Chapter 3: ( Mission )

541 25 5
                                    

Zian

Grabe, ibang klase yung babaeng yun.

Hindi yata tinablan ng karisma at kagwapuhan ko.

Pero aaminin ko, ang cute nyang asarin, hahahaha…

Kahit yata banatan ko ng isang daang Pick-up lines yun araw-araw, eh may pang bawi pa din eh.

Buti pa yung mga kaibigan nyang babae, napanganga, samantalang sya, wala, galit padin.

Di yata tinatablan ng kilig ang isang yun.

At mapanakit talaga sya, di lang pala ako ang nasampolan nya kagabi, pati pala yung mga barkada nyang Kalahi ko, Under din sa kanya, ibang klase.

Simula nung nangyari sa First Class namin na parang hindi naman matatawag na klase dahil wala namang nangyari, hindi nya na ko pinansin, ewan ko kung anong problema nun.

Kung tutuusin may utang pa sakin yun,

Niligtas ko kaya yung buhay nya, ano sya Chicks?

Sabagay, Chicks naman talaga, walang duda.

Pasalamat sya sa kapatid ko kung hindi naku!

Nasa Gate palang ako pero yung bibig ng kapatid ko rinig ko na hanggang kanto.

“Kuyaaaaaaaaaaaaaaa!!!!”

“Ano ba Faye, ang ingay mo, >.<”

“Nakita mo na ba sya? Nakita mo na ba yung ate ni Gelo??? ^___^”

“Kalma sis, ano ba, kakauwi ko lang oh, pagod pa ko, bigyan mo ng malamig na juice at masarap na cake ang kuya mong gwapo, dali!”

“Psh -_- kung wala lang akong kailangan sayo kuya di kita bibigyan nyan, napaka tamad mo *Pout*”

“Ang cute ng kapatid ko, Pakurot nga”

“Ay kuya, tigilan mo yan susumbong kita kay mommy”

“psh, oo na, Ano bang gusto mong malaman?”

“Nagkita na ba kayo ng ate ni Gelo? Si ate ganda? Mabait ba sya? Close na b- - - - - “

“HepHepHep, Isa-isa please, ang daldal mo -_- sunod sunod yung tanong mo eh.”

“Oh sige go sagutin mo na lang yung mga unang tanong ko kuya”

“Nagkita na kami, dahil obviously classmates kami, pangalawa, mabait? Hmm?.. marahas sya, bully, hay naku, mapangbara, Close ba kami??, for me oo, pero wag mo na syang tanungin mababawasan pogi points ko jan kapatid!”

“Bat parang puro negative yata kuya? Sinisiraan mo ba sya para di maging kami ni Gelo? Para iwasan ko na si Gelo?”

Ayan na naman po sya sa kadramahan nya, dadaanin nya na naman ako sa pag-papaawa nya.

“Totoo naman yun, wag ka ngang mag-inarte jan, oo na, maganda talaga sya gaya ng sabi mo, kaya lang may attitude problem sya, ewan ko dun, baka may pinagdadaanan kaya ganun yun.”

“Sabagay si Gelo nga masungit eh, Pero nung gabing napanood ko sila kuya, parang hindi naman, ang sweet nya nga kay Gelo eh, kala ko nung una GF nya, pero nung pinakilala sya ni ate ganda, ay bongga, hahaha, I like her na supeeerrrrr ^___^”

“Nagpabulag ka naman sa nakita mo? Porke maganda mabait na? at hindi maldita, yung isang yun kala mo lalaki kung umasta,”

“Pero kuya, believe me, mabait si ate ganda, promise ^___^”

“Nagpapalakas ka lang sa Ate nung Crush mong, ano ba pangalan nun? Jelly? Yero? Relo? Ano?”

“Gelo kuya >.< as In Anghelo, ang slow mo talaga kahit kalian kaya wala kang GF eh :P”

“Aba naman talaga! Halika dito, yari ka sakin pag nahuli kita”

“Tigilan nyo na yan, kakain na…”

Ang ganda talaga ng nanay ko, hahaha di ko nga alam kung san nagmana tong si Faye eh, haha, joke lang, maganda yang kapatid ko, bulag lang yung Yelo na, yun kaya di Makita,

“Opo ma, anjan na”

“kuya!”

“ano na naman ba Faye?”

“Gusto kong maging ate si Ate Ganda ^___^”

“Edi tawagin mong ate, Problema ba yun?”

“Bat ang Slow mo kuya???? Kahit kalian, ang slow slow mo”

“Uy nakakasakit kana ah, Gwapo lang talaga ako”

“Makinig ka kasi,  Ate as in, Gusto kong maging GF mo sya,”

“Grabe naman Faye Lizchelle sobra na yata yang pinapagawa mo sakin”

“Kuyaaaaaaa! Please, Super Fan ako ni Ate”

“Ano naman ang mapapala ko kung magagawa ko yun?”

“Bibilin ko lahat ng Albums ng the Script, as in lahat, pati mga collectible items na meron sila bibilin ko yun, promise,”

“At san ka kukuha ng pera aber?”

“Ako ng bahala dun, basta gawin mo na lang yung gusto ko, tutal wala ka namang GF so why not! Susupport kita jan, hahaha ^__^, ano kuya?”

“Ayoko nga >.<”

“Ano Choosy ka pa? Di mo yata kaya eh, mahina ka pala eh”

“Oo na, Oo na magtigil ka lang”

“Yehey!! The best ka talagang kuya ^___^”

“Oo na Faye, ambaho alis na, :P”

“Asar to -_-“

Ayun napasubo na naman ako sa kapatid ko, Pano na yan? Eh kahit nga Magoffer ako ng Friendship dun di ako papansinin nun eh >.< anu bayan!!!!!

Di ka marunong sumuko diba Zian??? Ikaw si Zian the Great kaya, kayang kaya mong Paamuin ang leon na si bakekang, wahahahahaha ^_____^

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon