Chapter 30: (That thing called Paasa)

155 8 2
                                    

Nicole


"Hahahahahahaha baliw ka talaga andeng"





Rinding-rindi na ko sa kaingayan ni Kulangot.




Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng School namin dahil may 2 hours na Break time kami. Puro bunganga nya at halakhak nya naririnig ko kanina pa, actually ilang araw na silang ganyan nung Andrea na yan. Nag-avail kasi si Andrea ng 6 month vocational course sa school namin dahil gusto nya din daw matutong magbake, kaya kasa-kasama namin sya ng madalas dahil iisa lang yung building na pinagkaklasihan namin dahil HRM students nga kami.



Oo, tama si Jhana at Cath, nagseselos ako kasi napapansin kong mas madalas nyang kasama yang Andrea na yan kesa sakin. Naiinis ako dahil parang lahat ng pinangako nyang aalagaan nya ko habang nagmomove on ako kay Chaze eh parang nakalimutan na nya. Dumating lang yang Childhood friend nya nakalimutan nya na kami, Ako.


Gustuhin ko mang mainis kay Andrea, hindi ko magawa kasi mabait naman sya, at palatawa, sa totoo nga nyan naka close nya na agad sila Patrick, Jed, at Harvey. Sila Jhana at Cath naman hindi sya masyadong kinakausap kesyo shipper daw sila ng loveteam namin ni Kulangot. Kadiri kaya wala naman kaming loveteam ng ungas na yun.



"Alam mo Cath, kung nakakamatay lang ang tingin, Siguro kanina pa nililibing sila Andrea at Zian. HAHAHAHAHA. Talim tumitig ni Nicole e." Sulsol ni Jhana na kanina pang sumisipat sa kilos ko. "tigilan mo ko Jhana! Malapit na kong maasar sayo."



"Nagsasabi lang ako ng totoo noh! Tignan mo nga yang nguso mo, nagkakandahaba na sa pagsimangot mo, tas ngayon mo sabihing di ka nagseselos. Wag nga kami Nicole, kilalang-kilala kana namin. Hindi ka naman mamamatay pag inamin mong nagseselos ka sa kanila eh."



"Psst tama na yan Jhana, alam mo naman yang si Nicole, hindi Vocal sa feelings nya, mas gusto nyang tinitiis lahat ng nararamdaman nya wag lang syang mabuking na mahina sya. Defense mechanism ba." Saway ni Cath kay Jhana na parang nang-aasar din naman at hindi talaga ako pinagtanggol -_-

"Aalis na lang muna ako, pupunta na lang muna ako sa Resto, baka may kailangan pa kong gawin dun, dagdag oras din yun sa OJT." Paalam ko sa kanila, Hindi ko na talaga kayang pakinggan yung mga pambibintang nila, masakit sakin kasi alam kong totoo yung mga sinasabi nila. Pero mas masakit Makita na parang hangin na lang ako kay Zian. Ang corny mang pakinggan pero namimiss ko na yung mga waley nyang jokes, yung mga nakakaasar nyang banat pag nakikita nya ko, yung mga kalokohan at kababuyan nya pag magkasama kaming dalawa. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano yung nararamdaman ko kasi baka mamaya mawala sya at maiwan na naman ako ng mag-isa.

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon