Chapter 36: (Walang title)

299 8 2
                                    

Twitter: @LazyNazyyy
Instagram: @binibiningadalid

Enjoy reading! (Vote and Comment!) Hihi thankies


------------

Zannea

Tatlong araw na nung huli akong kinausap ni Zian,Hanggang ngayon hindi nya padin ako kinikibo, pero sabay padin kaming pumasok hanggang ngayon at sabay ding umuwi, pero ni isa samin hindi kumikibo. Parang may isang malaking sign ng warning sa mukha ni kulangot na nagsasabing "Pag kinausap mo ko mamamatay ka" kaya hindi ko na lang ginawang kausapin sya, baka may toyo padin hanggang ngayon. Hindi ko na din alam kung bat nagkakaganyan sya, sa iba naman mukhang ok naman sya, pero pagdating samin ni Chaze, ang lamig ng pakikitungo nya.

"Wuy! Matunaw sa Athan ha, kanina mo pa tinititigan, mag-usap na kasi kayo. Hanggang ngayon ba naman may LQ padin kayo?" Siko sakin ni Andrea nung napansing nyang nakatulala na pala ako kay Zian. Sya lang kasi pinagsabihan ko about aa nangyari.Once na sinabi ko kay nila Jhana ang tungkol dito aasarin lang nila ako.

"Hindi naman kasi ako yung may kasalanan, at isa pa hindi ko nga alam kung bat nagkakaganyan yang kulangot na yan eh" Sagot ko sa kanya.

"Bat kasi hindi mo tanungin? Pano mo malalaman kung hindi mo aalamin?" Ayoko nga! Baka mamaya.....

"Ayoko. Hayaan mo na sya. Lilipas din yang sapak nyan." Yan na lang ang tanging naisagot ko kay Andrea, totoo naman eh, hindi ko naman talaga alam kung bakit nagkakaganyan sya,natatakot akong magtanong kasi mamaya nag-aassume lang pala ako. Ayokong alamin kasi baka masaktan lang ako sa sagot.

Natapos ang klase namin ng hindi padin nya ko kinikibo ni tinitignan. Papakiramdaman ko na lang kung isasabay nya kong umuwi. Pero parang ipagpipilitan ko naman yung sarili ko sa kanya eh halata namang ayaw nya akong makasama, ni' makausap.

"Zian, mauna ka na lang umuwi, kay nila Cath at Jhana na lang ako sasabay, may dadaanan pa kasi kami eh." Buong lakas ng loob kong sinabi sa kanya yan, kaya mahiya sya. Tsk

"Sila Cath ba talaga ang kasama mo o si Chaze na naman?" Malamig na sagot nya. W-wait! Nagseselos ba sya?

"Ano bang problema mo? Ilang araw ka ng ganyan. Nagseselos ka ba kaya ilang araw mo na akong hindi kinikibo?" Wala ng bawian to! Bahala na! Nabibwisit na ko kakahula sa dahilan nya.

"Ganyan ka ba talaga kamanhid, Zannea? Hindi ka ba talaga makaramdam?" Iritadong tanong nya sakin.

"Wala naman kaming ginagawang masama ni Chaze ha? Nakikita mo bang nag-uusap kami?"

"Eh ano lala yung nakaraang  araw? Sabay pa kayong pumunta sa 19 east. Hindi ka ba talaga nag-iisip? Alam mo kung gano kasakit yung ginawa sayo ni Chaze pero nagagawa mo padin syang kausapin at samahan? Wow Zannea! Pagtapos ng lahat ng ginawa nya sayo, nakipag bonding ka pa sa kanya maghapon? Kaya pala hindi kana nagpahintay sakin kasi sya pala yung kasama mo, sya na pala yung maghahatid sayo."

"Hindi sya ang kasama ko maghapon! Yung kapatid nya, si Elize ang kasama ko maghapon, nagkataon lang na pupunta din pala sya sa bahay nila Elize para sunduin ito at dalhin sa 19 east, ganyan na ba yung tingin mo sakin? Ha Zian? Nagalit ka agad! Hindi ka man lang nagtanong sakin, hindi mo man lang pinakinggan yung buong pangyayari? Inuna mo yang kitid ng utak mo." Bulyaw ko sa kanya. Ang sakit kasi, all this time yan pala yung iniisip nya sakin? Wow!

"Natatakot akong magtanong kasi mamaya sabihin mo saking anong karapatan kong magtanong? Anong karapatan kong alamin ang ginagawa mo sa maghapon? Anong karapatan kong magselos?"

"Bat hindi ka nagtanong para nalaman mo kung anong isasagot ko! Lagi mo na lang akong pinangungunahan."

"Bakit Zannea? Kung magtatanong ba ko bibigyan mo ko ng matinong sagot?"

"Bat di mo subukan?"

"Wag na. Uuwi na lang ako, sumabay ka na lang kay nila Cath, tutal ayaw mo naman na akong makasabay." Sabay talikod nya sakin paalis.

Tinanggal ko yung sapatos ko at binato ko sa kanya.

"Aray! Ako na nga tong nasasaktan ako pa tong babatuhin mo ng Sapatos sa ulo" reklamo nya habang hinihimas yung ulo nya sa bandang natamaan ng sapatos ko.

"Pano ka magkakaroon ng karapatang magselos kung hindi mo naman ako nililigawan? Tungaw! Oo Zian! Simula nung inoffer mo sakin yung balikat mo para iyakan ko ng problema ko, gusto na kita, kaso natatakot ako, na baka katulad ka lang ni Chaze na iiwan din ako pag na-realize mong nakakabwisit na ko kaya hanggat maaari, hindi ko pinaparamdam sayo na may feelings na din ako, na kinikilig ako sa mga kagaguhan mo, oo Zian! Alam kong iniisip mong napakamanhid ko kasi tingin mo hindi ko maramdaman lahat ng ginagawa mo para sa akin, nagkakamali ka, kasi ultimo maliit na bagay naaappreciate ko basta galing sayo, basta ikaw ang gumawa kasi gusto na kita! Pero ikaw tong laging dinadaan lang sa biro lahat ng bagay kaya natatakot ako na baka sahig ang sumalo sakin sa oras na mahulog na ko ng tuluyan sayo.Nakakainis kang kulangot ka!!!" Hindi ko na napigilan yung bibig ko, alam kong biglang bigla sya sa sinabi ko. Bakas sa mukha nyang hindi nya inaasahan ang sasabihin ko.

Pinulot nya yung sapatos kong lumipad sa ulo nya at lumapit sya sakin.

Huli ko na lang nalaman na nakalapat na pala yung labi nyya sa mga labi ko.

He kissed me, he freakin' kissed me sa harap ng school namin. Pero wala na kong pakealam kung sino man ang makakita,dahil ang tanging gusto ko lang ay huminto ang oras para hindi na matapos ito.

Unti-unti syang humiwalay sakin nung napansin nyang ang dami na palang nakatingin saming estudyante, at hindi lang pala schoolmates namin ang nandoon, andun din ang buong barkada, si Andrea at si.....Chaze na halatang mga nabigla sa nakita nila.

"S-sorry, Zannea, natuwa lang ako ng sobra sa sinabi mo kaya hindi ko na napigilan" kinakabahang sabi ni Zian dahil baka sampalin ko sya dahil aa ginawa nya.

"Ok lang, pero nakakahiya!!!! Ang daming nakakita!"

"Wala akong pake sa kanila! Gusto ko pa ngang malaman nila kung gano kita kamahal, kung gano ko gustong gawin to sayo dahil mahal na mahal kita. Pangako, Zannea, hindi ako katulad nya, katulad ng iba, kasi ako lang si Zian, Ang Kulangot ni Bakekang" nakangiting sabi nya sakin habang hinawakan ang mga kamay ko.

"Leche! Ang Corny mo! Manligaw ka muna! Nanghalik ka agad! Galawang breezy ka brad, tsk"

"Gusto mo din nam....aray! Sabi ko nga eh." Daing nya nung bigla ko syang kinurot sa tagiliran. Puro kalokohan talaga!!!

"Oo na Kulangot! Gusto ko din, pero mas gusto kita. I love you, Kulangot"

"I love you more, Bakekang" pinagdikit nya yung mga noo namin habang sinasabi nya ang mga katagang yan.

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon