bitch!!!"hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod ko si Nicole gamit ang air spikes ko"Niloko mo kami...all this time akala namin ikaw ang inaapi ni Samara pero it turns out na ikaw ang nang aapi sa kanya at ang tanga tanga namin para maniwala sa mga kasinungalingan mo!!!!" sabi ko habang sinusugod pa ring sya gamit ang air spikes ko.

"It's all your fault anyway!"habang nakikipaglaban din gamit ang mga vines nya. So plant user pala sya! kaya pala ayaw nyang ipalabas ang kapangyarihan nya noon pa lang.

"Air Ball"sigaw ko at natamaan si Nicole sa bandang tyan kaya naman tumalsik ito.

Nilibot ko ang aking paningin marami nang dark magician ang namatay nakita ko rin si Firen na nakikipaglaban sa prinsipe ng mga dark na si Nathan.

Si Ice naman ay nakikipaglan sa isa sa mga tauhan ng Dark Kingdom sa tingin ko ay kanang kamay ito ni King Dark base na rin sa lakas nito.

Nakita ko rin ng misteryosong babae na patuloy pa rin na nakikipaglaban sa Dark King hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang katauhan ng babaeng ito dahil sa maskara na nakatakip aa kanyang mukha.

             ***Samara's Pov***

Oo tama kayo nang hinala ako nga ang babaeng nakamaskara at kalaban ko ngayon ang hari ng mga dark.

"Sino ka ba talaga?"tanong ni Dark. Yeah...dark lang dahil hindi sya karapat dapat sa katawagan na hari.

"None of your business"malamig kong sagot

"Pwes kung ayaw mong sabihin ako mismo ang aalam"nagulat ako nang may lumabas sa palad nito na parang itim na usok at mas lalo akong nagulat ng maglandas ito papunta sa mukha ko. Gamit ang usok na ito ay natanggal ang maskara na nakatabing sa mukha ko.

"Isang napakagandang dilag." sabi nito at bakas ang pagkamangha sa kanya.

" Maganda ba? Nakakalungkot lang dahil sisiguraduhin ko na mamatay ka." sabi ko

"Hahahaha...gumawa tayo ng isang kasunduan." ani nito na ikinataka ko

"At ano naman ng kasunduan na iyon?"tanong ko rito

"Hahahaha mukhang interesado ka hahahaha...ititigil ko ang kaguluhan na ito pero kapalit non ay magiging reyna kita"pahayag nito sa akin

"At bakit naman ako papayag sa gusto mo?"matapang na tanong ko dto

"Hindi ka ba naaawa sa mga kapwa mo magician? Kapag pumayag ka na ika'y aking maging reyna hindi na sila mahihirapan...wala ng mamatay sa mga kalahi mo. At bibigyan ko ng pang habang buhay na kalayaan ang Magic Kingdom"sabi nito.

Napatingin naman ako sa paligid marami sa mga dark magician ang namatay pero marami din sa mga magician ang nalagas. Ang iba ay nakikita kong sugatan at nahihirapan na sa pakikipaglaban. Hindi ko kayang tignan na lamang sila. Kailangan ko nang gumawa nang paraan. Kahit na kapalit pa non ay ang buhay ko.

Papayag na ba ako?

......

PLS.

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU!!

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now