Chapter 8: THE ONE Soul Searching

461 4 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakakalipas, hindi pa rin matanggap ni Vanessa na isa syang biktima ng Love Scam, kaya ibinaling na lang muli ang sarili sa trabaho.

"Mam Vanessa, ma-mimiss ka namin!"

"Pasalubong ha! Haha Joke lang!"

"Madam, baka naman may ma-meet ka dun na guys, kaya enjoy!"

Nagyakapan ang magkakaibigan. Mawawala si Vanessa ng mahigit isang linggo sa opisina. Ang ibang araw ay para sa business trip, at para na rin for her personal vacation.

"Anu ba kayo, ilang araw lang ako mawawala! I will miss you guys!" Niyakap ni Vanessa ang mga kaibigan sina Ira, Cheska at James.

Matagal tagal na rin hindi nakakapag-travel si Vanessa. She will be visiting her best friend Annie, and will be attending 3 days training in Singapore. At para makapag-unwind na rin.

"I guess this is the best time for soul searching!"


Pagkarating ni Vanessa sa Singapore, sinalubong siya ng kaibigan nyang si Annie.

"Kamusta ka na bes? Buti naman nakapasyal ka ulit dito sa Singapore!" Sabay yakap ni Annie kay Vanessa na kararating lang sa airport.

"Wow! Super ganda na talaga ng Changi Airport noh? Pwede ba daanan muna natin yung sikat na Jewel fountain?"

Nag-ikot muna ang magkaibigan sa Changi Airport. This airport has been consecutively named as the best airport in the world. Mayroon itong apat na terminals at ang pinakabago ay ang Jewel Changi Airport. Here, there is the famous 131 feet indoor waterfall or they called it as Rain Vortex, that has been considered as the world's tallest indoor waterfall. Matatagpuan din dito ang five-story-tall garden o ang tinatawag na Forest Valley.

Walang katapusan ang kwentuhan ng magkaibigan habang nag-iikot, at sumaglit sila kumain sa Kopitiam sa Terminal 3. Na-miss ni Vanessa ang Singapore food especially ang poborito niyang Bak Kut Teh or Pork ribs soup.

"Natatawa ako sa'yo Vanessa sa mga Dating adventures mo! By the way, may gusto pala kaming ireto sayo ng boyfriend ko."

"Naku pass muna ako bes. Andito ko for training at soul searching! Nadala na nga ako sa mga pinanggagawa ko eh!"

"Anu ka ba, it's part of life noh! Just collect and select! Haha!"

"Saka na siguro, nagdelete na nga ako ng Dating Apps at di ba recently lang ako nabiktima ng Love Scam!"

"Don't worry, we know this guy. His name is Frank. He is half french, half filipino. Marunon siyang mag-Tagalog. He is handsome, tall, smart, mabait at successful sa career. Basta I am sure tipo mo yun! And I remember you already met him before, I think it was last year here in Singapore! Hindi mo ba natatandaan?"

"Sa dami ng pinakilala mo sa akin bes, hindi ko na alam sino sa kanila yung Frank na yun!"

"Alam ko bet mo yun! Na meet mo na siya sa Sentosa umatend tayo ng beach party dun! Pinakilala siya sayo ng boyfriend ko kasi magkaibigan sila. Kahit lasing ka na nun, I still remember sabi mo pa sa akin ...

"That guy is my future husband!" 

Biglang tawa ni Annie. 

"Unfortunately that week you have to go back to Manila kaya hindi na kayo natuloy sa date nyo sana. Pero he really likes you! Lagi nga niya kaming tinatanong eh about you."

Hindi talaga maalala ni Annie ang gabing iyon. That night she knew she really enjoyed the party dahil nalasing siya. And maybe because she is still thinking about her ex boyfriend.

Finding "the ONE" OnlineWhere stories live. Discover now