Chapter 1 : Battle scars

Start from the beginning
                                    

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa akin ang lahat ng mga classmate ko, yung iba nagtatawanan at yung iba halatang nawe-weirduhan sa akin.

"Rob okay ka lang?" Tanong sa akin ng kaklase kong si Curtis kayat tumango na lamang ako kahit napakabigat parin ng hininga ko.

"Robbie Lloyd Chen ang classroom ay classroom, kung gusto mong matulog you can get out of my class" Sermon sa akin ni Sir kayat tumayo na lamang ako at agad na lumabas ng classroom. Sanay na akong mapagalitan, ano pa bang bago?

Dumiretso na ako sa locker ko at agad na ininom ang mga gamot kong pampawala ng stress. Nang maisara ko ang locker ko ay bigla na lamang sumulpot si Ria sa tabi ko kayat halos mapasigaw ako sa gulat.

"Dude are you okay? Youre sweating like shit!" Reklamo niya at agad na pinunas sa akin ang panyo niya. Nyeta ano bang akala niya sa akin? Nazareno?

"Im okay, stop acting like mom" agad kong inilayo sa kanya ang mukha ko. Si Ria ang nakababata kong kapatid. Tumigil ako ng isang school year kaya ngayon magkapareho na kami ng kapatid kong nasa first year college.

"You cant blame me for worrying. Look at you kuya, para kang naliligo sa pawis tapos ang putla-putla mo pa. Nainom mo na ba ang gamot mo?" Tanong sa akin ni Ria kayat hindi ko maiwasang mainis. 

"Look thank you sa concern pero wala akong sakit. Magaling na ako, I dont need anyone's fcking help! Im alive and thats what matters!" Giit ko. Hindi ko namalayang napalakas ko pala ang boses ko kaya nagtinginan sa akin ang mga tao sa paligid. Dali-dali akong naglakad palayo ngunit sinundan parin ako ni Ria.

"For one year you did nothing but magkulong lang sa kwarto mo kuya, you keep on saying na okay ka lang pero yung totoo okay ka lang ba talaga? Oo alam kong magaling ka na, magaling na ang mga sugat mo pero yang sugat diyan sa kalooban mo magaling na ba?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Ria.

"Magaling na ako, Its almost two years. Wala nga akong peklat eh" I assured her. Napabuntong hininga na lamang ako at agad na isinilid ang mga kamay sa bulsa ko.

"Thats right, you dont have scars on your skin but how about on the inside? The scars inside us are the worst. Nakakainis! I just want my brother back! I want Robbie the idiotic Chen back! " Dagdag pa niya at nahalata ko sa boses niyang naiiyak na siya kayat napakamot na lamang ako sa ulo ko at dali-dali siyang inakbayan.

Eversince my brush with death, Ria changed. Hindi lang kaming mga biktima ng massacre ang apektado, ganun narin ang mga pamilya namin.

"You never lost me Ria. You never will kaya pwede ba wag kang magdrama? Ang korni mo para tuloy tayong yung mga nasa teleserye na kinaiinisan natin" Pag-iiba ko ng usapan. "Tara sa canteen may mga tindang siopao daw dun. Ibebenta kita"

"Kuya naman eh!" Sigaw niya at agad akong hinampas.

- - - - - - - - - -

Habang namimili kami sa cafeteria ay bigla kong narinig ang breaking news sa TV.

"ISANG BUWAN NALANG BAGO ANG PANGALAWANG ANIBERSARYO NG MALAGIM NA MASSACRE NA NAGANAP SA PROVIDENT INTERNATIONAL BOARDINGSCHOOL O MAS KILALA NA NGAYON SA BANSAG NA SLAUGHTER HIGH. MATATANDAANG UMABOT SA HALOS DALAWAMPU ANG MGA BUHAY NA NASAYANG NANG DAHIL SA KRIMEN NG BINATILYONG SI DIXON SANTINO. NGAYON AY NAGHAHANDA NA ANG MGA PAMILYA NG MGA BIKTIMA PARA SA TAUNANG VIGIL PARA GUNITAIN ANG ALA-ALA NG MGA YUMAO." Ulat nung babaeng reporter.

"Ale pakipatay nga ng TV!" Sigaw ni Ria na halos batuhin na ang tv kayat pinilit ko nalang ang sarili ko na ngumiti.

Magda-dalawang taon na. Kamusta na kaya sina Kevin, Carly at  Dominic? Matagal narin kaming di nagkikita o nagkakausap. Sa pagkakaalam ko kabila't-kanan ang appearance at interview ni Kevin sa mga tv station nang dahil sa mga nangyari. Naging instant celebrity ata ang loko. Sina Carly at Dominic naman nasa New York ata.

Sa New York rin sana ako mag-aaral kaso hindi nagbago ang isip ko't dumito nalang ako sa Pilipinas. Kahit papaano'y 

"Kuya yung phone mo umiilaw" Siniko ako ni Ria.

Nyeta sino na naman kaya to.

Tiningnan ko ang cellphone ko. May text message na dumating gailing sa isang unknown number. Bigla akong kinilabutan nang mabasa ko ang mensahe....

From : +639**********

Malapit na ang reunion. See you soon Provident High Class 2012.

Nyeta anong reunion?

END OF CHAPTER ONE

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now