Chapter 18 - Extra

418 49 0
                                    

[18] - Extra

Kenisha

Love is hell.

Love is stress.

Love is bothersome.

But you know what? Love gives the best experience you can have in your whole life.

Isa ako sa mga witness doon.

My parents hated and loved each other to the point that it resulted to three pretty ladies namely: Shekina, Kenisha and Nekisha.

Oo. Ako ang pangalawang pretty lady. May angal?

Ehem. As I was saying, love makes us realize that good things are planned for you and you don't take it for granted. 'Cause if you do, love will turn against you.

Sa tanang buhay ko, hindi ko pa nararanasang magkaroon ng karelasyon. Oha! I'm a pretty lady but I don't have a man. Saan ka pa makakakita ng ganoon kundi sa Pilipinas?

Once, I almost wished na sana dumating na si Mr. Right kasi nakahanda na ang wedding, reception, honeymoon at magiging bahay namin! Ang kulang na lang? 'Yong makakasama ko!

At sobrang tagal niyang dumating kaya unti-unti na akong nadi-disappoint sa direksyon ng lovelife ko.

And when you really hate love, babalikan ka nito ng dobleng pang-aasar.

Because the man I chose to be my Mr. Right...

is our dear cousin.

***

"Kenisha Loviel Strauss," tawag ng boss ko paglabas niya ng private room. "I've already seen the documents on my table. Please see to it that they will be processed as scheduled."

"Yes, boss. Ako na po ang bahala."

Tiningnan niya ako nang matagal pero hindi ko pinahalata na nagtaka ako. "I'm gonna leave everything to you then. Call if you need anything."

"Thank you, boss. Have a safe trip home."

Sinundan ko siya hanggang sa parking ng sasakyan niya. Madalas siyang nananatili sa bahay niya para doon ituloy ang trabaho bilang isang negosyante at mafia boss.

Damn right. A mafia boss.

"Boss will be going back now to Palawan." sabi ko sa mga guard na susunod pa lang sa pag-alis. "Magbantay kayong maigi."

Tumango lang ang head guard sa akin saka mabilis na sumakay sa convoy. Nang masigurong nakalabas na ang lahat ng sasakyan nang maayos, bumalik na ako sa opisina.

This is just an ordinary day for a pretty secretary that handles a mafia boss' legal job. Ang building na ito ay itinayo para sa legal na trabaho ng Zion, one of the most powerful mafia families in the world.

Ozin Security Services is an agency that trains well-educated individuals to protect people and properties worldwide. Iilan lang sa labas ng pamilya ang nakakaalam ng involvement namin sa black market at iba pang illegal platforms. Sumikat kami sa security industry dahil sa manpower at advanced technology tools and equipment.

Bilang sekretarya sa malaking kompanya na ito, nararapat lang na maging perfect para hindi makagawa ng pagkakamali. There are a few speed bumps before but it was easily taken care of by my ever-loving golden-haired boss. And I learned a lot of things in the industry kaya wala na siguro akong pupuntahang iba kundi dito.

And hello! Ito na lang ang major na pinagkakaabalahan ko sa buhay. Minsan ko na lang masundan ang pinsan ko na ubod ng gwapo kaya feeling ko, napaka-boring ng buhay ko.

Miss AgentWhere stories live. Discover now