Chapter 22: (Ice Cream)

131 8 0
                                    

Zian

“Uy bakeks! Kanina ka pa tahimik jan? wag mo kong masyadong isipin, baka mabuang ka lalo”


“Oo nga bhessy, parang sabog ka na ewan, anyare ba?” dagdag pa ni Cath na napansin na din yata yung pagiging tahimik ni Zannea.


Kanina pa sya ganyan.


Mukang malalim yung iniisip.



Parang iniisip nya na yata kung pano nya ko papaslangin,



Tanginis Zian, masyado ka kasing gwapo kaya dapat hindi na pinaparami,



Dapat sayo nilalagay sa Exhibit.

O kaya sa museum.



Tinitigan lang kami ni Zannea pagtapos namin syang punahin ni Cath.



Mukang may problema nga,


Tss, si Santos na naman siguro ang dahilan,


Konti na lang at makakapatay na ko ng ipis.


“Baka hindi na muna ako pumasok sa next subject, pakisabi na lang masakit yung tyan ko.”


“Ngek, gusto mo bang ihatid kita bakeks? Ang putla mo kasi, baka himatayin ka pang bigla sa daan at mawalan pa ko ng mapapangasawa pag nagkataon”



“Tikas mo din brad noh?! Haha!” kantyaw ni Harvey na kanina pang nang-aasar,



“Pag ikaw nasuntok ni Bakeks yari ka! Kanina ka pa, halika na nga Zannea, iuuwi na muna kita”

“Wag na, kaya ko namang mag-isa, wag mo na kong ihatid, don’t worry, baka sisihin mo pa kong singko ang magiging grade mo kay Mam Salvador pag nalate ka sa klase nya, jan ka na lang, gusto ko ding mapag-isa eh. Sige guys, mamaya na lang tayo magkita sa Gig. Bye” akma na sanang aalis sya, pero mabilis kong nahawakan yung kamay nya.

Hindi padin nagbabago yung pakiramdam nung una kong nahawakan yung kamay nya.

Parang may maliliit na kuryenteng dumadaloy sa mga kamay naming dalawa papunta sa kalamnan ko.

“Ok lang, hindi naman ako ibabagsak nun eh, crush ako nun bakeks, hindi mo ba alam? Kaya tara na, wag ka ng pabebe jan, ihahatid na kita”


“Aish! Ang kulit mo, sige bahala ka”

“Tignan mo to, ako yung maghahatid sayo pero nauuna ka pa sakin”


“Dalian mo na kasi jan kung gusto mo kong ihatid. Tsk”


“SORRY AH! Sige guys hatid ko muna si Misis, haha, pag hinanap ako ni mam, pakisabing tinanan ko na si Bakekang haha, sige bye!”



“Dalian mo na oy, gusto ko ng umiwe!”


Langya ang bilis lumakad netong babaeng to kala mo kabayo!



Lumipas ang limang minuto pero hindi padin sya nagsasalita,


Tahimik naman talaga sya, pero hindi ko pa nakikita yung pinaka grabeng level ng pagsusungit ni bakekang, nakakatakot eh.


“Alam mo bang nakakabaho ng hininga ang hindi pagsasalita ng matagal?”



“So?”

“Eh lagi ka na lang ganyan, laging tahimik, pero mas tahimik nga lang ngayon”



“So sinasabi mong mabaho ang hininga ko ganun ba?”



“Hindi naman, ang point ko lang eh, kausapin mo naman ako kahit konti, mahaba pa yung lalakarin natin oh, baka gusto mong magkwento man lang”



“Pinilit ba kitang sumama sakin? Pinilit ba kitang ihatid ako samin? -__-“

“Hindi”


“ayun naman pala eh, so wag mo kong piliting magsalita”



“Alam mo, napansin ko lang, iba iba pala yang level ng kasungitan mo noh bakeks?”



“Baliw”




“nasa mataas na level ka ngayon ng kasungitan mo bakeks”


“Lagi naman akong ganito, hindi ka pa ba nasasanay? Hindi ka ba nagsasawang kulitin ako kahit laging ang tipid lang ng sagot ko sayo?”



“bakit naman ako magsasawa? At isa pa, kung ayaw ko sa ugali mo o kasungitan mo, edi sana hindi na kita nilapitan at kinulit nung una pa lang diba?”



“Eh bat mo nga ba kasi ginagawa to?”


“Eh kasi gusto ko”

“Pano kung ayaw ko sa ginagawa mo?”


“Alam mo kung ayaw mo sa ginagawa ko, edi sana hindi ka pumapayag sa mga sinasabi at pang-aalok ko sayo”


“Pano kung simula ngayon, tanggihan ko na lahat ng inaalok mo?”


“Gusto mo na ba akong mawala?”


“Oo”

“Aray ah! Magkunwari ka naman na ayaw mo kahit konti, ansakit bakeks, mas masakit pa yata to sa pangseseen mo sakin nung nakaraang araw”


“Hahahaha, timang”


“Oh kita mo na, gusto mo ng itigil ko tong pangungulit ko sayo, pero tumatawa ka padin naman sa mga ginagawa ko, alam mo bakeks, pwede mo naman akong sabihan ng lahat ng sama ng loob mo eh, wag mo lang ilabas sakin dahil paniguradong bugbog sarado ako”

“alam mo, matagal ko na ding gustong ibuhos sayo lahat ng galit ko, pero wag na tinatamad ako, at naawa ako sa mukha mo, ang panget mo na nga sisirain ko pa yung natitirang maayos sa muka mo”


“At least inamin mong kahit pano, gwapo ako!”


“Libre lang namang mangarap kaya hahayaan na lang kita”


“Ikain na lang natin ng Ice Cream yang badtrip mo, dali, libre ko”



“Wag na, naghihirap ka na eh, tas lilibre mo pa ko”


“Ang yabang mo, wag kang mag-alala, lilista ko na lang lahat ng utang mo sa tubig bakeks, dali na, wag ka ng magmaganda, dahil maganda ka na! hahaha”

“Tss, oo na, kulangot ka talaga, kahit anong pilit na tanggal sayo, didikit at didikit ka padin talaga”


“Psh. Wala yon, sayo lang naman ako didikit ng didikit kahit anong mangyari”



“Manlibre ka na lang dami pang satsat eh”



Pumasok kami sa isang Ice cream parlor na malapit lang sa kanto ng bahay nila,


As usual, ano pa bang flavor ang pipiliin namin?


Walang kamatayang Dark Chocolate padin, tingin ko isa din to sa mga pinagkakasunduan namin ni Zannea eh,


“Humanap ka na ng lamesa, ako na lang oorder, nakakahiya sayo senyorita”


“Ice yan, gwapo ka diba? Pag gwapo daw kasi sila ang laging naorder”


“Binola mo pa ko, lilibre padin naman kita kahit hindi mo gawin yan”

“Joke lang, naniwala ka naman agad, ge dun lang ako ah, mamaya maligaw ka pa sa ibang lamesa”


“Psh, dun ka na, alis shupi!”


Pero hindi pa man din ako nakakalapit sa Counter, nahagip ng mga mata ko si Santos, kasama yung cheerleader sa school namin.


Nakita kaya sila ni Bakekang?


Tsk. Masama to.

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon