38

1.4K 70 32
                                    

Nag-iisa...

"Dapat ay kanina ka pa umuwi, iho? Darating pala ang mga kaibigan niyo at itong nobya mo, hindi mo tuloy sila nasundo sa airport," bungad ng lola ni Ae nang dumating ito kasama si Julio at ang isang babaeng nakaangkla pa ang mga kamay sa kanyang braso. Hindi ko maiwasang makaramdam ng insecurity lalo pa nga't parang natural lamang dito ang maging malapit kay Aedree.


She's beautiful. Bahagya itong malaman ngunit ang humatak ng aking atensyon ay ang natural na kulot nitong buhok na halos takpan na ang maliit nitong mukha. Her eyes were shining, parang ang saya saya niya.

Bigla tuloy akong kinabahan. Si Aedree ba? Si Aedree ba ang nagpapasaya sa kanya?

Mabilis itong nilapitan ng magpipinsan at binati. And I was just left there, staring at the two of them. Hindi pa kami nagkikita ni Aedree dahil nasa lola pa nito ang kanyang atensyon.

Hindi ba dapat ay nilalapitan niya agad ako?

And then it happened, bigla ang naging paglingon niya dahilan upang biglang magtama ang aming paningin. My breath hitches at the sight of this beautiful human being.

Napalunok ako.

Kung noon ay halos purihin ko na ang kanyang napakagandang mukha kahit pa nga naka-casual attire lamang siya, ngayon naman ay halos mapatid ang aking hininga nang makita ang kanyang kabuuan.

He was wearing a three-piece suit na halatang halatang mamahalin. Ang kanyang buhok na dati'y palaging nakabagsak ay maayos na maayos ngayon kung kaya naman kitang kita ang kanyang noo. Mas lalo nitong pinalutang ang mga features niyang noon pa man ay nakakahatak ng pansin ng kahit sino. His lips became redder, parang gusto kong halikan muli iyon at panggigilan.

Higit sa lahat, ang kanyang mga matang kulang na lamang ay higupin ako papalapit ay nagpapahina lalo sa akin. Ang bilis ng tibok ng aking puso at tila ba hinahabol ako ng kung ano.

His mere presence, it's making me weak. Finally, nakikita ko na siya ulit. Nasa harapan ko na siya. I can't believe na ganito katindi ang epekto niya sa akin. Kulang na lamang ay kabigin ko siya papalapit at yakapin ko siya ng mahigpit.

But we just stood there, in front of each other, walang nagsasalita, walang kumikibo.

Walang kahit na ano.

Ang dating kinang ng kanyang mga mata na puno ng kapilyuhan ay ni hindi ko na maaninag.

It's like I was staring to a stranger.

Parang pinipilit ang puso ko sa nakita. Bakit ganoon? Parang walang epekto sa kanya ang pagkikita namin?

Kung hindi pa biglang nagsalita si Lexo ay hindi kami matatauhan.

"Hapunan na pero inuna pa talaga ang titigan! Tara lola, kain na po tayo. Gutom na ang pinakagwapo mong apo," Nilapitan nito ang kanyang abuela bago hinalikan sa pisngi.

"Mukhang nananaginip ka na e gising ka pa naman sana. Mas gwapo kaya ako sa'yo. 'Di ba 'la?" si Ulap na nakikiagaw agad sa atensyon ng kanilang lola.

"Pareho naman kayong tuod,"

"Inggitero si Kuya Julio, palibhasa mas gwapo kami sa'yo!"

"Sino naman nagsabi niyan? Aga niyong mangarap ah,"

"Huwag na kayong mag away na tatlo. Pasalamat kayo wala si kuya Yelo kung 'di pare-pareho kayong nakatikim ng batok,"

At doon na nga nagkagulo ang magpipinsan. Ngunit kaming dalawa ay patuloy lamang ang pagtititigan.

Sinubukan kong humakbang papalapit ngunit hindi siya natinag.

SIMON (P.S#3)Where stories live. Discover now