CHAPTER 3

210 11 0
                                    

ADI's POV

Pagkagising ko ay pakiramdam ko ay pagod na pagod pa din ako dahil sa nangyari kagabi sa akin. Hindi ko na alam kung ano yung nangyari dun sa mga lalaki kagabi dahil hindi naman sinabi sa akin ni Ace.

Nilingon ko yung orasan at alas nuebe na pala medyo matagal din yung tulog ko, eto lang siguro yung pinakamahaba kong tulog simula nung dito ako tumira, kadalasan kasi ay hindi ako makatulog ng maaga at maaga din akong nagigising dahil pinagluluto ko nang breakfast si Ace minsan naman ay kusa akong nagigising ng maaga.

Bumangon ako pero nahirapan ako dahil masakit yung buong katawan ko, tumayo ako pero nakakapit pa din ako sa headboard nung kama dahil pakiramdam ko ay matutumba ako dahil medyo nanlalambot pa yung katawan ko, inabot ko yung robe ko atsaka ko yun sinuot. Pagka-upo ko sa kama ay sakto namang bumukas yung pinto.

"A-Ace" 

Pumasok sya na may dala dalang tray, ibinaba nya yung sa side table atsaka ako tinignan, ayun na naman yung mga tingin nya na mas malamig pa sa yelo, humarap sya sa akin "Bakit ka umalis sa Bar?" hindi ako nakasagot sa kanya, gusto kong sabihin sa kanya na nasaktan ako dahil sa nakita ko pero natatakot ako na sabihin nyang wala akong karapatan "Alam mo nang delikado umalis ka pa!" napapikit ako nung sumigaw sya.

He cleared his throat "Ganyan ka ba talaga kalandi! Nagsuot suot ka nang ganun para ibalandra yang katawan mo sa mga tao! Hindi mo naman pala kaya yung sarili mo!" hindi ko inaasahan na yun yung sasabihin nya. Ang kapal nyang tawagin akong malandi.

"H-hindi ko naman ginusto y-yun" nakayuko lang ako dahil hindi ko sya kayang tignan dahil baka maiyak lang ako.

"Hindi mo ginusto?!" medyo natawa pa sya "Ang sabihin mo gusto mo lang lumandi" hindi ko napigilan yung sarile ko, tumayo ako atsaka ko sya sinampal at halatang hindi nya inaasahan yun kaya medyo nagulat pa sya.

"Kung ginusto ko ngang magpalandi eh hindi na kita tatawagan para humingi ng tulong!" ngayon ko lang sya nasigawan, galit ako sa kanya, galit na galit, ang kapal ng muka nyang sabihan ako ng malandi, ang kapal kapal, gusto ko na namang umiyak pero pinigilan ko yung sarili ko, sino ba naman kasing babae ang gustong masabihan ng ganun diba  "Kapag ba ikaw nakikipaglandian pwede din kitang sabihan ng 'Ang landi mo?!'"

"Ngayon susumbatan mo ako?!" 

"Hindi kita sinusumbatan sinasabi ko lang yung totoo! Bakit hindi ba totoo yun? Ano bang tawag sa ginagawa mo?! Pakikipag-landian?! Nakikipag-tal!k sa kung sinong babae dyan?! Kung lumalandi ako edi sana nagpa-rape na ako sa kanila di ba?!" 

"Kung hindi ako dumating dun paniguradong isa kanang maduming babae ngayon dahil jan sa kalandian mong yan!"

"ACER!" sabay kaming napatingin sa pinto, nandon yung Mommy at Daddy nya pati yung ibang kasambahay ay nakasilip din dun sa pinto. Gusto kong mawala na lang bigla dito sa kinatatayuan dahil sobrang hiyang iya ako ngayon sa kanila.

Agad na pumasok yung Mom at Dad nya naiwan sila Manang at yung iba pa sa labas, isinara nung Daddy nya yung pinto.

"Ano bang problema mo Acer? Malandi? walang may gusto nung nangyari, hindi ginusto ni Adi kung ano man yung nangyari sa kanya" depensa sa akin ng Mommy nya.

"Mom hindi nyo alam kung ano yung nangyari"

"Sabihin nyo sa amin kung anong nangyari? Bakit ka umalis Adi?" Inis na tanong sa amin ng Daddy ni Ace.

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon