Chapter 1: Ang Simula

261 5 9
                                    

Body switching. Oo, tunog pa lamang nito ay mukha na itong imposible. Pero paano kung isang araw, magkapalit kayo ng katawan ng kaibigan mo at hindi na kayo makabalik sa sarili ninyong mga katawan? Ano ang iyong gagawin?

"Roxanne, handa ka na ba?" tanong ni Karen.

"Oo, Karen. Handa na ako." tugon ni Roxanne.

"Kung gayon, umupo na kayo sa ating switching machine." sambit ni Edward.

Dahan-dahang lumakad ang dalawa patungo sa upuan.

"Kaya natin 'to. Isang araw lang naman." sambit ni Karen.

"Oo, Karen. Kakayanin natin 'to." tugon ni Roxanne.

"Ano, ready na ba kayo?" tanong ni Edward.

"Oo, Edward. Handa na ako." sambit ni Roxanne.

"Handa na rin ako." dagdag ni Karen.

"Kung gayon, ipikit ninyo ang mga mata ninyo. Huwag kayong kakabahan." sambit ni Edward.

Dahan-dahang lumakad si Edward patungo sa switching machine. Makalipas pa ang ilang sandali ay pinindot na niya ang power button nito.

Ako si Karen. Alamin ang aming kwento kung paano kami nagkapalit ng katawan ng kaibigan kong si Roxanne. Makabalik pa kaya kami sa sarili naming mga katawan?

----------

3 weeks earlier...

Nakaupo si Karen sa kanilang sala. Inaayusan siya ng kaniyang make-up artist. Masayang-masaya siya.

"Bes!" masiglang sambit ni Ariana.

Napatayo si Karen sa kaniyang inuupuan.

"Ariana!" sambit ni Karen sabay yakap kay Ariana.

"Naku, bes, congrats! Ikakasal ka na. I'm so happy for you." sambit ni Ariana.

"Naku bes, salamat. Wala 'to kung hindi dahil sa inyo. Salamat, dahil kasama ko kayo sa pagkamit sa mga pangarap ko." tugon ni Karen.

"Naku, wala 'yun. At tsaka nga pala, eto, kasama ko si Nanay Magda tsaka si Leslie." sambit ni Ariana.

"Ate! Nay!" sambit ni Karen sabay yakap sa kapatid at ina.

"Naku, ate, congrats. Masayang-masaya kami ni Nanay para sayo." tugon ni Leslie.

"Oo nga anak. Noon, maliit ka pa lang, ngayon, ikakasal ka na. Anak, masayang-masaya ako para sayo, para sa inyo ni Edward." sambit ni Magda.

"Maraming-maraming salamat po, Nay, Leslie, Ariana." tugon ni Karen.

"O siya, halika na. Sumakay ka na sa bridal car. Kasama mo si Ariana. Kami naman, magcoconvoy kami sa inyo." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay." tugon ni Karen.

Mula sa loob ng bahay, naglakad si Karen patungo sa bridal car. At sina Magda at Leslie naman ay sumakay sa sasakyan na nasa likod ng bridal car. Si Ariana ang kasama ni Karen sa loob ng bridal car.

"Naku, bes, I can't believe! Ikakasal ka na! I'm so proud of you dai!" sambit ni Ariana.

"Naku, bes, salamat. Kahit nga ako hindi makapaniwala eh." tugon ni Karen.

Makalipas ang ilang minuto, narating na nila ang venue ng kasal. Dahan-dahang bumaba sina Karen at Ariana sa bridal car. Nasa likuran pa rin ng sasakyan nila sina Magda at Leslie.

Masayang-masaya ang lahat dahil natupad ang pinapangarap na kasal nila Karen at Edward. Naglakad sina Karen at Edward patungo sa harap ng simbahan.

The SwitchWhere stories live. Discover now