Chapter 15: Cloud's Feelings for Her

16.4K 544 29
                                    

***Samara's Pov***

Grabe hindi ko kinaya yung confession ni Sky kahapon. Oo kahapon isang araw na ang lumipas mula nang sabihin nya yon.

(Flashback)

"Sam gusto kita and I think I am falling for you. Please catch me."sabi nya

Oh my god anong gagawin ko? Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko.

"Ahm...S-sky a-ano ka-kasi."utal na tugon ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong isagot.

"Ok lang Sam. Wala ka naman dapat sabihin. Ang sa akin lang gusto kong sabihin sayo ang nararamdaman ko. Handa akong maghintay. For now I will court you."mas nabigla ako sa huli nyang sinabi ang akala ko pa naman aamin lang sya yun pala manliligaw na rin. Magsasalita na sana ako pero bigla nyang pinutol.

"Hindi ako nagpapa-alam sayo na liligawan kita cause I will court you whether you like or not hehehe."sabi nya kaya wala na akong magawa para tutulan pa ang sinabi nya.

(Flashback Ends)

Nandto ako ngayon sa cafeteria dto ko na kasi naisipan magbreakfast dahil tinatamad na akong magluto.

Habang kumakain ako may isang tray ng pagkain ang nilapag dto sa table ko. Nag-angat ako ng tingin para tignan kung sino yun.

"Hi Sam! Pwede makisabay"sabi ni Sky. Oo si Sky ang naglapag ng pagkain at mukhang bumalik na ang pagiging cheerful nito hindi katulad kahapon na seryosong seryoso. Hindi ko na sya sinagot bagkus ay nginitian ko na lang. Dahil hanggang ngayon naiilang parin ako.

"Sam naiilang kaba?"tanong nya. Oo yan ang gusto kong isagot pero hindi ko magawa kaya umiling na lang ako.

"Kahit hindi mo sabihin alam ko na naiilang ka sa akin. Sana wag kana mailang kasi gusto ko itreat mo parin ako katulad ng dati."seryosong saad nito bago nagpatuloy sa pagkain. Napaisip naman ako sa sinabi nya, oo nga naman bakit ako maiilang umamin lang naman siya siguro kung ako ang nasa posisyon masasaktan din ako pag iniwasan ako ng taong gusto ko.

"Sorry paano ba naman kasi medyo shock pa ako sa sinabi mo kahapon pero wag kang mag-alala susubukan ko na hindi mailang pag kasama kita hehehe"sabi ko sakanya kaya medyo gumaan ang atmospera sa pagitan naming dalawa.

Marami pa kaming napag-usapan habang kumakain kami. Lumipas ang oras hindi namin namalayan oras na pala kaya medyo nahuli kani sa klase.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom namin nang nasa pinto na kami--

"Ah Sam mauna ka nang pumasok may gagawin pa pala ako. Bye!"hindi na ako nakapagsalita pa dahil tumakbo na ito papunta sa tinahak naming direksyon kanina.

Napailing na lang ako habang papasok sa room ng biglang may humila sa kamay ko. Tinignan ko kung sino ang humila sa akin--si Cloud lang pala.

"Cloud sandali bakit mo ba ako hinihila may problema ba?"litong tanong ko sa kanya. Pero hindi ito sumagot, tinignan ko kung saan direksyon kami papunta at mukhang papunta ito sa likod nang paaralan.

Ano naman kayang gagawin namin dto. Tumigil na sya sa paghila sa akin ng makarating na kami. Wait parang pamilyar ang pangyayaring ito ah. Ugh! Nevermind.

"Ah Cloud anong gagawin natin dto."tanong ko sa kanya

"Wala gusto ko lang nang kasama"tumigil ito saglit bago nagpatuloy"alam mo ba ito ang secret place ko kung gusto kong mapag-isa dto ako lagi nagpupunta."sabi nya.

"Yun naman pala bakit sinama mo ako?"sabi ko sa kanya

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng kambal ko ah!"sabi nya. Nabigla naman ako kaya agad akong sumagot.

"Hindi ah! Kanina kasi nakasabay ko syang kumain kaya nagkwentuhan muna kami."paliwanag ko sa kanya--paliwanag bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa kanya hayy.

"Bakit ka nagpapaliwanag siguro crush mo ako noh!"pang-aasar nya sa akin

"Hoy hindi noh!"sagot ko sa kanya

"Talaga lang ah! Sam pero seryoso may nagustuhan ka na ba--i mean yung nagugustuhan ganun?"tanong nya sa akin

"Bakit mo naman naitanong?"tanong ko pabalik

"Wala lang! So ano nga?"sabi nya

"Napapansin ko lang ikaw ang madalas magtanong sa akin tungkol sa mga ganyang bagay siguro ikaw ang may gusto sa akin noh!"pang-aasar ko.

"Sam wag mong ibahin ang topic so ano nga?"wala di na ako makaiwas. Ang totoo nyan ayaw ko talagang sagutin ang tanong nya dahil kahit ako hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa taong toh--tao nga o magician bahala na basta yun.

"Uyy Sam natahimik ka?"pagpuna sa akin

"Wala! At para sagutin ang tamong mo sa akin kanina wala rin,wala pa akong gusto. Oh ano ok na?"sagot ko sa kanya. May binulong pa ito pero hindi ko na narinig kaya hindi ko na lang pinansin.

"Uyy Cloud may pasok pa tayo hindi pa na tayo babalik doon? Hindi na nga tayo pumasok sa una nating klase eh."sabi ko sa kanya pero hindi ito umimik.

"Ano ba Cloud tara na nga!"sabi ko sa sakanya sabay tayo,lalakad na sana ako pero hinawakan ako nito. Medyo kinakabahan na rin ako katulad din ito nang naramdaman ko kahapon. "Uy ano ba? Alam mo kung ayaw mong pumasok wag mo akong idamay dahil ako gusto ko pang pumasok."sabi ko sabay lakaf

"Sandali may gusto lang akong sabihin sayo"sabi niya kaya naman napatigil ako sa paglalakad.

"Ano ba kasi yon? Sabihin mo na kaya noh?"iritang tugon kon ko. Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.

"Sam I like you!"sabi nya kaya natuod ako sa kinatatayuan ko. WTH! Ano bang nangyayari kahapon si Sky ngayon naman si Cloud.

"C-cloud"ano ba toh?

"Don't worry! You don't have to say anything. I just want you to know that I like you and I will also court you."sabi nya. Kaya di na ako nakapag-react.

"Tara na!"yaya nya sa akin at nauna nang lumakad.

Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya pabalik sa room.

Ano ba naman toh! Bakit magkasunod pa hindi pa ako nakakarecover dahil kahapon tapos ngayon ito na naman.

***

PLS.

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU!!

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now