32

1.4K 61 22
                                    

Regalo...


"Babalik siya Kuya. Imposibleng iwan na lang ako ni Barbara,"

Napasinghap ako ng halos balyahin na ni Yelo si Ulap. Namumula na pareho ang kanilang mga mata at hindi na magkamayaw si Simon at Chase sa pag awat sa mga ito.

Seeing Ice lose control is the scariest thing ever. Nasaksihan ko na noong nagwala siya at binugbog ang nakabanga kila Milan. It's a sight I'm not willing to witness again. Halos madurog na nga ang kanyang kamao noon nang pinagsusuntok niya ang pader.

And now this?

"Yelo,  ano ba? Bakit si Ulap ang pinag iinitan mo?" galit na sigaw ni Aedree habang pilit niyang hinahatak palayo si Yelo sa kanilang pinsan. Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita. Unti na unti na silang nauubos.

"Kuya..." bulong ni Chase na hawak hawak ang kamay ni Yelo na nakasakmal na sa leeg ni Ulap habang ang huli naman ay panay lang ang pag iyak.

Bakit ba ganito kagulo?

Hindi na naman ako matigil sa pag iyak. Milan almost died! Scratch that - he actually died for a minute kung hindi siya narevive ng mga doktor.

And now we found Yelo going ballistic nang hindi niya na mahanap sila Bobbie at Mattee. Ano ba ang nangyayari?

"Kuya nasasaktan mo na si Ulap," nagsusumamo nang turan ni Chase at tila noon lamang nahimasmasan si Yelo.

"Bakit ka ba biglang nagagalit? Baka naman may inasikaso lang sila,"

Hindi ko din maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari. Kanina lamang ay andoon pa sila Bobbie. Doon ako galing kanina. Masyado na kaming nagkagulo dito lalo pa nga at kinailangan muling sumailalim ni Milan sa isa pang surgery. And now that everything was actually going back to normal, tsaka naman hindi mahanap sila Mattee. At ayaw magsalita ni Yelo.


I don't understand. Bakit? Bakit umalis sila Barbara?


Dahan dahang dumausdos ang katawan ni Ulap sa sahig habang ang kanyang mga kamay ay nakatakip na sa kanyang mukha. Panay lamang ang kanyang paghikbi at halos manikip na din ang dibdib ko sa sakit sa aking mga nakikita. Awang awa na talaga ako kay Ulap. Para siyang batang musmos na biglang iniwan ng kanyang magulang.

Alam naming lahat na bukod sa pamilya ay si Barbara na ang pinagkukunan niya ng lakas. And now this. Hindi ko tuloy maiwasang maghinanakit sa aking kaibigan.

Kung aalis siya, bakit hindi siya nagsabi? Maiintindihan naman namin kung may dahilan.

Nilapitan ako ni Ahyesa at niyakap.

"This is just too much..." hindi ko napigilang maibulong. Bakit iniisa isa kami? Ang hirap makita ng lahat na parang nawawalan na ng pag asa.

Niyakap lang ako ni Ahyessa ng mahigpit at tulad ko ay panay lamang ang kanyang pag iyak. My heart is literally in a very weak condition right now. I never thought being close with them would make me go weak like this

Bakit napakahirap?

The days go by nang wala sa aming nagsasalita. Hindi na namin nakita sila Barbara at wala din kaming naging balita. Hindi naman namin maasikaso na hanapin sila because Milan's condition is very sensitive.

Until a very painful news broke everyone of us.

Faye died.

Nagulantang kaming lahat sa balitang iyon.
Kahit hindi kami close sa kanya ay hindi din namin napigilang umiyak. She's too young, so precious. Ang rami niya pa sanang pwedeng gawin, maexperience. She's just a pure soul na bigla na lamang ninakaw sa amin.

SIMON (P.S#3)Where stories live. Discover now