Chapter 14

336 59 7
                                    

[14]

Shekina

Shit. Shit. Shit.

I know that man.

Kahit madalang ko lang siya makita ay madali ko namang makabisado ang mukha at postura niya. He was usually wearing a business suit and would always stand quietly as if he's not there.

Pero ngayon ay naka-sweater lang siya at black pants. At akalain nga namang humihigop-higop lang ng lomi sa tabi ni Theodore Grim.

Walang iba kundi ang bodyguard ng una kong boss.

Huli na nang mapansin ko ang taong ito dahil sa kakaiba niyang get-up, kaya tinatagan ko ang sarili at pinilit na umakto nang normal.

"Paano ka naging suki dito eh hindi ka naman mahilig sa chicken?" tanong ni boss.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo ba narinig ang bati sa 'kin ng may-ari? Sa kanya lang ako nakakarinig ng pagpupuri na totoo. Hindi lang ikaw ang may kailangan, ano."

"Tss. Sa opisina ba walang gumaganyan sa 'yo?"

"Paano magkakaroon eh iniutos ng may-ari ng kompanya na siya lang dapat ang puriin ng mga empleyado? Sino kaya ang may-ari na iyon, ano? Nakakainis siya, sa totoo lang."

Dito na siya natawa. "Gwapo ang may-ari ng kompanya, panigurado. No one can resist that face."

Wala na lang akong nagawa kundi mahawa sa tawa niya. One of Theodore Grim's expressions that aren't so rare anymore. Sana ganyan na lang siya ka-carefree palagi. Kung hindi lang nanganganib ang buhay niya, nae-enjoy sana niya ang mga bagay sa labas ng trabaho.

And once he learns the truth about me, tuluyan na itong mawawala sa kanya. He will shut himself in and he will never be happy.

Napalingon ako sa likod ng arko kung saan may malaking orasan. Tumunog ito nang tumapat na sa alas dose ng hatinggabi.

Ramdam ko naman ang pagkuha ni boss sa kamay ko at inangat iyon para halikan ang likod. "Thank you."

Tiningnan ko siya at nginitian. "Isn't that too soon?"

Ikinailing niya ito. "I just want to say it."

Hinigpitan ko ang hawak niya at huminga nang malalim. "Boss—"

"Can you please stop calling me that when we're alone?"

Napakurap ako. "E-Eh, ano ba dapat? Teodoro?"

"What the hell?" kunot-noo niyang bulalas. Inis talaga siya sa Tagalog name niya.

"Biro lang." Slight kong pinisil ang pisngi niya. "Theo."

Pinisil din niya ako sa pisngi. "Shekina."

Tumagal ang pagtitigan namin hanggang sa muli na naman kaming natawa. Parang mga baliw!

Pero hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Finally, nakasama ko na ang totoong Theodore Grim. Mas nahuhulog na ang loob ko sa kanya at parang ayaw ko nang bumangon.

"Tama na iyan, ha? Nandito tayo para kumain at hindi mang-inggit sa pagmamahalan niyo."

Sabay kaming lumingon sa likuran nang bumungad ang mga order namin na hawak ng may-ari ng Hot Chicken. Umiling-iling pa siya habang nilalagay sa table ang mga ito.

"Iba na talaga ang mga tao ngayon. Lantaran kung maglabing-labing."

"I'm not even kissing her yet," sagot pa nitong lalaki! Hinampas ko nga sa balikat.

"Hay naku, 'tol. Gawin mo na lang iyan mamaya kapag ihahatid mo na ang Hot Chick natin sa bahay niya. 'Wag dito, ha? Masisira ang ambiance ng kainan ko."

Miss AgentWhere stories live. Discover now