Chapter 4: ( Face Off )

483 23 7
                                    

Nicole

Lumabas na lang ako ng Room dahil di ko na kakayanin yung pang-aasar sakin nung kulangot na yun, Wala ako sa mood para makipag-biruan.

Idagdag pa yung nakakaasar na pagmumuka ng EX ko at nung sugpo nyang Fiancee.

Di ba nila alam na nakakadagdag sila sa polusyon????? -______________-

Pero bago pa man din ako makalayo sa Room, Ramdam kong may mga matang nakasunod sakin.

Matang nagmamatyag kung anong ginagawa ko, o mga kinikilos ko.

Ano pa bang kailangan nya?

Nalingat lang saglit yung fiancée nya, tas lalandi ulit sya sakin???

“Nicole”

Yung boses nya, the way nyang banggitin yung pangalan ko, parang tumutusok sa kalamnan ko. Hindi ko alam pero aaminin kong mahal ko padin sya, di naman ganun kadaling kalimutan ang dalawang taon.

Kaya nga lang yung pagmamahal na yun, nababalutan na ng poot at muhi dahil sa ginawa nyang panloloko sakin.

Hinarap ko sya na para bang nakakita ako ng isang Estranghero.

“Bakit?”

“Ahhh… sasabihin ko lang sana na, na… aalis na ko sa banda, para kahit pano, mabawasan yung galit at sakit na mararamdaman mo sa twing makikita mo ko.”

“ah, yun ba? Ok lang, nasabi na din nila Harvey kanina, tsaka bat naman ako masasaktan? Tuwang tuwa nga akong nakikita ka araw-araw eh.

Bakit? Dahil nagiguilty ka sa ginawa mo kaya aalis ka? Sigurado ka bang kapakanan ko yung iniisip mo o yung sarili mong kapakanan?”

“I’m sorry Nicole, gusto ko lang mabawasan kahit konti yung sakit sayo, kahit hindi mo sabihin sakin, alam ko at ramdam kong nasasaktan ka. Kaya ako na lang ang aalis kaysa ikaw.”

“at sino namang poncio pilato ang nagsabing aalis ako ng dahil sa nangyari? Ano ako hilo? Mas mahal ko yung pagkanta kesa sayo, Wag kang mangarap jan. Kagabi lang ako nasaktan, pero ngayon manhid na ko dahil sa ginawa mo, kaya wala ka ng dapat isipin, ang isipin mo na lang, eh kung pano mo ibababa ang presyo ng gasolina sa Mercado. Pwede ba, tigil tigilan mo ang pangangarap ng gising na may epekto ka pa sakin, dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, para ka nalang hangin sakin, POLLUTED nga lang”

“Hindi na yata ikaw yung Nicole na nakilala at minahal ko”

“Bakit? Sa tingin mo ikaw pa din ba yung Chaze na minahal at nakilala ko dati? Pwes tanong mo yan sa sarili mo wag sakin, Dahil sa dalawang taong pagpapakatanga ko, ngayon ko lang nalaman na walang kwenta pala yung taong pinag-gugulan ko ng oras, pagmamahal at panahon, eh kung nag-alaga na lang ako ng Piranha sa Aquarium eh may pag-asa pang lumaki yun at dumami, sayang bat nga ba di ko naisip yun nung una pa lang, para di na nasayang yung oras ko sayo, edi sana nanganak na yun at nabigyan pa kita ng isa bilang wedding gift sayo”

Sabay talikod sa kanya, alam ko namang di na sasagot yun dahil ngayon pa lang nag-aapoy na sa galit yun, dahil di nya akalaing makakasagot ako sa kanya ng ganon, pwes nagkakamali sya, sya naman ang nagturo sakin para gawin yun eh, at para kamuhian sya.

Nagpunta na lang ako sa tagong garden ng school namin, malaki tong school kaya may mga lugar na ganito, siguro sa sobrang dami na ng building at laki na ng school, ginawa na lang tong garden.

Gusto ko syang sigawan kanina,

Gusto ko syang suntukin at umiyak sa harap nya,

Pero ayoko, ayokong ipakitang mahina ako sa kanya,

You Are My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon