33

1.4K 62 60
                                    

Crashing....


"Kuya, doon ka nga sa labas. Bakit ka ba nakatamabay sa room ko?" naiinis kong turan. Naiinis na umupo ako sa aking kama at sinamaan na ng tingin ang aking pinsan.

Kanina pa nakahiga si Kuya Cinco sa couch sa gilid ng aking kwarto at doon naglalaro sa kanyang cellphone. He looks so bored pero bakit niya ako idinadamay sa pagiging boring ng buhay niya?

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Buhusan ko kaya ng tubig tong si kuya?

"Bilis na kuya, leave na please," ulit ko. Malapit mo na talaga siyang mahampas e. Buti pa si Kuya Yuan, hindi ganito ka annoying. Si ate Threenity ay hindi din naman ganoon kasungit. Itong si Kuya Cinco na bunso naman sana sa kanila pero parang ipinaglihi sa sama ng loob lagi.


Sinulyapan niya ako saglit bago tinaasan ng kilay. Binalik din naman niya ang kanyang atensyon sa kanyang nilalaro.

"Dito ako sa couch matutulog. Ayoko sa kwarto ko, mainit,"

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tinuran.

"Dito ka matutulog? May aircon kase yung room mo, hindi ka marunong mag operate?!" napataas na ang aking boses at talaga namang inis na. Sabado ngayon, it's our movie night ni Aedree.

Nakaalis na ang lahat at nadala na si Milan sa Amerika. Contrary to their initial plan, sumama halos lahat maliban kay Yelo na hindi pa din umuuwi. Aedree was left though dahil may inayos pa siyang nga papers. And this would be our little bonding sana bago siya sumunod doon sa mga susunod na araw. Even Dakota went with them. Hindi niya talaga iniwan si Milan.

"Dati na 'kong tambay sa room mo Caitlin. Ano bang kababalaghan ang gagawin mo dito at atat na atat kang paalisin ako?" bigla siyang tumingin muli sa 'king gawi at ang kilay ay salubong na.

"Is it him? Hinihintay mo ba 'yong lalaki mo?"

"Ang ingay mo kuya. Lumabas ka na nga!"


"Mabuti at hindi pa nagsasawa sa mukha mo iyon e ang pangit pangit mo. Ang dalas mo lang hindi maligo kapag dinadalaw ka noon. Nakakadiri ka din minsan e,"

"Naliligo ako kuya ha!" inabot ko ang unan ay iniitsa na sa kanya.

He is so annoying!

"Paalis ka ng paalis sa 'kin e ano naman kung nandito ako habang nasa loob siya. Hindi ko naman kayo iistorbuhin,"

Nanlaki agad ang aking mga mata, "Manunuod lang kaya kami ng movie!" depensa ko. Hindi ko na inilihin ang bagay na 'yon dahil alam naman na nilang lahat.

"May movie room tayo, doon kayong dalawa. Mainam doon, may cctv. Mamaya makita na naman kitang may hickey, isusumbong na talaga kita. Kababae mong tao,"

"Kuya!" naeeskandalo kong turan.

"What?" umayos siya bigla ng upo at ipinatong na lamang ang kanyang mga paa sa lamesa sa kanyang harapan. Kuya is such a home buddy. Lately ay hindi na din ito naglalalabas. Sometimes I wonder if wala ba talaga siyang babae. Or baka he's gay?

I titled my head with that thought at bahagya panh kinilabutan. I just can't imagine him bringing a guy home. Or baka tumandang binata na lang din siya.

"Kapag ikaw nabuntis agad, ibabaon talaga kita sa lupa Xantha Caitlin. Hindi porque naluwag kami sa 'yo ay magiging abusada ka. You haven't even introduce him to your parents. Ano, minsanan na lang kapag may nabuo kayo?"

Naitakip ko ang aking mga kamay sa magkabila kong pisngi, "Hala kuya, hindi na nga kami nag gaganoon e!"

Umawang ang kanyang mga labi at tila ba gulat pa sa aking tinuran. Ako naman ay takang-taka.

SIMON (P.S#3)Where stories live. Discover now