Chapter 15: ( Akin ka na lang )

275 17 12
                                    

Add nyo yung mga characters na may fb accounts na para makachika at makakulitan nyo sila :)

Nasa Profile ko po yung mga accounts :)

Salamat sa lahat ng nagsusupport sa story ko, kahit puro kalokohan ang laman nito :)

Enjoy Reading ^______^

____________________________

Zian

Hindi ko alam yung naramdaman ko pagtapos naming mag-usap ni Zannea kanina,

Ang gaan sa pakiramdam na nasabi ko na sa kanya yung gusto kong sabihin sa kanya,

Yung Deal namin ni Faye,

Wala na, ewan ko kung anong nangyayari sakin,

Hindi ako to eh,

Hindi mahilig magseryoso sa mga bagay-bagay,

Dahil sa totoo lang,

Hindi pa naman ako nainlove,

Crush siguro pwede pa,

Pero wala talaga eh,

Sa sobrang dami ko na sigurong iniisip,

Hindi ko na nakuhang pagtuunan ng pansin yung mga ganung bagay,

Pero simula nung nakilala ko si bakeks,

Parang may nagtutulak saking alagaan sya,

Yung wag syang saktan

At pasiyahin lang sya,

Gumagaan kasi yung pakiramdam ko sa tuwing nakikita kong nakangiti sya,

Pero kanina, ibang iba,

Dun ko lang sya nakitang umiiyak ng sobra,

Alam ko naman na sobrang nasasaktan na sya eh,

Ayaw nya lang aminin,

Hindi daw talaga maopen si Bakeks sa mga nararamdaman nya,

Kaya minsan iniintindi na lang nila pag gusto nyang mapag-isa,

Pero ayoko ng ganun,

Kukulitin ko sya hanggat sa sabihin nya sakin yung bumabagabag sa kanya,

At nanalo naman ako,

Hindi ko nga lang inaasahan na mag-oopen na agad sya sakin pagtapos nyang umiiyak,

Seryoso naman ako sa sinabi ko sa kanyang gusto kong alagaan sya eh,

Hindi ko mapaliwanag pero parang gusto ko syang tulungang makalimot sa nakaraan nila ni Santos,

Sa ngayon, hindi na importante yung the scipt na prize ko galing kay faye sa deal namin,

Dahil ang alam ko lang sa ngayon, mas importante pa sya sa kahit anong bagay.

_____________________________

Nicole

Hanggang ngayon lutang padin ako sa kadramahan namin ni kulangot kagabi,

Paniguradong aasarin ako nun mamaya sa school,

Bahala sya,

Mananahimik na muna ako dahil sa totoo lang naiilang padin ako,

From: Harvey

Nicole, kasama pala natin si Chaze na magjajudge sa mga mag-o-audition mamaya, nag text kasi sakin si kuya Chandler kanina, sinabi nya sakin na pinilit daw ni Chaze na magjudge, para naman alam nya kung sinong papalit sa kanya.

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon