21

1.7K 71 25
                                    

Landi...


"So why do I have to drive you?" kunot noong tanong ni kuya Cinco habang nakaupo ako sa likuran ng kanyang kotse. I used to call him kuya but we both agreed na ang awkward pakingan so hindi niya ako binabatukan kapag tinatawag ko na siya nh Cinco na lang ngayon.

Months passed at ang dami na ding nangyari.  And now,  I'm on my way to that cafe na malapit sa school.  We all agreed na magkita kita doon especially pagkatapos ng nangyari sa parking lot ng school last time.

Awang awa ako kay Chaese.  Kung hindi lang talaga ako nakapagpigil baka talagang hinanap ko ang babaeng sumabunot sa kanya at tiniris ang kanyang mukha. 

Dee was pretty pissed off too. I've never seen her lost control before. It almost looked like she's about to end that Cheska girl if Milan didn't stop her. Ngayon ko napatunayan na mahal talaga ni Dakota ang kapatid niya. These past few months na nakasama ko kase sila ay sobrang cold niya lang kaya naman maging ako ay inakalang hindi niya tanggap si Andeng nilang kapatid.  But this incident proved otherwise.

"I can't drive and you have nothing to do. With you being there,  magkakaroon ako ng dahilan para iwasan si Simon,"

Nagtama ang aming paningin sa salamin at pinagtaasan lamang ako ng kilay.

"Bakit hindi mo bastedin kung ayaw mo naman? Ano, pinapaasa mo? Kala mo naman sobrang maganda ka," bulong niya at hindi ko na naman napigilan ang aking sarili at talaga namang dumukwang pa para kurutin siya sa balikat. Ni hindi niya ininda iyon kaya lalo lamang akong nainis.

Halos kauumpisa pa lamang ng klase at napagdesisyunan ng parents ni kuya Cinco na pauwiin siya dito para daw may kasama ako.  Madalas kaseng nasa ibang bansa ang aking mga magulang at pulos kasambahay lamang ang kasama ko sa bahay. 

Half of his things are in our guestroom while half of mine was also on their house para naman pwede kami matulog sa kahit saang bahay. 


"You don't know him.  Matigas ang kanyang ulo at makapal pa ang mukha. Dapat ay huwag kang maging mabait sa kanya!"

"Seems like your match to me,"

Nagsalubong agad ang aking kilay at nag iwas na lamang ng tingin. 

After that incident at the cafe, ginawa na yatang libangan ni Aedree na landiin ako.  But he does it when it's just us or pag walang ibang nakakarinig.  And I'm so thankful for that. At least ay nababara ko siya sa tuwing magkakasama kaming lahat.


Ihininto ni kuya ang sasakyan sa parking ng cafe at mula sa labas ay tanaw tanaw ko na sila. Pumasok naman kami agad and the tension was killing me.  Gusto ko talagang sakalin sila Aedree kung bakit hinahayaan nilang masaktan ng ganito si Andrea. So when she left with my cousin,  medyo napanatag na din agad ang aking kalooban. My cousin maybe masungit but I am sure na hindi niya pababayaan si Andeng.

Sinamaan ko ng tingin si Cheska. Unlike them, I won't tolerate this girl's madness. 

"Saan ka pupunta?" pigil ko sa kanya ng akma siyang tatayo para sundan si Chase na sa hula ko ay sinundan si Andrea. 

Dapat lang na kumilos siya dahil kapag nairita ako ay baka maibugaw ko na lang talaga si Andeng kay Cinco.

"I'm going to follow my boyfriend," mataray niyang sagot sa akin at nakuha pa akong pagtaas ng kilay.  Itinaas ko din ang sa akin na ikinasamid ni Ulap. Him, Lexo and Grey were all wearing onesies. 

"Tirik pa ang araw kaya gumising ka sa panaginip mo. Wala kang boyfriend dito,"

"Cait," nadinig kong awat sa akin ni Simon.  Sumandal ako sa upuan at inirapan siya. Kanina ko pa siya hindi pinapansin dahil talaga namang kumukulo ang aking dugo sa mga nangyayari.

SIMON (P.S#3)Where stories live. Discover now