22

1.5K 60 19
                                    

Lose...

"Nasaan si Aedree?" mahinahon kong tanong. Pinigilan ko ang aking sariling mapasimangot ng mapansin si Ulap na nilalaro laro ang balahibo ng aso niya. Around him were some clothes for Baby V.

"Xantha tingin mo ba mas bagay 'tong red sa kanya o yung blue na lang kaya?" inosente niya pang tanong. Napairap muna ako bago itinuro ang pulang damit. Mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha at ang tanging nagawa ko na lamang ay umiling. 

Isip bata pa din talaga tong bubuwit na to. Hindi na ako magtataka kung mabaliw na lang si Bobbie kakaintindi sa kanya.  Though I can't disregard the fact that him being that innocent at most times is adorable, sila ni Lexo kahit pa nga ang sarap talaga nilang tirisin.

Napalinga linga ako sa paligid at ng masiguradong wala si Aedree ay payapa na akong napaupo sa couch.

Hindi ko alam bakit isinama ako pa ako ni Andrea dito ng sunduin siya ni Chase. Paano na lamang kun makita ako ni Aedree?  Hindi ko na kinakaya ang kapokpokan ng lalaking iyon!

Noong isang araw lamang ay ninakawan niya ako ng halik sa pisngi ng masalubong ko siya.  Kung may hawak lang talaga akong itak ay nahabol ko siya noon!

Kunwari ka pa e nagustuhan mo naman!

Ipinilig ko ang aking ulo sa naisip. Bakit ko naman magugustuhan e ayaw ko naman sa kanya? Sasaktan niya lang ako.

Kausap ko si Enzo sa phone noong isang araw at nabanggit ko sa kanya ang tungkol kay Aedree.  I'm not sure kung bakit ba pinatagal ko pa ang pagsabi sa kanya ng bagay na iyon.  Hindi naman ako mahilig maglihim sa kanya. Ang bwisit na iyon ay panay biro na lamang ang ginawa sa akin at niloko loko ako.

He even called me a whining bummer! The nerve!

Nakakainis na talaga. This is all Aedree's fault!

Bakit niya ba kase ako nilalandi? What is wrong with him?

Nagulat ako ng biglang mag ring ang landline nila Aedree.  And Ulap,  being so tamad,  did not even bother standing up to answer the phone.

"Xantha pakisagot naman ang phone please," utos pa niya.  Hindi ko napigilang mamaywang.

"Really?"

Ni hindi niya ako sinagot kaya nawalan ako ng choice kung hindi tumayo para sagutin iyon.

"Puntavega Residence," sagot ko at nailayo ko pa ang telepono saglit sa aking tengga ng madinig ang impit na tili mula sa kabilang linya.  It's a girl, a very weird one.  Sino ba ang matinong babae na titili agad kahit dapat hello muna ang sinasabi?

"Yes ahm, is this Aedree's house?" nanginginig na ang kanyang boses at halata mong pinipigil ang kilig. I rolled my eyes in annoyance. 

"Yeah,  how did you know this number?"

Stalker ba tong babae na to?

"He gave it to me last night. He said I can contact him so we can meet,"

Nagsalubong na agad ang aking kilay at agad na umahon ang inis sa sistema.  Kumukulo na ang aking dugo at parang may gusto akong bitayin.

Napakalandi talaga ni Aedree! Panay siya harot sa akin tapos ito pala ang trabaho niya,  pinapamigay niya pa ang landline nila!  Bwisit!

"Katulong ka ba nila?  Pwede mo ba siyang tawagin?  Sabihin mo si Cassmere to.  Yung magandang nakilala niya kagabi.  Sigiradong kakausapin niya agad ako,"

Napaismid ako.  Anong magandang nakilala niya kagabi? Sakalin ko kaya siya.  Sa naisip ay pumawaywang na naman ako. 

"Ah ganoon po ba ma'am!" tumaas na ang aking boses at may diin na talaga ang bawat katagang binibitawan.  I'm going to kill Aedree after this. I knew he was only playing with me! Hindi ko naiwasang muling maghinanakit. Is he going to break me like he did a few years back?

SIMON (P.S#3)Where stories live. Discover now