Chapter 9

388 65 1
                                    

[9]

Shekina

"Secret agent, my foot." sagot ko agad na ikinatigil niya. Ano siya, sinuswerte? Isa ako sa may pinakamataas na posisyon sa Ozin Security Services pagkatapos ni boss at mga kilalang pamilya sa buong mundo ang kumukuha ng serbisyo ko. Tapos itong Theodore Grim na 'to, ganoon na lang makapagsabi na gagawin niya akong agent niya?

Magiging Pacific Ocean muna ang Sahara Desert bago mangyari iyon!

"Come on," panunuyo niya. "You've been working as my secretary for a year now. You know me more than anyone else besides my parents. Sapat na sigurong dahilan iyon para tulungan mo ako."

"Tutulungan kita pero wala ka sa posisyon para utusan ako. Huhulihin natin ang nagtatangka sa buhay mo sa sarili kong paraan."

"Tch. As expected," he muttered. Parang bata!

Nagulat talaga ako nang banggitin niya ang salitang secret at agent. I mean, that's not my exact real job but it obviously gave me an uncomfortable feeling. Tama si Theodore Grim. Mag-iisang taon na akong nagtatrabaho sa kanya at kilalang-kilala ko na ang pagkatao niya. Nasanay na ako sa bad moments niya at mangilan-ngilan na embarassing moments na ipinagpipilitan niyang sinasadya dahil masyado na daw siyang perfect.

Each one of those memories is already engraved in my mind. Ngunit sa oras na malaman niya ang totoong trabaho ko, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.

When he finds out that I'm working for a mafia in the shadows, will he let me go and forgive me? Or will he turn his back and think that I'm the worst person he ever met?

Para akong nasaktan nang matanong ko iyon sa sarili. Kahit siya ang nag-iisang boss na nakapagpasakit ng ulo ko, I can't seem to let this work go. Hindi ko alam kung napapamahal na ako sa Grim Corp. o sadyang magaling lang ako sa trabaho, pero isang bagay lang sigurado ako sa ngayon.

Mananatili ako sa tabi ni Theodore Grim hanggang sa malaman na niya ang totoo. Whatever he'll do next is out of my concern.

Matapos ang ilang oras na pakikipagtalo kay boss tungkol sa plano namin, iniwan ko muna siya sa control room dahil may kailangan pa akong gawin. May kailangan pa akong kausapin.

"This better be important, Strauss." bungad ng totoo kong boss nang tawagan ko siya sa phone. Narinig ko pa siyang maghikab. "It's 5 in the morning here."

I bit my lip. Nakalimutan kong nagbabakasyon pala silang pamilya sa Hawaii. "I'm calling in a report, boss."

"Proceed."

"Mr. Grim is no longer a threat to Ozin, boss. I will send the complete memo by tomorrow. As for now, I'm assuring you that Theodore Grim is not the one we're looking for."

"That shooting at the Grim Building rooftop. Was that related to this conclusion?"

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. "H-How did you know that, boss?"

"I'm not expecting your call these past few days because you told me that Grim will be holding a celebration for the company's 10th year in the business. But you seem to forget that I have Gamma watching everyone out there."

Of course, how could I forget her spies? Sa sobrang concentrated ko sa Grim ay nakakaligtaan kong kabaliktaran nito ang totoong kompanya na pinagtatrabahuan ko. My bosses are two sides of a coin, and I should know which one to flip over and keep at the bottom.

Nang hindi ako kumibo ay nagsalita ulit siya. "But you're the only person I have inside the enemy's castle. If you're saying that their king is not involved, then there is no need for you to stay beside him anymore."

Miss AgentWhere stories live. Discover now